-Someone's POV-
[Flashback]
Habang naglalakad ako sa itaas ay nakita ko sina Jonas, Jaria, at Gail na nakatayo sa harapan ng dorm ni Patricia.. Pagkaraa'y pumasok silang tatlo..
Nang makapasok na sila ay naalala ko na may 'misyon' si Keano.. Nagawa na nya kaya?
Dahil sa gusto kong malaman ang nangyari kay Patricia ay sumunod ako sa kanila..
Binuksan ko ng dahan-dahan ang pintuan ng dorm ni Pat.. At narinig ko silang tatlo na nag-uusap sa banyo.."Napaka-careles---"- napatigil si Jai sa pagsasalita at sumigaw..
"Ahhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!"-matapos napatingin sila sa kanyang itinuturo.. Pati narin ako ay napatingin..Si Pat... Nasa may bathtub.. Walang saplot, walang malay, wala ng buhay,: walang buhay na nakababad sa kulay dugong tubig...
So, nagawa na pala ni Keano.. Magaling.!
"Ano iyon?"-ang tanging nasambit ni Gail sabay turo sa dibdib ni Pat na may nakasulat na No. 3
"Sino ang may gawa nito?"-ang tanging nasabi ni Jonas..
"Kilala ko kung sino.."-wala sa sariling nasambit ni Gail..Huh? Kilala nya? Delikado.
"Sino Gail?"-Jai
Dali-dali akong umalis ngunit napalakas ang pagsara ko ng pintuan..
"May tao!"-dinig kong sigaw ni Jonas..
Dali-dali akong tumakbo at nagtago.. Pumunta ako sa secret room na pinagmimeetingan namin..Ang aming pinaka-pinuno ay naroroon sa kanyang swiveling chair..
"Anong nangyari? Bat ka pawis na pawis?"-tanong nya sa akin.
"Pinuno, delikado. Tila alam ni Gail kung sino ang pumatay kay Patricia."
"Ano?! Sigurado ka ba?"
"Opo pinuno, narinig ko sila.."-ang sagot ko.
"Si Keano? Nasaan sya?"
"Ang alam ko ay umuwi sya sa kanilang bahay.. Wala sya sa kanyang dorm."-ang tanging nasabi ko.
"May plano tayo.. Bukas."-wika nya sa aming lahat.
"Ano naman iyon pinuno?"-wika ng aking kasamahan na si Mariel.
"Kailangan ng mawala ni Keano."-sagot naman ni Mr. Ashton.
"Pero bakit? Hindi bat kasamahan natin sya?"-ang tanging naibulalas ko.
Hindi nya ako sinagot, bagkus, nginitian nya lamang ako..---
[KINABUKASAN]
"Pinuno! Patay na si Keano."-ang wika ng aking kasamahan.
"Magaling."-at umalis na sya sa aming lugar.Tanging kaming dalawa lamang ng aking kasamahan ang nasa bahay.. Bahay na binili ng aming pinaka-pinuno para sa amin.
Ang iba sa aking kasamahan ay nasa kanya-kanyang lakad.. Tsk, tsk.
Lumabas ng kusina ang aking kasamahan..
"Sino ang isusunod?"-wika nya habang ngumunguya ng mansanas.
"Secret!!"-sigaw naman ng aming pinuno sa grupo na kakapasok lamang, kasama nya si Mariel.
"Sira! May pasecret-secret ka pang nalalaman!"-sigaw ko naman sa kanya.
"Aba, aba, aba? Sinisigawan mo na ako ngayon ah?"-taas kilay nyang tanong.
"Pasensya na po."
"Pero Pinuno, sino nga isusunod?"-tanong ng aking kasamahan.
"Malalaman mo rin, Apple! Haha."-sadistang tawa nya.
--
[Flashback Ends]
-------
-Mariel's POV-Friday na..
Lahat ay nasa room.. Karamihan sa amin ay may kanya-kanyang mga ginagawa. Ang aming Queen Bee na binubully nanaman si Marry Joyce."Oy Maria, tikman mo nga itong pulbos ko.. Parang gumaspang yung texture eh."-wika nya sabay tulak nya sa pader kay Joyce.
Tumayo si Joyce at aalis na sana ng pinigil ko sya.
"Oooops. San ka pupunta?"-sabay higit ko sa braso nya at itinulak uli sa pader.
"Nice one Yel."-at hinablot naman ni Lovely ang buhok ni Joyce, sabay hawak nya sa panga ni Joyce at sinusubo ang lalagyan ng pulbos.
"Wag Lovely.. Please.. Wag.."-nagmamakaawang wika ni Joyce.
"Wag Lovely... Please.. Wag."-panggagaya naman ni Lovely in an exaggerated way.
" 'Nu ba yan Bitch! Tikman mo lang!"-sigaw ni Lovely, na tila ba napipikon na.Isusubo na sana ni Lovely yung pulbos ng pumunta sa harapan si Jonas at nagsalita.
"Section Rizal.. Nakita nyo ba kung sino ang nakakita sa pagkahulog ng bangkay ni Keano sa locker nung thursday?"-tanong nya sa buong klase na tumahimik naman.
"Eh Pres, si Andrei.. Nakita kong tumatakbo sya, na tila ba may humahabol sa kanya nung thursday eh.."-wika ko naman.
"Nagtungo pa nga sya sa rooftop."-wika naman ni Stepherlie.
"Sino-sino ba ang humabol sa taong nakakita ng nangyari sa room natin?"-wika ulit ni Jonas.
At nagsitaasan ng kamay sina Jirov, Marvin, Mark, Paul, Oliver, Reister, at si Jolo.
"Nakita ko ang mukha ni Andrei ngunit di ko sya nahabol.."-wika naman ni Jirov.
Maya-maya ay dumating si Gail at Jaria, na kakapasok lamang."May nangyari sa Student Council Office, Pres."-wika naman ni Jaria.
"Anong nangyari?"-nag-aalalang tanong naman ni Jonas.
"Si Andrei.. Natagpuang wala ng buhay sa may cabinet ng office."-wika naman ni Gail.
"Ano?! Kailan? Sino ang nakakita?"-di makapaniwalang tanong ni Jonas.
Tumakbo papuntang Student Council Office si Jonas.. At ang aking magagaling na kaklase na usisero't usisera ay nakitakbo din -__-. Sumunod na din ako, wala ng tao sa room eh -__-"
--Nang makapasok kami ay nakita naming nakahiga sa sofa si Andrei.. Mukha nya ay maputla na at ang kanyang mga kamay ay nangingitim na..
Natawa na lamang ako ng mahina.. Bat kasi napakadaldal nya. >;]Lumapit si Jonas sa bangkay ni Andrei at hinawakan ang kamay nya..
"Anong nangyari Drei?"-tanging nasambit nya.
"Section Rizal, bakit nandito lahat kayo?? Hindi bat class hour? Magsipasok na kayo."-wika naman ng bagong dating na teacher naming si Sir Zean.
At nagsipasok na ang lahat ng aking mga kaklase..Ngunit natira kaming apat.. Ako, Gail, Jaria, at Jonas..
"Tara na Pres, kailangan na nating pumasok.."-pagyaya naman ni Jaria kay Jonas na nagdadalamhati parin sa pagkamatay ng kanyang kasamahan.
"Tama sya."-ang tanging naibulalas ko..--
At umalis na kami ng S.C Office..****************************************************************************
BINABASA MO ANG
Light into Darkness(The Beginning of the End)
Mystery / ThrillerINTRODUCTION The Winchester Massacre was the day it all started, the day the revenge started. Ashton Winchester was the only one who survived the massacre. He build a Boarding School in the Winchester Mansion and create a family of his own. Little d...