-Mariel's POV-
"Kelan pala yung last na mamamatay?"-tanong ni Mansanas.
Hala? Delikado sya.
"Pang-number 9 na ba? Ang bilis ah?"-wika ko naman.
"Ganun talaga. Gusto mo, isunod na kita Yella?"-nakangising sabi ni Panget.
"No thanks. Mauna ka."-nakapoker face kong sagot at lumabas ng bahay.
Delikado buhay nya.
——————
-Jonas POV-
Nung matapos yung klase, pumunta agad ako sa Student Council Office; aayusin ko pa kasi yung mga paper works ng school eh.. Malapit na kasing mag bakasyon kaya rush yung mga trabaho. Ang dami pang pinapagawa ng mga teachers sa akin. Hay.. Next year kaya, still; ako parin kaya ang President ng SCO?
"Pres, eto pa yung papers na pinapaayos ni Mrs. Reyes."-sabay abot sakin ni Jeanine ng mga nakafolder na papel at pumunta sa table nya; may ginagawa din kasi sya eh.. lahat ng sa SCO, busy sa mga paperworks.
7:47 pm.
Ang bilis ng oras.. Di ko pa din natatapos 'to. Ang dilim narin sa labas.
"Pres, di ka pa pupunta sa dorm mo? Mauna na kami. Gabi narin naman kasi."-at umalis na sina Jeanine, Paul, at Oliver.
Itinabi ko ang mga natitirang gawain at lumabas na ng SCO.
Ang dilim sa hallway, kahit may ilaw sa may grounds, hindi parin naiilawan yung hallway.
Naglakad na ako papunta sa dorm ko.
Nang madaanan ko yung isang madilim na part sa pagitan ng Cr at room eh may narinig ako. Mukha syang eskinita na madilim, lumapit ako.. Medyo maliwanag; sakto kasi yung pagtama ng liwanag ng buwan sa eskinita eh.
"Hahaha."-nagulat ako, may nakahood na tao at may hawak na kutsilyo.. at isang student na naka higa sa may mga basura at duguang wala ng malay.
"Hahaha."-tawa nanaman ng may hawak ng kutsilyo, paulit-ulit nyang sinaksak ang student na nakahiga... natulala ako; ngayon lang ako nakasaksi ng ganung klasing pagpatay.
BINABASA MO ANG
Light into Darkness(The Beginning of the End)
Mystery / ThrillerINTRODUCTION The Winchester Massacre was the day it all started, the day the revenge started. Ashton Winchester was the only one who survived the massacre. He build a Boarding School in the Winchester Mansion and create a family of his own. Little d...