Chapter 32

15 1 0
                                    

-Jonas' POV-



Bumalik ako ng library, kailangan ko ng maghanap.



"Gail?"-nakasalubong ko kasi sya.



"Ow? Bakit?"



"Bat nandito ka?"-naguguluhang tanong ko.



"Inutusan ako ni Ms. Reyes eh. Haha. Sige, una na ako."-at umalis na sya.



Pumasok ako ng library, at nakita ko ang sign na "STUDENTS ARE OFF LIMIT", tama; dun nga.



Dirediretso akong pumunta dun kaso,

"Hep, off limits nga di ba?"-nakapoker face na sabi ni Mam Reyes.



"Mam, may kailangan po akong hanapin dun."-pagpapaliwanag ko.



"OFF LIMITS ang mga STUDENTS.. Di ka ba marunong bumasa?"-pilosopong sabi nya. Ugh!



"Mam, di mo kasi naiintindihan eh. May kailangan po akong hanapin sa corner na yan."-at inispread nya yung dalawa nyang kamay at hinarangan ako.



"Isa lang naman ang naiintindihan ko eh, KAILANGAN MO NG UMALIS SA LIBRARYNG 'TO! OFF LIMITS NGA YANG CORNER NA YAN DI BA?!"-naiinis nyang sabi.



"Mam, may kailangan lang po talaga akong hanapin sa corner na yan. Importante lang po."-mahinahon kong sabi.



"OFF LIMITS NGA DI BA. BAWAL. B.A.W.A.L, bawal!!!!"-at tinulak-tulak nya ako palabas ng library.



"Mam, wag nyo kong itulak. Baka ikaw ang itulak ko."-at umiwas ako sa pagtulak nya. Ayun, muntikan ng madapa. I mean, nadapa nga, ayun, nakadapa. Tumawa ako.



"Yan, ang bilis ng karma. Maiwan ko na kayo GINANG REYES. Wag kang masyadong high blood. BAKA MAMATAY KA AGAD! IKATUTUWA KO PA!"-at tumawa ako ng malakas at iniwan ang walang kwentang librarian. Nainis ako ah. Tsk.



Kaya siguro pinapatay yung mga librarian. Tch! -__-



——


-Gail's POV-


Pumunta ako ng library.. nauna ako kay Jonas na pumasok ng library, pagpasok ko; agad akong naghanap sa may "Students are OFF LIMIT" na parte ng library.. Hindi ako nahirapan, matagal ko ng patagong tinitignan ang mga ito habang wala ang librarian.. Kinuha ko ang kalahati ng dyaryo at ibinulsa ito, at tumingin sa scrapbook na katulad sa lumang library.

Light into Darkness(The Beginning of the End)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon