-Gail's POV-
"Jai, pwede na 'kong mag-artista?"-tanong ko kay Jai habang naglalakad pabalik sa dorm. Kasabay namin sina Jonas, Mariel, at Miam.
"Naman."-nakapoker face nyang sagot.
Tumawa na lamang kami.
"Get enough rest Gail, closing party pa naman bukas. Bawal mag-absent."-wika ni Jonas at ngumiti.
"Oo naman, baka malungkot si Jai eh."-at tumawa ako ng mahina.
"Osya! Kami'y aalis na."-at hinila na ni Mariel si Miam.
"Alis na din ako Four."-pagpapaalam ni Jonas at umalis na.
"Gail, pahinga na oy."-sabi naman ni Jai at humiga sa kama nya.
"Opo. Haha."-at pumunta na din ako sa kama ko. Magkatabi lang naman yung kama ko at kama ni Jai eh, may maliit na cabinet lang ang nagseseperate sa mga kama namin. Haha.
"Goodnight."-bulong ni Jai.
"Goodnight."-sagot ko naman.
//"Nais mo bang gumanti Four?"-sabi sakin ni Jonas.
Naalala ko bigla ang sinabi ni Jonas. Gumanti? Parang hindi yata tama. Chaka hindi ko naman nagawang maghiganti eh.
Masakit mang isipin na pinatay ni Papa si Mama, at pinatay ko ang Papa ko dahil kay Mama, eh wala akong magagawa dahil nangyari na.
Humiga ako sa kama at nag-isip.
Ano nga bang nangyari sa akin, anong nangyari sa buhay ko matapos ang pagkamatay ng mga magulang ko? Hindi ko na kaya maaalala ang mga memorya kong iyon?
Pero... ang alam ko lang, napunta ako sa bahay ampunan. At may mga taong nag-ampon sakin at ipinag-aral ako sa magarang eskwelahan ni Mr. Winchester.
"Gail, tulog na."-biglang nagsalita si Jai.
"Opo, haha."-at pumikit na ako.
Hindi na mahalaga ang nakaraan, ang importante ay ang nasa kasalukuyan.
—-
BINABASA MO ANG
Light into Darkness(The Beginning of the End)
Mystery / ThrillerINTRODUCTION The Winchester Massacre was the day it all started, the day the revenge started. Ashton Winchester was the only one who survived the massacre. He build a Boarding School in the Winchester Mansion and create a family of his own. Little d...