Chapter 36

11 1 0
                                    

-Gail's POV-



Pagkamulat ko, nasa isang madilim na bodega ako.

Nakaupo lamang ako sa isang silya, walang tali, walang sugat.

Anong nangyari?




"Kamusta Gail."-tanong ng taong nasa may madilim na parte ng bodega. May ilaw na nakatapat sa akin.



"Ikaw? Bakit?"-nagulat kong tanong.



"Ako nga."-at ngumiti sya.



"Tama. Ikaw. Alam kong isa ka sa mga pumatay sa ating mga inosenteng kaklase."-at tumawa ako.



"Bakit mo naman nasabi na inosente sila? Wala kang alam."-naiinis na wika nya.



"WINCHESTER MASSACRE


A group of men (9 men) barged in the house of Winchester and massacred the whole family,

Only Mr. Winchester survived at the massacre —- Until now the group of men remain undiscovered."-buti nalang memoryado ko pa ang nakasulat sa dyaryo.



"Paano mo nalaman ang bagay na iyan?"-nagtatakang sagot nya.



"Hindi bat ginagawa nyo ang lahat ng pagpatay dahil konektado ang ating mga kaklase sa pumatay sa pamilya ni Mr. Ashton... 9 men; 9 students; 9 months of suffering. Pero bakit sila pa? Mga kaklase kong walang kasalanan, mga kaibigan kong inosente? Bakit?"-dagdag ko.



"HINDI NGA SILA INOSENTE!?"-pasigaw nyang sabi.



"Bakit mo nasabing hindi sila inosente?"-mahinahon kong tanong.



"Dahil lahat ng mga tinatawag mong MGA INOSENTE ay pumatay at pumapatay din tulad ko! Di mo naman alam ang nakaraan Gail."-naiinis nyang sabi.



"Alam ko."-maikli kong sagot.



"Masyado ka ng maraming nalalaman Gail.."-wika ni Jolo sa akin.



"Bakit nyo ba ginagawa ang mga bagay na ganun? Tingin nyo ba, tama ang pumatay ng tao?.."-naiinis na wika ko..



"Hahahaha! Wag na wag kang magtanong ng ganyan.. Alam ko namang nakapatay ka na rin eh... Di ba pinatay mo Papa mo ng makita mo ang ulo ng iyong ina mula sa ref? Pfft! Kung makapagsalita ka akala mo napaka-linis mo.. Tsk, tsk."-napapailing na wika nya.

Light into Darkness(The Beginning of the End)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon