Chapter 12
-Jonas POV-(Sa may highway ng isang village ay may natagpuang patay na nahulog sa may kakahuyan.. Hinihinalang nabangga ito ng napakalaking sasakyan dahil nayupi ang kanyang motor at tumilapon ang kanyang katawan malayo sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan. Hinihinalang estudyante sya ng Winchester dahil nakasuot pa ito ng uniporme ng eskwela---)
Pinatay ko agad ang TV.."Naguguluhan na'ko.. Ano bang nangyayari sa school na'to."-biglang bumukas at sumara ang pintuan.
"Huh? Anong sinabi mo?"-tanong ni Andrei ng Section A.
"Ah wala.."-gulat kong sagot.
"Pres, Meeting daw tayo about sa Leadership Training Workshop."
"Osige susunod na lamang ako."-kinakabahang sagot ko.At nauna ng umalis si Andrei.
----Naglakad na ako papuntang Student Council Office..
Pagbukas ko ng pintuan ay naroroon na ang lahat ng mga officers.. Tanging ako na lamang pala ang kanilang hinihintay..."Pres, start na natin."-yaya ni Andrei na Vice-president ng student council.
"Ok, start na."-pagsang-ayon ko naman.
"Eh Pres, saan natin gaganapin ang workshop?"-tanong ng isa sa mga officers na si Paul.
"Suggestions?"
"Tagaytay."-suggest naman ni Oliver na isa sa mga officers.
"Sa Batangas nalang Pres. Mas okay dun."-suggest naman ni Jeanine na isa din sa mga officers.
"Ikaw Drei? Tingin mo ba, saan magandang gawin ang mga activities?"-tanong ko naman kay Andrei.
"Sang-ayon ako kay Jea, Pres. Mas maganda sa Batangas."-sagot naman nya.
"Kailan gaganapin?"-tanong naman ni Paul.
"Kelan ba tayo hindi busy'ng mga estudyante?"-tanong ko naman.
"December?"-suggest naman ni Oliver.
"Mas maganda kung magpa-pasko."-sabi naman ni Andrei.
"I agree."-Jeanine.
"Anong date ba ngayon?"-bigla kong natanong.
"November 25, 2015 na Pres! Nakalimutan mona yata yung mga dates. Hahaha!"-natatawang sabi ni Andrei.
"Sorry. Hehe."-at natapos na ang meeting.
--[Attention Students of Winchester Boarding School !!!]
What: "Leadership Training Workshop"Where: Sta. Maria, Batangas
When: December 22, 2015
Who: Grade 9 students.
(Section A & B are mandatory.)Pagkapost namin nito sa Bulletin Board ay umalis nakami at pumasok sa kanya-kanyang mga rooms.
Napagkasunduan naming sa Dec. 22 na lamang para naman makapaghanda kami sa Workshop na magaganap. May one and a half month pa kami para makapaghanda. Chaka pag-uusapan pa kung ano-ano ang mga activities na ibibigay; mga gamit na ipapadala sa mga students; at rules and regulations habang nasa workshop..Dumiretso ako sa aking upuan at napayuko na lamang..
Maya-maya ay nilapitan ako ni Jolo.."Nas, napanood mo yung balita?"-pabulong nyang sabi sa akin.
Wala kasi ninuman ang may alam na nakasama namin si Renz. At hanggang ngayon ay nawawala parin si Keano..
Dahil sa pag-iisip ko ng nangyari nung isang araw ay napabuntong hininga na lamang ako." *sighs* Akala ko bang susunod sila?"- problemadong tanong ko sa tanong nya sa akin.
"Hindi ko alam.. Hindi ko maisip na mamatay ng ganun si Renz."-sabi ni Jolo.
"Nakita mo na ba si Keano?"-biglang tanong ko.
"Hindi pa eh.. Ewan ko nga ba kung san na napunta yun!"-naguguluhang sagot naman ni Jolo..Maya-maya ay may naamoy kaming masangsang na amoy..
"Ang baho naman Reister! Anong tatak ng tangina mong pabango!"-sigaw ni Mariel kay Reister.
"Gago! Baka utot mo yan! Haha."-sabi naman ni Reister habang nakatakip ang ilong.Maya-maya ay hinanap ni Marry Joyce kung saan nanggagaling ang amoy.. At pumunta sa aming kanya-kanyang lockers. Tumigil sya sa tapat ng locker ng Queen Bee.
"Dito nanggagaling ang amoy."-weirdong sagot ni Marry Joyce habang sinisinghot ito.
"Hoy Panget! Kapal ng feslak mo uy! Napakabango ng aking locker no! Naiinggit ka na naman sakin! Baka sariling amoy yan ah! Hahaha."-at tumawa ang buong klase.Hindi pinansin ni Marry Joyce ang buong klase.. Pagkaraa'y binuksan nya ito at biglang nadaganan si Marry Joyce ng kung anong bagay.. Tila isa itong manequin.
Tinulak ni Joyce ang tila pigura ng lalaki at tumambad samin ang katawan ni Keano na puno ng dugo ang katawan..
Nagulat ang lahat ng masaksihan ang mukha ni Keano..
At napansin kong may estudyanteng nakatayo sa harapan ng aming room na ang expression ay na-shock. Bigla itong tumakbo.. Hindi ko nakita ang mukha nya..
"Guys! May nakakita sa nangyari! Habulin nyo sya!"-Lovely.
Tumakbo ang iba sa aking mga kaklase at hinabol ang student na nakasaksi ng nangyari.
----3rd Person's POV-
Lahat ay tumatakbo at hinahanap ang student na nakakita ng nangyari.
"Maghiwahiwalay tayo at hanapin nyo sya!"-sigaw ng isa sa kanila.
Tumakbo ang klase sa iba-ibang direksyon.. Samantalang sa rooftop naman ay may isang estudyante ang naroroon at natutulog..
Dali-daling tumakbo ang nakasaksi sa nangyari sa may rooftop...
Nagulat ang student na nakasaksi ng nangyari.. ng makita nya ang isang student na nakahiga sa may lapag... takot na takot itong lumayo.."Andrei? Anong ginagawa mo dito?"-tanong ng nakahigang student.
"Nasaksihan ko ang nangyari.. Nasaksihan ko na nahulog ang bangkay ni Keano sa may locker ng section Rizal..."-tuluy-tuloy at hinihingal na sabi nya na tila hindi na nag-iisip.
Biglang napatayo ang student na nakahiga."Ano? Ano ba yang sinasabi mo Drei?"-naguguluhang tanong nito.
"Totoo ang aking sinasabi.."-hinihingal nyang sagot.
"Sigurado ka ba?"-tanong nito kay Andrei..
"Oo! Nakita mismo ng aking dalawang mata."-sagot nito.
Nagulat naman si Andrei sa ikinilos nito.. Tila nanlilisik ang kanyang mga mata.. Maya-maya ay dali-dali nya itong nilapitan.."Lumayo ka sakin!"-sigaw ni Andrei
"Masyado kang madaldal."-at sinakal nya si Andrei, nagpumiglas si Andrei ngunit mas malakas ito kaysa sa kanya dahil maliit lamang si Andrei kung ikukumpara sa kanyang height..At pagkaraan ng ilang minuto ay nanagutan na agad ng hininga si Andrei..
Iniwan na lamang nya ang katawan ni Andrei sa rooftop at bumaba na.
---
****************************************************************************
BINABASA MO ANG
Light into Darkness(The Beginning of the End)
Mystery / ThrillerINTRODUCTION The Winchester Massacre was the day it all started, the day the revenge started. Ashton Winchester was the only one who survived the massacre. He build a Boarding School in the Winchester Mansion and create a family of his own. Little d...