XOXO 16: First Day
Ayah's POV
"Waaaaah!!! Ang ganda ng kwarto ko. Woooh!!! Yeeeheeeey!!" Humiga na ako sa kama ko na hingal na hingal dahil sa katatalon. Oo. Ako ang nakakuha ng first room! Nag jack n' poy kasi kami kanina. Ang totoo nyan,sya talaga ang nanalo. Pero dahil magaling akong mangulit napilitan sya at walang nagawa kundi ibigay sakin to. Hahaha!! Iniisip ko tuloy kung ano nang nangyayari sakanya sa kabila.. Siguro nakabusangot lang ang mukha nun. Malamang. Habang nagmumuni muni ako ay biglang may tumawag samin mula sa ibaba. "Miss Ayah,Shone! Bumaba na kayo. Nakahanda na ang breakfast." Eh? Sino yun ?? May ibang tao dito sa bahay bukod samin ni Shone? Bumangon ako agad at paglabas ko ng kwarto ay kasabay ding lumabas si Shone sa kwarto nya. At tama nga ako! Nakabusangot nga ang mukha nya. Hahahaha!! "Hoy saglit! Tingnan mo to parang bata.. Wag ka na ngang mainis dyan . Mukha namang maganda yang kwarto mo ah."
"I'm not in my mood,ok.. So please.."
"Psh. Oo na. Ay,nga pala. Sino yung tumawag satin kanina?"
"Si Nay Ags. She's my yaya since I was a kid until now."
"Ah.. Eh bakit sya nandito?"
"Para samahan tayo. Sya din ang aasikaso sa mga household chores since.. mukha namang wala kang alam sa mga gawaing bahay."
"Hoy marunong akong magwalis no! Akala ko tayo lang ang titira dito. May kasama pala tayo."
"Why?.. You look so disappointed. Bakit? Gusto mo bang tayo lang ang nandito? Ha ? Tayong dalawa lang.?" Tiningnan nya ako ng parang ewan. Yung mala manyak nyang tingin at ngiti sakin. Aba gago to ah. "Pwede ba?! Anong ---"
"Miss Ayah! Shone! Bumaba na kayo lalamig na ang pagkain!"---Nay Ags
"Yes Nanay! Pababa na!" Nanay ? Ang cute naman ng tawag nya sa yaya nya.. Siguro yaya's boy to. Bumaba na kami,at sa baba ay sinalubong kami ni Nanay Ags. Matanda na sya. Siguro mga nasa 50+ na ang edad nya. "Bakit ang tagal nyong bumaba? Kanina ko pa kayo tinatawag."
"Pasensya na nanay. May pinag-usapan lang kami sa taas."
"Ah ganun ba. Mga bata talaga oo. Akala ko kung ano nang ginagawa nyo dun e." My God.. "BTW. Nay,si Ayah po."
"Ah.. Hello po! N-nanay Ags.. Hehe." Napatingin sya sakin. Tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa at ngumiti. "Ikaw pala si Miss Ayah.."
"Ayah na lang po."
"Magaling ka talagang pumili ng babae Shone ha. Maganda sya. Bagay kayo."
"Ah.. heheh" Mukhang mabait si Nanay Ags ah. Medyo na aawkward pa nga lang akong tawagin sya ng ganun dahil di pa naman kami close. "Oh sige na. Pumunta na kayo sa kusina at kumain. Aayusin ko lang yung iba nyo pang mga gamit dito sa bahay."
"Sige nay. Kumain na kayo pagkatapos." Sabay walk out na sya. "Shone. Gusto ko sya. Mukhang mabait sya."
"Kumain na nga tayo." Sagot nya. Pumunta na kami sa kusina at WOW !! Ang sasarap ng mga niluto nya. Gusto ko talagaaa syaaaa. Pagkatapos naming kumain,si Shone umakyat na sa kwarto nya at ako naman ay tinulungang mag-ayos ng mga gamit si Nay Ags at syempre nag kakwentuhan narin kami. Marami syang mga nakakaatuwang kwento about kay Shone. Walang masyadong nangyari sa first day namin dito sa bahay. Pumasok lang kami sa school tapos diretso uwi.
----------------------------
Nasa kwarto ako ngayon at hinahanap ang charger ng laptop ko. "San ko ba yun nalagay yun??" Haaaay Ayah! Baka naman naiwan ko dun sa bahay? Napatakip na lang ako ng mukha. Sa lahat naman ng pwede kong maiwan yung charger pa. Aha! Manghihiram muna ako kay Shone. Sigurado namang meron sya at di nya naman siguro ipagdadamot yun. Pumunta agad ako sa kwarto nya at kumatok... Nang kumatok... nang kumatok ... nang kumatok... Pero walang nagbubukas ! "Shoooone!!! Shoooone?? Andyan ka ba?!?!" Wala ata sya. San yun nagpunta ? Sinubukan kong buksan ang pinto at TADAAA!!! Bukas naman pala katok pa ako ng katok. Pagpasok ko... "Oh my gosh!!" Agad akong pumikit at tumalikod. Pagpasok ko kasi bigla syang lumabas sa CR. At lumabas sya ng naka half naked. Towel lang ang suot nya sa bottom. "What the fuck are you doing here?! Paano ka nakapasok?"
"A-ah kasi.."
"Hoy. Humarap ka nga sakin kapag nakikipag-usap ka."
"Paano ako haharap. Magbihis ka kaya muna." Nagulat ako ng bigla nya akong hawakan sa braso at iniharap sakanya. Nakita ko tuloy ang mala ulam nyang ... Ah ewan ?! "O-oyoyoy!! Ano ba" inalais ko ang pagkakahawak nya sa braso ko at bahagyang umatras. "What do you need?" Hindi agad ako nakasagot. Eh kasi naman nakakadistract yung abs nya. Tapos wet look pa sya. *gulp* Ow my!! What am i saying?! "Hey. I said what do you need ." iritado nyang sabi. "Ha.. Wala wala ! Di bale na." Winagayway ko ang kamay ko as a sign na wala. Tumalikod na ako at palabas na sana nang bigla syang nagsalita. " *sigh* Kaya ayoko ng may kasamang iba sa bahay e. Delikado."
"Eh? Excuse me? What do you mean delikado?"
"Nevermind. Lumabas ka na nga."
"Hoy Shone! Kung iniisip mong sisinisilipan kita pwes you're wrong! Wag mo kong igaya sayo."
"Bakit may sinabi ba ako? Masyado kang defensive"
"A-ako? Defensive?!!" Aba lokong to!! Teka defensive ba talaga ako.? "And besides,pumasok ka dito without any reason. Kaya di mo ako masisisi kung mag-iisip ako ng masama."
"May reason ako. Manghihiram kasi ako ng charger ng laptop. Naiwan ko yung akin." Mahinahon kung sabi. Kalma lang Ayah. Wa kang masyadong tumitig sa abs nya para di ka mataranta. Binuksan nya yung drawer nya at may kinuha. Tapos inihagis nya sakin yung charger. "Ayan."
"S-salamat." Nakatayo lang ako dun na parang ewan. Buti naman pinahiram ako. Di ko alam ang susunod kong gagawin kaya naka tanga lang ako. Nadidistract talaga ako bruuuh eh!! Yung abs nya ! Yung abs nyang basa tapos yung wet and messy hair nya susme! "What?"
"Ha?"
"Anong ha? Ano pang tinatayo mo dyan? "
"Ay.. Sorry. May nakita lang kasi akong butiki na lumipad." Stupid Ayah. Nakakahiya. "BTW. Next time kumatok ka ha? Hindi yung bigla ka nalang pumapasok." Sapak gusto mo? Ilang beses akong kumatok tol! Bingi ka lang. "Next time matuto ka ring maglock ha?" Sarcastic kong sagot. "Psh. Kasalanan ko pa pala. Ok then,I think we should make rules."
"Rules? For what?"
"Para di na maulit yung ganito."
"Wow~ So feeling mo talaga minamanyak kita."
"Pag-usapan na lang natin bukas. I'm already tired. And please.. Stop being so defensive.
" Defensive ba talaga ako masyado? "You can go now. Magbibihis pa ako.""Lalabas naman talaga ko no! Magbihis ka na!" Lumabas na ako at padabog na isinara ang pinto. Ah pakshet ang init ng mukha ko !!! Rules rules pa?! Psh! Humanda sya sakin bukas!
--------------
Author's note,
Hi . Nakapag update din sa wakas.
BINABASA MO ANG
Kiss&Hug XOXO
Non-Fiction"This kiss&hug rule is an everyday rule. It means, every morning, night, everytime na magkikita tayo, maghihiwalay, especially kapag nag aaway. This could also be our way of saying sorry to each other para magbati. Yung mga ganun... Agree ka ba?" -S...