XOXO 10: Final Decision
Ayah's POV
Tahimik lang kami habang nasa loob ng kotse. Nagda-drive lang sya at ako naman ay nakasilip lang sa bintana. Grabe! Mababaliw na talaga ako. Hindi ko inisip na magiging ganito! Ang alam ko ipapakilala nya lang ako sa parents nya,pero di ko inaasahan na nandoon din pala sila Crisha,Brix,at ang parents nya. Teka.. Bakit nga pala di nya sinabi sakin? Baka naman sinadya nya talagang di sabihin! Nagsinungaling sya!!! GRRRRRRRR !!!!!!!!! BWISET SYA LAGOT SYA SAKIN !!!!!!! Ilang minuto din ay nasa harap na kami ng bahay. Bumaba agad ako at padabog na sinara ang pinto ng kotse. Bumaba din sya at tinawag ako. "Hey wait!"
"Wait your face!"
"Teka. Anong problema mo?"
"Problema ko? Una sa lahat,yang mukha mo! Pangalawa,yung nangyari kanina! At pangatlo,nagsinungaling ka!!!!!"
"Ha??"
"Anong ha?! Ang sabi mo sakin ipapakilala mo ako sa parents mo. Pero di mo ako in-inform na nandon din pala sila Crisha at Brix. Pati yung parents nya."
"Ah.. About that.. Sorry."
"Sorry? Tsk. Nagmukha din akong tanga dun!"
"Kaya nga sorry na eh. Alam ko kasing di ka papayag kapag sinabi kong kasama din sila. Sorry ulet." Nakayuko nyang sabi habang nakahawak sa likod ng ulo nya. Para syang batang nakabasag ng pinggan sa bahay nila at nagso-sorry sa nanay nya. Pero hmpf!! Bahala pa rin sya. "Ewan ko sayo." Tinalikuran ko na sya at papasok na sana ng gate. Pero hinawakan nya ako sa braso at iniharap ulit sakanya. "Sandali lang."
"Ano?" Inis kong sabi. Nagulat na lang ako ng bigla nya akong hatakin palapit sakanya at niyakip ako. "O-oy. Teka! Ano bang ginagawa mo?"
"Let's say,this is my way of giving thanks. Thank you."
"Thank you for what?"
"Kasi sinamahan mo ako kanina. Kahit na kinakabahan ka,sumama ka pa rin."
"Tss. Baka pinilit mo ako." I heard him chuckled. Ilang segundo pa kaming magkayakap. At saka ko lang na-realize kaya lumayo na ako sakanya. "Tama na nga. Mamaya makita pa tayo ni Kim dito. Baka kung ano pang isipin nun." I think I'm blushing. Ang init ng mukha ko. Inayos ko yung damit ko at napansin kong nakatitig sya sakin. "B-bakit?"
"I think.. Wala namang masama kung magiging asawa kita someday."
"Ha.?! Adik ka ba?!"
"*Chuckle* Biro lang. Syempre kailangan pa rin nating mabago ang desisyon ni papa." I nodded. "Dapat lang. Ang bata ko pa para ikasal no."
"Sige na,pumasok ka na. Gabi na eh." Tumango lang ulit ako. Papasok na dapat ako ng gate pero hinarap ko ulit sya.
"Ahm.. Shone."
"Hmm??"
"Good night."
I said in a low tone. He smiled. "Good night din,Ayah." At pumasok na ako ng gate Hmmm... Kahit ganun sya,mabait naman pala sya at sweet ng konti. *Sigh* Pagpasok ng bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto. Nakakapagod tong araw na to kaya magpapahinga na ako agad. I just want to lie down on my bed and rest. Ay teka. Nasaan nga pala si Kim? Tulog na kaya yun? Ang akala ko pa naman aabangan nya akong makauwi. Pag-daan ko sa kwarto nya,may narinig akong sob. Parang umiiyak? Si Kim ba yun? Kinatok ko yung pinto. Mga ilang segundo ay binuksan nya agad. At bumungad sya na nakangiti sakin. "Ayah!!!!!! Ikaw pala! Anong nangyari?"
"Ha?"
"Anong ha? Ano,nagustuhan ka ba nila?"
"Ah.. Ewan eh."
"Ewan?!"
"Ah basta! Mahabang kwento kasi. Teka nga.." Tinitigan ko sya ng mabuti. Mugto yung mga mata nya at namumula yung mukha nya. "Umiyak ka ba?"
"Ha?! H-hindi no! Bakit? Hahaha." Tumawa sya ng pilit na parang ewan. Halata sa mukha nyang nagsisinungaling sya. "Kim. Yung totoo." Napatigil sya sa pagtawa at yumuko. I saw some tears fell down from her face. She's crying. "*Sob* Ayah." Bigla syang lumapit. Niyakap nya ako ng mahigpit at lalo pang lumakas ang iyak nya. "I miss him.. so much. *Sob*" Sabi na eh. Dahil to sa ex nya. Tsk tsk.
Shone's POV
I woke up early. Actually,di ako nakatulog ng maayos kakaisip sa mga nangyari kagabi. Nakawala nga ako sa arrange marriage with Crisha,pero ngayon naman ay kay Ayah. Ang totoo nyan,nalulungkot talaga ako. Ngayon,wala na akong karapatan kay Crisha. *Sigh* Pero may kailangan pa akong ayusin. I need to talk to my dad. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si papa.
Calling....
After some seconds ay sinagot nya na.
"Dad."
"Yes,Shone?"
"Ah.. About last night. Kasi.."
"About the arrange marriage between you and Ayah?"
"Yeah exactly. Kasi dad,I think di pa sya ready sa ganun. Pati na rin ako. Kaya tingin ko dapat bawiin nyo po ang desisyon nyo. "
"Di pa kayo ready? Mahal nyo naman ang isa't-isa diba?"
"O-opo. But---"
"Shone. Do you want to move on?"
"Huh?"
"I now that you really love Crisha. And this is the only way para makalimutan mo sya, diba?. You need to learn how to love that girl." Hindi agad ako nakapag-salita. Pano nya nalaman yun? "Dad,pano nyo nalaman?"
"I know you. You're my son." I just sighed and said nothing. Then he ended the call.
Call Ended.
He was right. This is the only way for me to move on. I must learn how to love her. After we talked. Dumiretso na ako sa C.R at nag-shower. Kailangan ko pang pumasok.
-------------
Author's note:
Puro Ayah-Shone's POV.
BINABASA MO ANG
Kiss&Hug XOXO
Non-Fiction"This kiss&hug rule is an everyday rule. It means, every morning, night, everytime na magkikita tayo, maghihiwalay, especially kapag nag aaway. This could also be our way of saying sorry to each other para magbati. Yung mga ganun... Agree ka ba?" -S...