XOXO 7: He's My Boyfriend?!
Shone's POV
Ilang araw nang hindi pumapasok si Ayah. Ok lang kaya yun? Malamang hindi. Tsk. Di ko alam,pero gusto ko syang makita at makausap. Kaso di ko naman alam ang address at number nya. I'm sure galit na galit yun sakin. Kasi naman Shone!!! Ano bang naisip mo at pumayag kang makipag inuman sa babaeng yun? Nakarating na ako sa locker room. Nandoon din si Crisha. Lumapit sya at kinausap ako. "Shone." Di ako sumagot at inayos lang ang gamit ko. "Mom told me na tuloy ang dinner natin. Bukas na."
"About the marriage?" Sinabi ko nang hindi sya tinitingnan.
"Yes. And I'm coming." Napatigil ako at tumingin sakanya. "Akala ko ba hindi ka pupunta?"
"I decided to come. But I'm coming with Brix."
"What? Seryoso ka ba?"
"I'm serious. Ipapakilala ko sakanila si Brix. Para matigil na yang arrange marriage natin!"
"Pero.. Tingin mo ba papayaga sila agad?! Mababastos lang sila Crisha. Lalo na ang parents ko.. At ako." Yumuko sya. "I'm sorry Shone. But please.. " I sighed. Ito ang gusto nya? Fine! "Sige. Ano pa bang magagawa ko?" Inangat nya ang ulo nya at ngumiti sakin. "Thank you Shone! Hindi ko naman gustong saktan ka eh. Gusto ko------"
"Fine. I know. Gusto mo lang maging legal kayo ni Brix." She nodded. "I understand." Pagkatapos naming mag-usap umalis na sya. Ako naman inayos ulet yung mga gamit ko. Ipapakilala nya si Brix? Ang totoo nyan,hindi talaga ako payag sa gusto nyang gawin. Gusto nya bang magmukha akong tanga dun?! Ganun nya ba talaga kaayaw sakin at gusto nya pa akong mapahiya sa harap ng parents ko at parents nya? Damn! Habang nag-aayos ako ng gamit may narinig akong nagsalita. "Ay punyesmas naman! Tsk!"
Ayah's POV
Pumasok na ako ngayong sabado. Nakakahiya naman sa mga prof ko kung patatagalin ko pa ang pag-absent ko. Tsaka,kung sakaling makita ko man si Brix o si Shone,iiwas na lang ako. Nasa locker room ako ngayon at kinukuha yung mga paper works. At dahil ang shunga ko,ayun! Nagsilalagan. "Ay punyesmas naman! Tsk!" Pinulot ko yung mga papel nang bilang may lumapit sakin. "Ayah?" At pag-angat ko ng ulo ko.. "S-shone?!" Tumayo agad ako at naglakad ng mabilis. "Wait Ayah! Let's talk." Emegerd Ayah. Wag mo sya papansinin. Lakad lang! "Ayah wait!" Hinarangan nya ako. "Let's talk. Please." Hindi ako makatingin sakanya ng maayos kaya sa ibang dereksyon ako tumitingin. "About dun sa nangyari... Kasi ano... Aahmm... Gusto ko sanang mag-sorry. Parehas tayong lasing nun at di natin alam ang pinaggagawa natin."
"Sige ilakas mo pa nang may makarinig!"
"S-sorry."
"Nangyari na yun. Wala na tayong magagawa. Yun lang ba ang sasabihin mo?"
"No. Saglit lang. Stay here,ok?" Pumunta sya sa locker nya at parang may kinuha. Tapos bumalik ulit sya at may inabot sakin. "Ito oh."
"Ano yan?"
"Yung mga loveletters mo." Eh? Kinuha ko sa kamay nya yung mga sulat. Nasa kanya nga lahat. "Ang dami no. Halos mapuno ang locker ko dahil dyan."
"Bakit mo pa to binalik? Di mo nalang tinapon."
"Hindi mo ba ibibigay kay Brix?"
"Bakit ko pa----" Teeeekaaaaaaa lang~? Oo nga no.. Bakit di ko ibigay sakanya to? At least,hindi nasayang diba? Tsaka,para makabawi man lang ako, ipapahiya ko sya. Tumalikod na ako para umalis na. "Saan ka pupunta?"
"Itatapon ko lang to." Sa mukha ni Brix. Wahahaha!!! *evil laugh* Pumunta ako sa room ni Brix. Alam ko sched nya no haha. Wala silang prof. kaya pumasok na ako agad at lumapit sakanya. Nagkaroon ng big commotion sa loob ng room dahil sa biglang pagpasok ko. "Oh. Ayah? What are you doing here?"
"Gulat na gulat ka naman ata? Nasan si Crisha?"
"Iba ang klase nya ngayon."
"By the way,pumunta ako dito dahil may gusto akong ibigay sayo."
"Really? Ano naman yan? Chocolates ba?"
"No. Here." Itinapon ko sa mukha nya lahat ng loveletters na hawak ko. Maraming nagulat lalo na si Brix, syempre. "Oh my god! Did you see that?!" ---Girl 1
"Yes. Grabe,ang lakas ng loob nya!!" ---Girl 2
"Bitter kasi! Kawawa tuloy si Brix~"---Girl 3 Ako?! Bitter?!?! Konti lang.. "B-bakit mo ginawa yun?"
"Yan kasi yung mga loveletters na hindi mo nabasa. Kaya itinapon ko na lang."
"Sa mukha ko?!?!"
"Oo. Mukha ka kasing trashcan. It's up to you kung babasahin mo o hindi." Tatalikod na sana ako pero biglang may umakbay sakin. "Let's go baby. Tama na yan." Eh?!?! Shone?!?! Sinundan nya ako? Tsaka... ANONG BABY?!?!?! Tiningnan ko sya ng may pagtataka. Tapos nginitian nya lang ako ng parang ewan.
"Nakakaloka!!! B-baby daw?!?!" ---Girl 1
"Sila ba?!"---Girl 2
"Ow my!!! Nooo!!! Ang landi nya talaga !"---Girl 3
NOOOOOO Hindi po kami!! Maniwala kayo! Inosente po ako! Tumingin ulit ako kay Brix. At nakita kong galit ang mukha nya at nakakuyom ang mga kamay nya. Bigla namang hinawakan ni Shone ang kamay ko. "Baby,relax lang. Ayoko nang lagi kang nagtataray eh. Nagugutom ka na ba?" I just nodded. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko eh. Nakakaloka!!! "Let's go. My treat!" Tapos hinila nya na ako palabas ng room. Nung nakalayo-layo na kami,binawi ko na yung kamay ko mula sa pagkakahawak nya. "Hoy! Anong baby?!?! Baliw ka na ba??!!"
"Bakit? Ayaw mo ba?"
"Afgsktrhjmtshx!!!!! Baliw ka na nga! Akala tuloy nila tayo na."
"Yun nga ang gusto ko eh."
"Ha?"
"Ayah. Tutal may nangyari na rin naman satin,bakit di pa natin totohanin?" Hah? Hanudaw? Gago pala to eh!! "Hoy! Do porket may nangyari na satin ay tayo na. Kalimutan na lang natin yun. At isa pa,ano bang iniisip mo at tinawag mo akong baby kanina?"
"Kasi nga tayo na."
"Eh?" "o_O Bobo ba to? Paano naging kami? "Ipapakilala kita sa parents ko bukas as my girlfriend."
"A-ano?! Bakit mo naman gagawin yun?!"
"Para maging legal tayo."
"Hindi naman ako buntis no. May nangyari lang satin."
"Paano kung buntis ka?"
"H-hindi kaya. Wala naman akong morning sickness."
"Hindi naman agad nagpaparamdam ang morning sickness."
"Eh ano?"
"Basta. Be ready for tomorrow night. Susunduin kita ng mga 8:30. Give me your number and address."
"S-seryoso?" Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa at nag-isip. "Hmm.. Wear something simple but elegant. Mag heels ka rin. Gusto nila mama ng matatangkad."
"O-ok." Nakanganga kong sabi. Pagkatapos nun,hinawakan nya ulit ako sa kamay. "Tara na baby. Nagugutom ka na diba?" Nababaliw na ata tong lalaking to! Help
------------
Author's note:
Vote :)
BINABASA MO ANG
Kiss&Hug XOXO
Non-Fiction"This kiss&hug rule is an everyday rule. It means, every morning, night, everytime na magkikita tayo, maghihiwalay, especially kapag nag aaway. This could also be our way of saying sorry to each other para magbati. Yung mga ganun... Agree ka ba?" -S...