XOXO 12: My Saviour

67 4 0
                                    

XOXO 12: My Savior ??


Ayah's POV

 ~Let's make it real  Let's make it real  Let's make it real  Let's make it real  Let's make it real  Let's make it real  Let's make it real~


WTF. AYOKO NAAAAAA!  Paulit ulit sa utak ko yung sinabi nya kanina. Make it real?? As in real??!! *Sigh* Nagbuntong hininga na lang ako at itinakip ang mga kamay ko sa mukha ko. Nababaliw na sya~~~ "Ayah!!" ---Irish

"Ay puke!"  Biglang lumapit sakin sila Irish at Chin. "Totoo ba na kayo ni Shone?!"---Irish

"Kailan?! Bakit?! Saan?! Paano?!"--- Chin

"Ha?."

"Balitang balita na yung sa buong school. Totoo ba?! Para naman kasing imposibleng patulan ka nun." ---Irish

"Oo nga! Baka naman ginayuma mo sya!!"---Chin

"Tigilan nyo nga ako. Anong akala nyo sakin,mangkukulam?!"

"Oo."--Irish

"Aba.. Pisti ka ah."

"So kayo nga?"---Sherin Kami ba?? Sabi nya eh. "Ah.... Kasi..."

"Ano?!!"---Irish

"*Sigh* Ewan."

"Anong ewan? "---Irish

"Basta ewan."

"Whatever! Basta hindi kami makapaniwala sa mga naririnig namin. "---Irish

"Tama! Nakakainis kaya. "---Chin

"Naiinis din ako."

Tumayo na ako at lumabas na ng room. Tapos na rin naman ang klase namin eh. Grrrrr!  Dahil sa Shone na yun di ako tinatantanan ng mga tsismakers kong kaklase. Kahit sa corridor pinagtitinginan ako with matching bulungan. Ganito ba kalakas yung lalaki na yun sa school na to? Gusto ko munang pumunta sa tahimik na lugar kung saan wala masyadong tao. Gusto ko ng katahimikan. Ayoko ng ganito. Saan ba pwede? Hmmmm... Ah!!! Sa likod ng school! Maraming puno dun,tahimik,mahangin at wala halos taong napunta sa lugar na yun. Habang naglalakad ako sa corridor,may naririnig akong nagbubulungan. Nagbulungan pa eh rinig ko naman.  "Sya?! Eh diba sya sin yung kay Brix.?"---Girl 1

"Oo nga eh. Kahit sino talaga pipanatos nya."---Girl 2

"Di na sya nadala. Malandi talaga."---Girl 1

Malandi?! Ayos lang namang pagusapan nila ako. Pero ang sabihan nila akong malandi.. Hindi ok yun!! Lumapit ako sa kanila at nagtaas ng kilay. "Ano nga ulit ako?"

"Huh?" --Girl 1 Gulat nyang sabi.Pa inosente.

"Anong huh? Hindi yan ang sinabi mo kanina. Ang pagkakarinig ko sinabi mong malandi ako."

"Narinig mo naman pala eh. Bakit? Totoo naman diba na malandi ka. At bukod dun,social climber ka pa!"---Girl 1

Dahil  sa di ko na napigilan ang sarili ko. *PAK!*

"Bakit mo sya sinampal?!"---Girl 2

"Anong gusto mo halikan ko sya?" Sarcastic kong sabi. Umiiral nanaman ang pagka pilosopa ko.

"Pilosopa ka pa?!"---Girl 1

Nagulat ako ng biglang hablutin nung babae na sinampal ko ang buhok ko. Sinabunutan nya ako ng sobrang lakas! Pilit kong  inaabot ang buhok nya pero di ko magawa dahil sinabunutan na din ako ng kasama nya. Lumalaban ako pero alam kong di ako mananalo. Halos ingudngud na nila ang mukha ko sa semento at pinagkakalmot pa nila ako. Mga pusa ba to? Nararamdaman kong marami nang tao sa paligid. Puro sila nagbubulungan pero kahit isa ay wala man lang pumipigil o umaawat samin. Grabe! Gusto ko nang umiyak sa sakit at kahihiyan! Binubugbog ako sa harap ng mga schoolmates ko. "T-tama na!!! Tama na.." Yan na lang ang naibulong ko sakanila. Pero,may narinig akong nagsalita. Mahina lang pero alam kong boses ng isang lalaki. "Stop. She said stop!" Tumigil sila at itinulak ako paupo. "Earl.."---Girl 2

Earl? Sinong Earl? Di ko sya kilala. At di ko rin sya makita ng maayos dahil nakaharang ang mga buhok sa mukha ko. "Ano sa tingin nyo ginagawa nyo?"

"Ah.. Kasi.. Sya naman ang nagumpisa eh. Bigla nya na lang akong sinampal *sob*"---Girl 1

"Tapos pinagtulungan nyo na sya? Stupid. Makakarating to sa office."

"Pero kasi Earl... Kasalanan nya naman talaga eh."---Girl 1

"Pare-parehas kayong may kasalanan." Tatayo na sana ako pero bigla akong hinawakan nung Earl sa braso at tinulungan makatayo. Hinila nya ako at inilayo sa crowd. Nung nakalayo layo na kami saka nya lang ako binitawan. "T-thank you ha."

"Thank you? "

"Oh edi salamat na lang." Oo na. Ako na pilosopa. Ako na talaga.

"Wag kang mag thank you. I'll make sure na ipapatawag ka rin sa office."

"Wow. Thank you talaga ha." Hinawi ko yung mga buhok na nakaharang sa mukha ko. Inayos at pinagpag ang uniform ko saka ako tumingin sakanya. Ay ang pogi! O.O <3<3<3<3 Dahil sa sobrang pogi nya di ko namalayan na nakatulala na pala ako sakanya. "Why?"

"Ha?? Ah.. Hehe !! Wala wala."

"Ok ka na?" Tumango lang ako."Marami kang sugat. Gusto mo dalhin na kita sa clinic."

"Wag na. Ok lang ako." Sadi ko malamang dahilan ay napatitig ulit ako sakanya. Ang pogi nya kasi eh! Pero ang totoo nyan... Pamilyar talaga sya sakin. Aha!! Palagi ko syang nakikita kapag sumisilip ako sa room nila Brix. Kung di ako nagkakamali,isa sya sa mga kaibigan ni Brix. "Bakit nanaman?"

"Kaibigan ka ni Brix diba?" Hindi agad sya nakasagot at tumingin sa ibang dereksyon. "Yes."

"Ahh.. Sabi na eh." Mataray kong sabi. Malamang isa din sya sa mga pinagpustahan ako.

"Alis na ako. Ikaw na bahala sa sarili mo." Aba mas mataray pa sakin ah.Pagkatapos nyang sabihin yun ay umalis na sya at iniwan ako. Psh! Pero salamat na rin sakanya. Kung di sya dumating siguro sinamurai na ako nung dalawang impaktang yun!



--------------

Author's note:

       Another character. Earl Santiago <3<3<3 

Kiss&Hug XOXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon