XOXO 14: Confrontation
Ayah's POV
Pagkatapos naming mag-usap ni Shone ay umalis na ako at iniwan sya. Naglalakad ako sa corridor para pumasok na sa next class ko nang makita ko si Crisha. Nakayuko lang sya habang naglalakad at mukhang malungkot. Siguro dahil sa nangyari kagabi. Inangat nya ang ulo nya kaya naman napansin nya ako. Umiwas ako ng tingin dahil medyo nakakailang. Tapos magkakasalubong pa kami ng daan. Nung malapit na kaming lumagpas sa isa't-isa,bigla syang nagsalita. "Ahmm.. Ayah. Wait." Anong kailangan nito? Kahit ayokong kausapin sya,wala akong nagawa kundi ang huminto at humarap. "Bakit?"
"Ah. Kasi.. Gusto ko lang sanang itanong kung nakita mo ba si Brix?"
"Ha?"
"Hindi ko pa kasi sya nakikita simula kanina. Alam mo ba kung nasaan sya?" Aba! Loka tong babaeng to ah. Ako pa talaga ang pinagtanungan? "Nang-iinis ka ba? Bakit sakin mo tinatanong. Paki-alam ko ba kung nasan yung lalaking yun."
"Sorry. Baka lang kasi alam mo kaya ko natanong."
"Pwes,sorry din. Hindi ko kasi alam." Tinalikuran ko na sya at maglalakad na sana ulet. "Ayah! I'm sorry." Napatigil ako sa narinig ko. "I know na malaki ang galit mo sakin. Kaya I'm so sorry Ayah. OK lang kahit di mo tanggapin. Naiintindihan kita. Alam kong----"
"Bakit naman ako magagalit sayo. Hindi naman ikaw ang nangloko sakin kundi yung boyfriend mo. So don't be sorry."
"Kahit na. Ako na rin ang humihingi ng sorry para kay Brix. I know and I understand that it's not easy for you to forgive him.. To forgive us. But I hope----"
"Yes, it's not easy. Kaya sana wag muna nating pag-usapan yan. I'm actually trying my best to move on."
"OK. Sana pag nangyari na yun maging magkaibigan tayo." Ngumiti na lang ako at di na nagsalita. "By the way... Kayo na pala. Kagabi ko lang nalaman."
"Ah.. Eh.."
"Sige bye. I have to go."
"Bye."
-----------------------
After ng lahat ng subjects ko,syempre uuwi na ako . Nakakagulat nga dahil paglabas ko ng room nag-aantay sa si Shone. At bilang babe ko nga daw kuno,sya na ang maghahatid sakin pauwi . Nakakabwisit nga dahil napaka big deal sa mga estudyante. Pagdating namin sa harap ng bahay.. "Umuwi ka na."
"Di mo man lang ako papapasukin?"
"Hindi. Kaya umuwi ka na. Uweee!!!"
"Tss." Bigla syang lumapit skin kaya napaatras ako. "B-bakit?"
"Good night kiss."
"Ha? Good night kiss ka dyan! Ulol ka ba?! Ayoko nga."
"Mas ulol ka! Ang mag bf/gf nag gugoodnight kiss sa isa't-isa."
"Kahit na no. Ayoko."
"Ang arte mo."
"Eh sa ayoko eh! Taska isa pa----" Napatigil ako ng bigla nya akong hilain at halikan sa noo. "Waaaaaah!!! Sabi nang ayoko eh!"
"Ang inagay mo." Tumalikod na sya at naglakad papunta sa kotse nya. Biglang nagring yung phone nya. Hindi ko alam kung sino ang tumawag at kung ano ang pinag-uusapan nila. Pagkatapos din ng ilang minuto ay ibinaba na ni Shone ang phone saka humarap ulet sakin. "Sino yun?"
"May pupuntahan tayo bukas kaya mag ready ka."
"Saan naman?"
"Basta be ready tomorrow. Susunduin kita ng 10 am. Gusto tayong maka-usap ni dad."
"What? Nang dad mo?! Bakit daw??"
"Wag ka na ngang maraming tanong. Magpahinga ka na. Bye. Good night baby." Tapos pumasok na sya sa kotse nya at umalis. Gusto ko lang malaman eh. Bakit kaya? Juicecolored.. Kinakabahan ako. Papasok na ako ng gate ng bigla kong naalala yung ginawa nya. Napahawak na lang ako sa noo ko na parang ewan.. "Goodnight kiss ampota. Daming alam." Pero in fairness.. Ang gentle nya. At di naman iyon ang unang beses na hinalikan nya ako sa noo.. "Hay Ewan!"
------------------------
Author's note:
Yeah!!! after a long long time na update din!!!
BINABASA MO ANG
Kiss&Hug XOXO
Non-Fiction"This kiss&hug rule is an everyday rule. It means, every morning, night, everytime na magkikita tayo, maghihiwalay, especially kapag nag aaway. This could also be our way of saying sorry to each other para magbati. Yung mga ganun... Agree ka ba?" -S...