XOXO 8: Dinner Night

102 3 0
                                    

XOXO 8: Dinner Night


Shone's POV

*Kinabukasan*

Kinuha ko yung phone at tinawagan si Ayah.


*Phone call*

"Hello baby."

"Pwede ba wag mo nga akong tawaging baby!!!"

"Pupunta na ako dyan."

"Ha?!?! Sandali-----"

"Be ready ok. Bye baby."

"Wait wag------"

*Call ended*


Binaba ko na yung phone. *Sigh* Sumandal ako sa sofa at tumingin sa kisame. Seryoso ba talaga ako? Baliw na ata ako eh. Ang totoo nyan hindi ko talaga alam kung bakit ko pinilit si Ayah na maging girlfriend ko at pumunta sa dinner mamaya. Panakip butas? Rebound? Siguro nga. Ayoko kasing magmukhang tanga at kawawa sa harap nila mamaya. Lalo na sa harap nila Crisha at Brix. Alam kong mali. Sorry Ayah. Tumayo na ako at humarap sa salamin. Nag-ayos ng konti tapos bumaba na at umalis.



Ayah's POV

*Phone call*

"Hello baby."

"Pwede ba wag mo

nga akong tawaging baby!!!"

"Pupunta na ako dyan."

"Ha?!?! Sandali-----"

"Be ready ok. Bye baby."

"Wait wag------"

*Call ended*


AAAARRRGGHHH!!!! Binabaan ako ng phone?! Bastos yun ah! Haay.. Di ko alam kung ok na tong suot ko. Sinunod ko naman yung sinabi nya. Kaso nga lang, naghehesitate ako kung magtatali ako o ilaladlad ko lang tong buhok ko.. Waaaaaah! Bakit ba kailangan kong mamroblema ng ganito?! Kasalanan tong lahat ng Shone na yun eh!! Ang daming alam. Kailangan pa talaga akong ipakilala sa parents nya.? "Oh. Anong sabi nya?"

"Haay naku Kim. Wala! Walang kwentang kausap yun!"

"Pwede ba,relax ka lang! Umupo ka kaya muna." Umupo ako sa kama katabi nya. "Alam mo ba.. Excited na akong makita yang si Shone! Emegerd! Emegerd! Pag na-inlove yun sakin,baka ako ang ipakilala nya sa parents nya! Hihihi !!!"

"Lande! Magtigil ka nga!" Mga ilang oras din.


*DINGDONG!*

"Ay butiki!"

*DINGDONG!*

*DINGDONG*

*DINGDONG!*

"Sino ba yun? Kung makadoorbell naman wagas." Sumilip ako sa bintana ng kwarto at nakita ko si Shone na nasa harap ng pinto. "Si Shone."

"Kyaaah!! Emegerd!! You, stay here. Bababa lang ako para papasukin sya. Tapos,bumaba ka na lang kapag tinawag kita." Tapos lumabas na agad ng kwarto si Kim. Humarap ulit ako sa salamin. "Ok na kaya to? Mamaya okrayin ako nun eh." Itinali ko na lang ang buhok ko.

Kiss&Hug XOXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon