XOXO 1: Arrange Marriage
Shone's POV
02-10-14
Dear Baby,
WAAAAAAAHH!!!!!! Malapit na yung Valentine's Day! Ibig sabihin malapit na rin anniversary natin baby!! I'm so excited! Grabe mag-iisang taon na pala tayo. Kaso hanggang ngayon in a secret relationship pa rin tayo. But it's ok as long as we love each other. Magkita tayo sa 14 ha. 3:00 pm sa locker room ok?! May gift ako sayo! Mwah! Alabyu HART.HART
February 14 is such an important day for me.
Your Baby Ayah XOXO
Anniversary namin?! Sa February 14?! Fuck! Sino ba tong Ayah na to?! Baliw na ata to eh. Palagi na lang naglalagay ng letter dito sa locker ko. Nakakainis ka na ha!! Halos isang taon na rin ?! Tama. Mag-iisang taon ka na ngang nagbibigay ng letter sakin!
Ibinalik ko na lang yung letter dun sa loob ng locker. Hindi ko tinatapon. Baka kasi marealize nya na maling locker ang nilalaglagan nya ng mga sulat. Hindi ko kasi talaga kilala yung Ayah na yun eh. At wala akong balak kilalanin. Di ko rin sya nahuhuli o naaabutan man lang. At isa pa, hindi lang naman kasi sya yung nagbibigay ng love letters sakin. Alam nyo na. Haaaaaaayy~
Naglakad na ako para pumunta sa next class ko. Nakita ko sila Crisha at Brix na nag-uusap sa hallway na dadaanan ko. Kaya huminto muna ako at nagtago. At dahil tsismoso ako ay pinakinggan ko na rin ang usapan nila.
"Kailan mo ba sasabihin sa kanya?" ---Crisha
"Very soon. I promise." ---Brix
"Naaawa na kasi ako sakanya eh. Brix, nagmumukha lang syang tanga!" ---Crisha
"I know,I know. But don't worry about her, ok? She's just for fun. Tatapusin ko lang yung one year and then makikipag break na ako sakanya." ---Brix
"Oh my God. Di ko alam kung anong pumasok sa utak ko at pumayag ako sa trip nyo na yan. You're such a bad guy." ---Crisha
"I know,babe. Sorry. Sayo lang naman ako mabait e." ---Brix
Niyakap nya si Crisha at. . . . . . Ayoko nang makita yung kasunod kaya di ko na sila tiningnan. Sino kaya yung taong pinag-uusapan? Napaka playboy talaga nitong Brix na to. May kagaguhan nanamang ginagawa.
"Eh ikaw? Kailan ka ba kakalas sa arrange marriage na yan?" ---Brix
"Let's just not talk about that. I have to go. May classes pa ako." ---Crisha
" *sigh* Ok. Hatid na kita." ---Brix
"No need. Ikaw, pumasok ka na rin sa class mo." ---Crisha
"Ok. Bye babe. I love you." ---Brix
"I love you too." ---Crisha
At..... Di na ulit ako tumingin kasi alam nyo na.
Naghiwalay na sila ng daan.
Hay. Makakadaan na rin ako.
"Shone?"
"C-crisha?"
"What are you doing here?!"
"Huh? Uuuuhmm.. Ahhhh.."
"Nakikinig ka ba sa usapan namin kanina?"
"N-no. Anong usapan? Actually,kararating ko lang dito."
"Oh.. Ok."
Wooohh! Best liar talaga ako.. Tumalikod na ako para maglakad. Pero tinawag nya ako.
"Wait Shone." Nilingon ko sya. "Tumawag sila mommy sakin kanina. May dinner daw tayo pero di pa sigurado kung kailan."
"Dinner.. For what?"
"To talk about you know.. Our arrange marriage." Natahimik kaming dalawa ng ilang saglit. Seryoso talaga sila sa kasal namin.
"I'm not coming."
"Me too. Wala naman talaga akong balak pumunta. Sige bye,I have to go." Umalis na sya.
Arrange marriage. Tss. Very close friends kasi ang mga parents namin at business partners pa. Kaya naman they had decided na ipakasal kaming dalawa pagkatapos naming grumaduate ngayong college. It's not fair. Absolutely unfair para saming dalawa ni Crisha. Lalong-lalo na... Dahil isa lang ang nagmamahal. At yung isa.....
May mahal nang iba.
------------
Author's note:
Tralalalala!!! Sana may nagbabasa na.
BINABASA MO ANG
Kiss&Hug XOXO
Non-Fiction"This kiss&hug rule is an everyday rule. It means, every morning, night, everytime na magkikita tayo, maghihiwalay, especially kapag nag aaway. This could also be our way of saying sorry to each other para magbati. Yung mga ganun... Agree ka ba?" -S...