Chapter 31

530 22 4
                                    

Third Person P.O.V.

Palitan ng putok nang baril ang naririnig sa buong paligid, habang sa police station naman ay nag hihintay parin nang tawag sina Kios at Justin mula sa mga kidnapper.

Habang ang groupo naman ni Kios ay pinapaulanan ng bala, inilabas nadin Nila Megan, Dominick, Meynard, Justin, at Jerrick ang kanilang mga dalang baril, habang si khan naman ay umiiyak dahil sa takot my hindi niya alam ang kanyang gagawin at litong lito na siya.

Isa lang ang naiisip niya kundi ang tawagan ang asawa niya kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at tinawagan si Thad mabilis naman sinagot ni Thad ang tawag.

"Hello kha—"

Hindi na nito natuloy ang sasabihin niya nang biglang may sumigaw sa kabilang linya humihinge ito nang tulong, maririnig din sa linya ang palitan ng putok ng baril.

Bigla namang binalot ng pag-aalala at takot si thad.

"Thad tulongan mo Kami" Sigaw ni khan.

"Wala nang bala kios" maririnig na sigaw ni Jerrick.

Pinatay ni Thad ang tawag at mabilis na tinawag si Justin at ang iba pang kasama Nila.

"Bakit anong nangyayari?" Nag aalalang tanong ni Justin Kay Thad.

"May humarang sa kanila at pinapaulanan sila ng bala" matapos niyang sabihin yon ay agad namang kinuha ni Justin ang cellphone nito.

"Hello, kailangan ko ang battalion team ng Transom Empire bilisan niyo nasa panganib ang CEO." Agad naman niyang pinatay ang tawag at lumabas na silang pareho ni Thad, sumakay si Justin sa sasakyan habang si Thad naman ay sa kanyang motor siya sumakay.

Habang sa kabila naman kung saan nasa panganib si Khan ay patuloy parin ang palitan ng putok ng baril.

"Kios Wala na tayong bala!" Sigaw ni Megan.

Wala na silang bala at wala na silang reserbang dala pina-uulanan sila ng mga kalaban nila.

Napansin ni Kios ang isang sasakyan matulin ang takbo nito at alam niyang silang ang punterya nito kaya naman.

"Protektahan si khan!" Sigaw ni Kios habang papalapit sa kanila ang isang sasakyan na mabilis ang takbo nito agad naman nilang sinakloban si khan.

Matulin ang takbo ng van bigla niyang sinalpok ang sinasakyan nila Kios na kung saan naroroon si khan at dahil sa laki ng impak ng pag bangga ng van ay kinaladkad nito ang sinasakyan nila hanggang sa makabangga ito sa poste.

Lumipas ang ilang minuto ay bumaba ang mga kalaban nila sa kani kanilang mga sasakyan at nilapitan ang sinasakyan ni khan at binuksan nila ang bandang likod ng sasakyan gamit ang isang bagay na ginagamit sa pagbukas o pag hiwa ng metal. Mabilis nilang nakuha si khan at dalidaling umalis.

Tinawagan ulit ni Thad ang numero ni khan pero walang sumasagot, kinabahan na si Thad baka may masama ng nangyari sa kanyang kasintahan maslalo niyang binilisan ang takbo ng kanyang motor.

Dumating si Thad sa lugar nang punangyarihan, naabotan niya ang isang sasakyan na naka bangga sa poste, bigla naman nag si datingan ang helicopter na nag bibigay liwag Dahil sa ilaw nito.

Dumating nadin si Justin, mabilis silang lumabas lahat at nilapitan ang sasakyang tadtad ng bala.

Naka bukas na Ito Kaya namn ay tiningnan niya..
Pagpasok ng pinto ay naka tambad ang mga walang Malay na katawan ng mga kanilang mga kaibigan pero pinagsawalang bahala niya lamang 'yon sapagkat isa lang ang hinahanap niya wala ng iba kun'di ang kasintahan nitong si khan.

The Protagonist Love Story [COMPLETED] [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon