KABANATA 38

947 17 1
                                    

"What are you smiling about?" tanong ko kay Sayoko habang sabay kaming nagha-hanger ng mga damit namin sa closet.

Nasa resort na kami. We actually arrived an hour ago. Kaya naman nakapagpahinga na kami.

We're so closed with each other sa nag-iisang closet na may kalakihan rin. My eyes were still focused on the clothes I was hanging.

I liked the way our clothes crowding inside the closet. Para kaming bagong kasal who just decided to live together and I also like the thought.

"Should I tell you what's on my mind?" he teasingly replied.

"Just forget the question then," inis na sagot ko.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"No, I'll tell you what I was smiling about," he disagreed.

"Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko yang isasagot mo. Or else," banta ko.

"Or else what? Well, the thing is..." he paused. "I recalled our first kiss."

Kinurot ko siya ng pinung-pino sa tagiliran dahilan para mapasigaw siya sa sakit.

"Aray, aray. Aki tama na, masakit!" sigaw niya.

"Ang landi mo," singhal ko sa kanya. "Nasaan na kaya sila? Anong oras na, dapat talaga sabay sabay na tayong pumunta dito eh. Itext mo nga si Thunder," dagdag ko.

"Yes gorgeous."

Alas kwatro na ng hapon. Umaga dapat kami pupunta dito kaso may mga tinapos pang trabaho si Sayoko.

"By the way Mister Miller," tawag ko sa kanya.

"Yes gorgeous?"

"I need your help."

"Help?" nagtatakang tanong niya.

"Yes, tulong."

"Anong maipaglilingkod ko sa inyo, mahal na reyna?" natatawang tanong niya.

Konting konti nalang babatukan ko na 'to kahit mahal ko 'to.

"Si Chummy at Thunder kasi nagkatampuhan," simula ko at umupo sa kama.

"I observed that," he agreed.

"And I want you to help me, na pagbatiin sila."

"Ha? Ano sila, bata? Matatanda na sila," pilosopong sagot ni Sayoko.

Binato ko siya ng unan, "Hindi ka nakakatulong." I rolled my eyes.

"Then what do you want me to do?"

"I said it. Pagbatiin sila."

"Paano?"

"Bahala ka. And I want you to do it tonight."

"Tonight?!" Sayoko asked in disbelief.

"Yes, deadline is tonight. Gusto ko bukas maayos na sila," I repeated and I went to the bathroom just to have a quick shower.

Alas singko na nang dumating sina Chummy, Yummy at Thunder. Mukhang hindi pa rin okay sina Thunder at Chummy. Yummy is in between them.

"Ang layo! Naligaw pa kami. Paano kasi, si Chummy na pinagbigyan ng direksyon, hindi kinakausap ang driver. Ewan ko ba! Saan ba ang CR dito at sasabog na talaga!?" maktol ni Yummy.

"Doon!" turo ko.

Sinenyasan ako ni Sayoko na ilayo ko muna si Chummy at kakausapin niya si Thunder. Agad kong hinila si Chummy papuntang kusina.

"Kumusta ang biyahe?" pangangamusta ko.

"Nakakapagod," tipid na sagot ni Chummy.

"Nakakapagod kasi hindi kayo nag-uusap ni Thunder?"

Three Kinds of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon