TAOS PUSONG PASASALAMAT

964 29 20
                                    

"A GOOD STORY SHOULD MAKE YOU LAUGH AND A MOMENT LATER BREAK YOUR HEART."

Sa maniwala kayo't sa hindi, kakatapos ko lang umiyak. Habang tinatype ko yung Epilogue normal pa yung emosyon ko eh. Pero nung binabasa ko na yung kinalabasan ng isinulat ko hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko.

Alam ko na hindi ito ang ending na ini-expect niyo, na ang gusto niyo ay happy ending para kay Sayoko at Akinka. But it turned out to have a tragic ending. Bakit karamihan sa mga babae praning na praning sa happy ending? Pero ito ang ending na gusto ko. And I am not sorry, never I will be sorry.

I know there's a lot of better stories than mine. I know there's a lot of writers who can write better than me. Kaya gusto kong magpasalamat sa mga mambabasa na sinamahan ako simula't sapul at hindi ako iniwan hanggang sa matapos ang kwentong ito. Thank you po!

Actually this is one of my dream stories to write. At sobrang nakakaproud na sa sobrang tagal kong ginawa ito, na dumating pa sa puntong halos kalahating taon yata akong hindi nag-update dahil nawalan na ako ng gana, nawalan na ako ng pag-asa at ayoko nang ituloy ay sa wakas natapos ko din. Cheers!

Syempre syempre syempre! I offer my highest regard to our good Lord who became my strength and knowledge for me to be able to finish this story. Kahit nagpupuyat ako para lang makapag-update, parang ngayon, 5th day of May 2:21am ay ginigising pa rin ako ni Lord sa umaga nang may ngiti sa mga labi para harapin ang panibagong araw para makapag-isip ulit.

Next in line is my family most especially my parents, na kahit hindi nila alam na ruma-writer ang anak nila ay sa kanila nagmula ang mga values ni Akinka Harley na siyang iminulat din nila sa akin and I applied it to her; god-fearing, family-centered, understanding, loving and jolly.

Sa mga kaibigan kong haliparot, na panay ang pangungulit sa akin at wala nang ginawa kundi ipressure ako na tapusin na ang istoryang ito, salamat ha. Ito na. Ito na talagaaaaa! Tapos ko na. Salamat mga babes!

And last but not the least, sa kanila talaga ako humugot ng bonggang bongga eh. To all the boys I've loved before, revenge may be sweet but book deals are definitely sweeter.

And for my final request, sana pagbigyan niyo ako. Please leave a comment after reading the whole story, be it positive or negative. Violent reactions are also welcome, I am already expecting that. Lalo na sa Epilogue. Sige na, kahit smiley lang, o di kaya </3. Pero mas matutuwa talaga ako kung maglilitanya kayo. Just to inspire me to keep on writing whenever I read them! #medyodemanding

Thanks everyone. God bless us always! :)

- JzeeLove

Three Kinds of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon