"Good morning ," nakangiting bati ko kay Sayoko.
"Good morning sweetheart," he answered in a husky voice.
Nasa kwarto pa kami at kasalukuyang nakahiga sa kama. Nakaunan ako sa braso niya habang nakayakap ako sa kanya.
I looked up to see his face.
"Are you okay? Parang namumutla ka, masama ba pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ko.
Sa totoo lang mag-iisang linggo ko nang napapansin na napapadalas ang pamumutla niya. Minsan tulala siya at parang malulunod na sa lalim ng iniisip niya.
"Pwede kong sabihin kilala mommy at daddy na wag nalang tayong pumunta," dagdag ko.
"Hindi, ayos lang ako. Napagod lang siguro kahapon sa trabaho. Pero pupunta tayo, alam mo namang kagabi pa excited si Sean na makita ang mga Lolo at Lola niya," nakapikit pa 'ring sagot niya.
Anniversary ngayon ng mga magulang ni Sayoko, umuwi din sila mommy and daddy with Akiko to celebrate with us.
"You had your check up this month, right?" Hindi ko siya nasamahan sa checkup niya dahil may activity si Sean sa school nung araw ng schedule niya. It was two weeks ago. Pero hindi pa rin niya naikwekwento kung ano ang resulta. "Anong sinabi ng doctor?" Parang bigla akong kinabahan sa magiging sagot niya.
"I'm fine, wala kang dapat ipag-alala. What time is it?" tanong niya.
"7am," simpleng sagot ko. "Parang ang init mo, nilalagnat ka ba?" humawak ako sa noo niya to check on his body temperature.
Nakita kong ngumisi siya. "Hot ko kase," natatawang bulong niya.
"I'm serious," singhal ko.
"What? I'm also serious."
Bakit pakiramdam ko parang may iba sa mga titig niya?
"What's going on here? Nanay and tatay, are you fighting?" Sean interrupted. Sabay kaming natawa sa pambungad niya. At umayos kami ng upo sa kama.
Sean is already five years old. Sobrang daldal, mana sa nanay. Sobrang kulit, mana sa tatay. Sobrang pogi at matalino, mana sa aming dalawa.
"Hey come here," tawag ni Sayoko sa kanya. Agad naman siyang tumakbo palapit at pumagitna sa amin.
"Tatay and nanay aren't fighting," paliwanag ni Sayoko sa kanya pero sa akin siya nakatingin. "Actually, Tatay and Nanay are making love," he added.
Parang akong namula sa sinabi niya. Tinignan ko siya ng masama.
"Right, sweetheart?" nanunuksong tanong nito.
Sean looked at me confused, waiting for my answer.
"Yes." I smiled at him. "Tara, ligo na ang baby. You're excited to see your Lolos and Lolas. Yes?"
"Yes, and Tito Akiko and Tita Stacey. Also Ninang Chummy, Ninong Yummy. All of them!" he cheerfully answered. At biglang sumimangot.
"What's wrong baby?" tanong ko.
Sean crossed his arms, "Nanay, I'm not a baby anymore. Big boy na po ako. Diba tatay?" He looked at Sayoko.
"Yes nanay, big boy na si Sean." At nagyakapan silang dalawa.
Magsama kayong mag-ama!
Pinandilatan ko si Sayoko. "Bihisan mo yang anak mo," sabi ko bago dumiretso ng banyo para maligo na at kinurot ko muna siya sa tagiliran dahilan para mapaaray siya.
"Tatay, are you okay?" narinig kong tanong ni Sean sa ama bago ako tuluyang makapasok ng banyo.
"Yes big boy, Tatay is fine," sagot nito at ginulo ang buhok ng anak.

BINABASA MO ANG
Three Kinds of Love (COMPLETED)
RomanceIf A loves B, it's not logical to say that B loves A. But if conditional is true, this I will say; maybe someday, A and B are meant to be. ❤