Nakarating ako sa basketball court ng school campus.
Hindi ko kayang pigilin ang pagtulo ng luha ko. Sabihin ko mang pagod na ako at gusto ko nang sumuko, ang mga luhang to ang patunay ng totoo kong nararamdaman.
Solo ko ang lugar, walang ibang tao. Umupo ako sa isang bleacher, nakayuko ako na parang tangang umiiyak mag-isa.
We already talked about this?
Kailan ba kami nag-usap?
Ang tinutukoy ba niya ay ang dadalawang salitang binitiwan niya kagabi bago siya umalis, ‘I’m sorry’?
Naguguluhan ako.
Napasabunot ako sa sarili ko.
“Wag mong saktan ang sarili mo. Oh, panyo,” iniabot niya sa akin ang panyo.
Tinaggap ko iyon.
Inangat ko ang ulo ko, he’s standing in front of me.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.
Tumabi siya sa akin, “Sinabi ko naman sayo, andito lang ako, hindi mo na kailangang tumakbo papunta sa’kin dahil ako na mismo ang lalapit sayo.”
Diretso ang tingin niya kaya’t nagkaroon ako ng pagkakataon para masdan muli ang mukha niya. Si Josh ang nagsilbing sandalan ko sa mga panahong kailangan ko ng balikat na iiyakan at kaibigang makikinig sa akin. Hindi ko alam kung paano ako makakaganti sa kabaitang ipinapakita niya sa akin.
“Bakit ang bait mo sa akin?”
Tumingin siya sa akin habang nakangiti. Tumawa siya ng mahina at saka lang sumagot, “Alam kong alam mo ang sagot sa tanong mo. Akinka, gusto kita at mahalaga ka sa’kin. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon para iparamdam sayo na importante ka sa’kin. Hayaan mo akong ipakita sayo na ang babaeng katulad mo, hindi pinapaiyak.”
“Josh…”
“Si Sayoko ang mahal mo. Aki, alam ko naman yun eh. Pero tinamaan ata talaga ako, dito,” he said pointing his heart.
Hindi ko alam kung anong dapat na isagot ko sa kanya. He then held my hands.
“Hindi kita mamadaliin Aki, I can wait. But please, give me a chance.”
Niyakap niya ako pero ang tanging naramdaman ko lang ay yakap ng isang kaibigan.
“Pwede ba tayong mag-usap?”
Sabay kaming napatingin ni Josh at bumitaw.
“Para saan? Hindi ba’t nag-usap na tayo? Sayoko ikaw na mismo ang nagsabi kanina, we already talked about this.”
“Aki please, mag-usap tayo.”
“Wala tayong dapat pag-usapan,” akmang aalis na ako pero hinigit ako ni Sayoko sa braso.
“Ano ba! Bitawan mo ang kamay ko!” pagpupumiglas ko.
Hinawakan ni Josh ang kabilang kamay ko, “Bitawan mo ang kamay niya,” utos nito.
“Pwede ba, wag kang makialam. Sino ka ba sa palagay mo?”
“At ikaw, sino ka sa palagay mo para saktan ang damdamin ni Aki. Ha!”
“Tumigil nga kayong dalawa. Bitawan niyo ako!” iwinagsil ko ang kamay nilang dalawa.
"Sayoko tama na. Hindi habang buhay hahabulin kita. Hindi habang buhay magpapakatanga ako sayo. I realized how pathetic I was to be crying over someone like you. You hurt me; you made me feel like I was worthless, stupid and unimportant. Pero salamat, tinuruan mo ako ng isang bagay, not to hold on to someone who isn't holding on to you. As for me, I know I can find someone better. As for you, you lost a person who actually cared," umiiyak ako ako habang nagsasalita. “Josh let’s go.”
"Balang araw malalaman mo kung bakit ko nagawa lahat ng to. Aki, sana mapatawad mo ako," nakayukong bulong ni Sayoko bago kami tuluyang umalis.
Anuman ang dahilan niya, ayoko ng malaman kung masasaktan rin lang ako. Time out na muna. Siguro naman may karapatan din naman akong sumaya.
But it doesn’t mean na kay Josh ko na ibabaling ang nararamdaman ko para kay Sayoko. Hindi ganun kadali… pero susubukan ko.
I believe… time heals all wounds.
BINABASA MO ANG
Three Kinds of Love (COMPLETED)
RomanceIf A loves B, it's not logical to say that B loves A. But if conditional is true, this I will say; maybe someday, A and B are meant to be. ❤