KABANATA 35

817 21 3
                                    

Halos dalawang linggo na ang nakalipas.

Tatlong araw nalang bago idaos ang grand launch party.

Abalang‐abala ang lahat sa preparasyon. May mga media na darating, may mga imbitadong kinatawan ng gobyerno, at mga kilalang tao sa larangan ng business. It was a formal event.

Mahigit isang linggo ko na 'ring hindi nakikita si Sayoko.

Actually ako ang humiling sa kanya na bigyan ako ng sapat na panahon para matapos ang concept paper and discuss it with him three days before the launching.

At para na rin makapag-isip. Dahil tuwing nakikita ko siya, gustong gusto kong itanong sa kanya kung saan niya nakuha ang mga litratong 'yon. At para saan pa't mayroon siya ng mga yun.

I received a text message from him.

I'll see you in my office today Miss Harley, don't be late.

Hindi ko siya nireplyan, para saan pa? Binura ko agad ang message niya.

Alam ko ang trabaho ko. Hindi niya kailangang ipaalala sa akin.

Magkikita kita din kami nina Chummy at Yummy after my appointment with Sayoko.

Hindi ko pa pala nasasabi sa kanila na Sayoko is the one I am working with.

Mabilis akong nag-ayos ng sarili at lumabas na sa tinutuluyan kong hotel. Nasa labas na ang service na susundo sa akin.

Pagkarating namin ay dirediretso na ako sa opisina niya.

"Good morning Miss Harley," bati sa akin ni Daisy, ang secretarya ni Sayoko.

"Good morning."

"Can you wait for a while? Mister Miller is talking to someone right now."

Tumango lang ako. Halos limang minuto na akong naghihintay hanggang sa bumukas ang pinto at lumabas si Sayoko na may kasamang babae.

Tumatawa silang dalawa na parang sila lang ang nagkakaintindihan at sila lang ang tao sa mundo.

At, nasasaktan ako.

"Good morning Miss Harley," bati sa akin ni Sayoko habang nakahawak sa bewang ng babaeng kasama niya.

"Good morning Sir," tipid na sagot ko.

"By the way, Honey this is Miss Akinka Harley. Siya yung pinadala ng Marketing Firm based in US to conceptualize on the proposed project," pakilala ni Sayoko.

"Hi, finally nakilala din kita. It's nice to meet you Miss Harley," sabay abot niya sa akin ng kamay niya para makipagkamay at tinanggap ko 'yon.

"Daisy, pakiasikaso muna si Miss Harley. Ihahatid ko lang siya sa baba," paalam ni Sayoko sa secretarya niya na ngayon ay hawak ang kamay ng babaeng kasama.

"Miss Harley, sa loob nalang po kayo maghintay," wika ni Daisy.

"Sige, salamat."

Pumasok na ako sa opisina niya at umupo sa isang sofa malapit sa desk niya.

"By the way, Honey is my..." Sayoko said after entering his office.

"Please don't get me wrong Sir. I don't came here to talk about your personal life, I came here to discuss to you the concept paper. So if you don't mind, shall we start?" I cut him off.

Tumango lang siya.

Sandaling kinalimutan ko muna ang lahat ng gumugulo sa aking isipan.

Ibinuhos ko lahat ng aking lakas sa pagpapaganda ng presentation para sa bagong hotel. And I call it, 'A Paradise on top of a Hill, a home away from home.'

Three Kinds of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon