"Akinka!" paulit ulit na sigaw niya.
Sigurado akong alam na niya na ang tungkol sa pag-alis ko, at sigurado din ako na si Grace ang nagsabi sa kanya. Bakit ba hindi ko naisip na kahit anong oras ay pwede niya akong puntahan?
"Aki, lumabas ka please. Mag-usap tayo!"
Nadatnan ko siyang nakaupo sa harap ng gate, "Anong kailangan mo?"
Nang maramdaman niyang nasa harap niya na ako, tumingala siya at agad na tumayo.
"Aki," he called my name. He's about to hug me but I pushed him away. "Aki, mag-usap tayo please," pakiusap niya.
"Sayoko umuwi ka na, lasing ka."
Amoy alak siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Hindi talaga siya umiinom. Pero heto siya ngayon sa harapan ko, lasing na lasing at halos hindi makatayo ng maayos.
"Mag-usap tayo," ulit niya.
"Nag-uusap na tayo. Sabihin mo na kung anong pakay mo, inaantok na ako," I looked away. Hindi ko siya kayang tignan.
"Totoo bang aalis ka na naman? Iiwan mo na naman ako? Ang unfair mo naman Aki! Ganyan ka na ba talaga?"
Kailan ba siya naging fair sa akin?
"Umalis ka na, please."
Ayokong sagutin ang kahit anong tanong niya. Ayokong magbago ang isip ko.
"Aki, dati sinabi mo sa akin na kapag may kailangan ako sabihin ko lang sayo. Paano kung sabihin ko sayo ngayon na ikaw ang kailangan ko?"
Hinawakan niya ako sa braso, pero iwinagsil ko ang kamay niya.
"Mas kailangan ka ni Rachel."
"Please, don't leave. Hindi ko kaya nang wala ka." Lumuhod siya sa harap ko. And it breaks my heart.
Tumingala ako para pigilan ang mga luhang nagbabadyang kumawala, "No Sayoko. Kaya mo, kailangan mong kayanin," halos hindi ko matapos tapos ang sasabihin ko. "May sarili din akong buhay Sayoko, at hindi habang buhay maghihintay ako sayo," I managed to continue.
Tumayo siya at hinarap ako, "Hindi mo na ba ako mahal?"
I closed my eyes.
Naramdaman kong niyakap niya ako. Pero hindi ako gumanti sa yakap niya.
Sinubukan kong itulak siya ulit. Pero nakatulog na pala siya sa balikat ko habang nakayakap sa akin.
"Mahal, mahal na mahal. Pero hindi sapat para manatili ako," at tuluyan nang kumawala ang mga luha sa aking mga mata.
I had no choice. Inakay ko siya paakyat ng kwarto ko at ihiniga sa kama ko.
Bakit kasi pumunta pa 'to dito?
Bumaba ako para kumuha ng mainit na tubig na ipanghihilamos kay Sayoko. Maglalasing hindi naman kaya.
Bumalik agad ako.
Napatitig ako sa mukha niya.
Nakakainis ka Sayoko. Ginugulo mo na naman ang isip ko.
Then I found myself talking to someone who's sleeping.
"Sayoko I'm sorry. Paano ba yan, kailangan ko na namang umalis, kailangan na naman kitang iwan," my tears started to fall. "Sana kasi hindi nalang ako bumalik. Ako lang naman 'tong mapilit eh. Ngayon, eto ako." I let go of a deep breath. "Hindi ko alam kung kailan kita makakalimutan. Isang taon, dalawa, tatlo, ang importante makalimutan kita, kahit mahirap pipilitin ko. At sana sa pag-alis ko, ipagpatuloy mo ang dati mong buhay kasama si Rachel. Sayoko, kaya mo. Kinaya mo na dati, kakayanin mo ulit." Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahagulgol. "Mahal na mahal kita," then I kissed him, goodbye.
BINABASA MO ANG
Three Kinds of Love (COMPLETED)
RomansaIf A loves B, it's not logical to say that B loves A. But if conditional is true, this I will say; maybe someday, A and B are meant to be. ❤