It's been almost two months since our wedding day. Sayoko and I are living in his condominium unit.
Pansamantala lang naman dahil hindi pa kami nakakahanap ng bahay na lilipatan kung saan kami bubuo ng pamilya at mamumuhay nang masaya.
I really don't need much. I don't need a house just like a palace. Just a happy home is enough for me.
Mag-iisang oras na akong palakad-lakad. Nalibot ko na ang buong bahay. Papasok sa kwarto, lalabas. Papasok sa banyo, lalabas. Papasok sa kusina, lalabas. Hindi ako mapakali simula nung gumising ako ngayong araw na 'to. Mag-iisang linggo na akong uneasy.
Kanina pa umalis si Sayoko dahil tumawag ang sekretarya niya at may early meeting daw siya with the board. Hindi ko sinabi sa kanyang masama ang pakiramdam ko dahil ayokong mag-alala siya sa akin.
Narinig kong may nag-doorbell. Si Chummy na siguro 'yon.
Papunta na sana siya sa restaurant nila ni Thunder nung tinawagan ko siya pero nung sinabi kong masama ang pakiramdam ko at wala akong kasama bigka siyang nag-aalala at atubiling minaneobra ang sasakyan niya papunta sa condominium unit ni Sayoko.
Pagbukas ko ng pinto ay agad akong napayakap sa kanya.
"Nasaan ba ang asawa mo? Ilang araw na bang masama ang pakiramdam mo? Parang nung isang araw lang nung nagtext kang masakit ang buong katawan mo. Nagpacheck up ka na ba? Baka mamaya kung ano na yan?" sermon niya.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa tono ng pananalita niya, halatang nag-aalala siya.
Napatakbo ako sa banyo nang maramdaman kong nasusuka na naman ako. Mag-iisang linggo na ata akong ganito.
Alam kong sinundan ako ni Chummy.
"Aki, ilang araw ka na bang ganito?" nag-aalalang tanong niya habang hinagagod ang likod ko. Samantalang ako tungong tungo sa lababo.
"Isang linggo?" hindi siguradong sagot ko pagkatapos kong magmumog.
Naningkit ang mga mata niya, "May mga itataong ako sayo, I want you to answer me honestly. Okay?" at inabutan niya ako ng towel.
"Ano ka, imbestigador?" natatawang tanong ko. At tinignan niya ako nang masama.
"Oo na. Ano ba yun?"
Hindi ko inaasahan ang unang tanong niya. "Nag-toot na ba kayo ng asawa mo?" nanlaki ang mga mata ko.
I rolled my eyes before answering her question. "Anong klaseng tanong yan?" I answered her question with a question.
"Pwede ba Aki, sagutin mo nalang?" halatang napipikon na ito.
"Oo naman." Pakiramdam ko ay pulang pula ang mukha ko ngayon. Nakakailang at nakakahiyang pag-usapan ang ganitong bagay. Especially when you're discussing it with a friend.
Pero napaisip ako sa sumunod na taong niya, "Kailan ka huling nadatnan?"
"Nadatnan?" napaisip ako at parang nginunguya ang salita.
"Oo, nadatnan. As in, bisita. You know, regla." Psh, pilosopo.
"Akinka Harley, what?" inip na singhal ni Chummy.
Kung hindi ako nagkakamali, "Last is.. I think the month before our wedding?" mahinang sagot ko.
Napansin kong kumunot ang noo niya, napanganga ito at bigla nalang nagtitili ang bruha.
"Hoy. Ingay mo, kumalma ka nga! Bakit ba? Ha?!" saway ko sa kanya.
"Akiiiiiiiiii! Hindi kaya?" halos hindi niya maituloy ang sasabihin niya.
"Hindi kaya?" naguguluhang tanong ko.
"Buntis ka." Huling salitang narinig ko mula kay Chummy. Biglang naglabo ang paningin ko at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
NAGISING ako at parang may humahaplos sa pisngi ko. Masakit pa rin ang ulo ko pero pinilit kong imulat ang aking mga mata.
Isang napakagwapong ngiti ang nasilayan ko. Pare, nasa langit na ba ako?
"Nasaan si Chummy?" tanong ko.
"Umalis na, kailangan daw siya ni Thunder sa restaurant," sagot.
"Sa restaurant lang ba?" natatawang tanong ko.
Napansin kong parang may iba sa mukha ni Sayoko ngayon, para itong nag-aalala. Hay, ewan.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya.
"Bakit naman hindi mo agad sinabi sa akin na buntis ka?" biglang tanong niya. Halos mapapitlag ako dahil sa tanong niya. Umayos ako ng upo sa kama at napahawak ako sa tiyan ko.
"Bu-buntis ako?" hindi makapaniwalang usal ko.
"Oo. Kung hindi pa ako tinawagan ni Chummy, hindi ko malalamang masama ang pakiramdam mo. I immediately called the doctor and she's happy to say that everything that you're experiencing right now are signs that you're pregnant," ngiting ngiting paliwanag niya. Nakatitig pa rin ako sa kanya, parang hindi pa rin nag-sisink in sa utak ko. Ako, buntis? Buntis ako? "Finally! Magiging tatay na akooooo!" masayang masayang sigaw niya halata sa malalapad niyang ngiti ang sobrang saya. Para ngang mapupunit na ang mukha niya. Saka niya hinalikan ang mukha ko, sa noo, sa ilong, sa magkabilang pisngi at isang mabilis na halik sa labi. "Thank you, hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya." Mas lumapit siya sa akin at niyakap ako.
Dahan dahan din siyang humiwalay sa pagkakayakap sa akin. Siguro ay narinig niya ang aking paghikbi.
"Oh, bakit ka umiiyak?" nakangiting tanong niya pero kita sa mukha niya ang labis na pag-aalala. "Hindi ka ba masaya?" dagdag niya.
Sinuntok ko siya ng mahina sa braso. "Syempre ma-masaya," nauutal na sagot ko.
"E bakit ka umiiyak?" ulit niya.
"Natatakot ako," humihikbing sagot ko. Ganito pala ang kapag nalaman mong nagdadalangtao ka. Masaya, na natatakot. Hindi ko maipaliwanag.
Hinawakan niya ang magkabiling pisngi ko, "Ngayon ka pa ba matatakot kung kailan magiging isang masayang pamilya na tayo? Aki, kailangan nating maging mas matapang ngayon. At ako, ipinapangako ko sayo na pipilitin kong mabuhay ng mas matagal para sayo at sa mga magiging anak natin. Papalakihin pa natin sila nang masaya, malusog at may takot sa Diyos. Magtiwala lang tayo sa Kanya, walang imposible. Magkahawak kamay nating haharapin ang lahat ng pagsubok, hindi tayo papatibag. Sasalubungin natin ang bawat araw nang may ngiti sa labi at pananalig sa Diyos. Hmm?"
Tumango lang ako at niyakap ulit siya.
"Mangako ka sa akin, walang bibitaw," bulong niya.
"Walang bibitaw, pangako."
I closed my eyes.
Dear Lord,
Thank you for this man who's with me right now. I love him, so much. And I believe in my heart and soul that you made him just for me. I may not know what are your plans for us and how long you will allow us to be as one and stay in each other's arms. But I have faith that as long as we're together and you're in our hearts, we will remain strong.
AMEN.
BINABASA MO ANG
Three Kinds of Love (COMPLETED)
RomansIf A loves B, it's not logical to say that B loves A. But if conditional is true, this I will say; maybe someday, A and B are meant to be. ❤