EUPHORIA 1

47 5 0
                                    


Zela Jin Rencio

Almost 2 years na simula ng magsimula itong pandemya na nagpahirap sa bawat indibidwal.

Dahil sa pandemic isinagawa ang quarantine para sa bawat pamilya.

Maraming positive na naganap pero hindi maikakaila na mas maraming negative na pangyayare ang naganap.

Gaya na lang ng nangyari sakin ngayon.

Isa na don ang biglaang pag tigil ng face to face class.

Nung una masaya pa eh.

'Gosh! Finally! Makakapagpahinga na rin mula sa stressful na school at mga activities na pagawa ng mga SSG'

But hell!

Seryoso!

Ngayon pa lang naaawa na ko sa mga bata na hindi mararanasan ang face to face class.

Hello! Aminin man natin sa hindi, super laki ng fun na binigay satin ng face to face class. Mula sa mga teachers na pipigain yung utak natin at bibigyan tayo ng napakaraming assignments and projects hanggang sa mga classmates natin na siraulo at pa dumbell sa mga group activities.

Yung stress na nararanasan natin sa bahay na babawasan dahil halos kalahati ng araw nakalagi lang tayo sa loob ng school.

That was one of the best memories I have nung face to face pa.

Pero ngayon grabe ng stress ang inaabot ko dahil sa problema at negativity na pumapalibot sa mundo.

Grabe din pala ang stress na dala ng social media?

Yung tipong yung social media yung pinaka makakapitan natin sa panahon ngayon pero mas dumami naman ang toxic ngayon na nakatira at tumatambay dun.

'Gosh! Ayoko na lang talaga mag talk'

So yon, andaming nangyare this past few years.

I turned 18 without any presents or kahit pa spag man lang wala.

Pero dapat bilang isang dalaga dapat lawakan ang isip. Pandemic days na non nung nag 18 ako so acceptable reason naman na wala talagang pera non.

Plus, pa na hiwalay si mama at papa and nakatira lang ako kay papa habang ung mga kapatid ko naman nakatira kay mama kasama yung boyfriend ni mama.

Nagsimula akong maging independent nung humiwalay si mama samin, yung feelings ko at pagiging emotional ko dapat kong itago kasi... kasi wala naman akong masasabihan at malalapitan.

"Ginagawa mo? Loko hanggang ngayon nagsusulat ka pa rin ng diary?" Tanong ni Steffi.

Napa irap naman ako.

"Mukha ba tong diary? Nagsusulat ako ng story." Sagot ko sabay balik ulit sa pagta-type.

Katrabaho ko si Steffi and yeah, nag wo-work ako right now.

Isa akong office staff dito sa di naman kalakihang company na pinapasukan ko.

Nasa iisang condo kaming tatlo nakatira na provided ng company kasi nga naman pandemic at natatakot silang umuwi kami ng mga bahay tas papasok ng office at baka magka virus kami at makahawa pa.

Yung condo naman namin walking distance lang dito sa company.

Napaka imposibleng makapag trabaho sa company lalo na kung di ka pa nakaka pag college or hindi ka pa tumutungtong ng 20 years old, yan ang mindset ko.

Pero ang imposible naging posible para sakin ng makatanggap ako ng email mula sa company matapos nila ako i-interview.

"Ano Zela? G ka?" Napabuga naman ako sa hangin dahil sa narinig ko na naman ang pangalan ko sa topic ng dalawang to.

EUPHORIAWhere stories live. Discover now