Zela Jin Rencio
Pagkauwi ay agad kong chineck ang phone ko.
Gusto ko lang sanang itext sila ate at itanong kung alam na nilang may bago ng kinikita si papa. Gusto ko lang malaman kung aware na sila.
Pagbukas ng phone ay agad kong nakita sa notif ko ang bumble pero ipinagsawalang bahala ko lang yon.
Ang pagta-type ko ng text kay ate ay nahinto nang biglang mag flash sa screen ko ang salitang 'Mama'
Tumatawag si mama.
Huminga ako ng malalim bago naupo at sinagot ang tawag ni mama.
"Ma..."
"Nak. Kamusta ka jan?" Napahilot ako sa sintido ko.
"Okay naman po. Kayo po?" Kahit alam ko na kung saan tutungo ang usapan ay kinalma ko pa rin ang sarili at umaasang mali ang iniisip ko.
Halos isang minuto ang inabot ng katahimikan sa kabilang linya na hinayaan ko lang.
"Eto nak, okay naman. Pero nak kasi nasira na naman yung motor ng tito mo." Pagtutukoy nya sa motor ng boyfriend nya.
Napahilot ako lalo sa sintido ko. No. Please. Wag muna ngayon.
Tama na muna.
Nanatili akong tahimik at inantay ang susunod nyang sasabihin.
"Alam mo naman nak na ginagamit yung motor para mas mapadali ang paghahanap ng trabaho ng tito mo pero yun nga, nasira na naman."
Pumikit ako.
"Ano pong gusto nyong gawin ko?" Mahinahong tanong ko.
"Pwede bang makahiram muna ulit ng 5k?"
Halos hirap na kong lumunok dahil sa usapan namin ni mama.
"Ma, masyado naman pong malaki yung 3k. Magpapadala naman po talaga ako ng 3k para sana sa pang dagdag dyan pero ma yung 5k na hinihingi nyo ay hindi kasama sa budget ko po." Magalang na sambit ko.
Ayokong dahil lang sa pera ay magkaroon kami ng alitan ni mama kaya kahit papano ay pinipilit ko pa ring kumalma.
Pero sinong niloko ko?
Hindi ganon kalakihan ang kinikita ko sa trabaho. Saktong 10k lang talaga ang kada buwan ko pero dahil nga may ipon ako kahit papano ay hindi naman ako naghihirap.
7k ang pinapadala ko kila mama kada buwan at minsan 8k pa.
2k to 3k ang natitira sakin at ibabawas pa don yung allowance ko kada buwan at ang ipon ko.
Kung walang natira saking ipon nung nag published ako ng book ay baka tag hirap na ko ngayon.
"5k lang naman anak, pang meryenda na rin ng tito mo dahil nga mahirap maghanap ng trabaho at talaga namang napakainit sa daan. Babayaran din naman ng tito mo pag nakahanap na sya ng trabaho."
"Ma... Ma malaki po yung 5k. May utang pa nga pong 15k sakin si tito sa kakaheram nya ng pera para dyan sa trabahong sinasabi nya na hanggang ngayon wala pa. Wala namang nangyayare." Huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. "Ma inipon ko po yung pera na pinahiram ko kay tito para sana sa pambili ng ticket ko papuntang ibang bansa at nasabi ko naman sa inyo na balak kong mangibang bansa at dun magtrabaho dahil malaki ang kikitain ko dun."
How come na ang tapang ko ngayon at wala talagang luhang gustong pumatak mula sa mga mata ko?
"Pero hindi ko magawa-gawa. Dahil nga sa sunod-sunod na hiram ni tito na walang kasiguraduhan at bukod pa don sa mga pinapadala ko sa inyo sa bahay, sa pinapadala ko kay bunso para kay baby. Nahihiya na nga rin po ako kay papa at wala akong napapadala sa kanya ih."

YOU ARE READING
EUPHORIA
Romance"You know what girl? Sa panahon natin ngayon, dating app is normal. Dapat tanggapin natin at maki-ayon na lang tayo sa ganap ng mundo. Eto ang tinatawag nilang 'New Normal'. Walang masama kung makikisabay tayo. Baka kasi ang ending, dahil hindi ka m...