Zela Jin Rencio
Anonymous
•active nowZela:
So ano nga? Pano yon? Anong susuotin ko?
Natataranta pa ko havbang sinasabi yan sa kanya.Ang ending kasi ng nakakagimbal na anunsyo sakin ni Jayfer ay ang pag lalabas ko ng kaba kay Anonymous.
Wala akong ibang mahingan ng tulong kundi sya lang.
Bukod sa nasa office sila Tams ay wala naman talaga akong balak na sabihan sila dahil mga madudumi yung utak ng mga yon.
Mga advanced mag isip.
Oras na magkwento ako sa kanila, yung utak nila ay nasa pag aasawa ko na.
Kaya ang ending, napakwento ako dito kay Anonymous.
Nagpatulong ako sa susuotin ko, sa gagawin ko.
Aba! First time sa 19 years na pamamalagi ko dito sa earth ang humarap sa nanay ng isang lalakeng kakakilala ko palang.
At hindi ko talaga alam ang gagawin.
Matapos nya kong ibaba sa mismong tapat ng building ng condo namin ay sinabihan na nya ko na wag na lang daw intindihin yung sinabi ng mama nya.
Papayag naman na sana ako kung di lang muling nagtext ang mama nya na nagluto daw sya.
Aba! Umiral ang kahihiyan sa pagkatao ko kaya ayon! Ang ending, ako na mismo ang nagsabi na pupunta ako.
Sinabihan nya pa ko na susunduin nya ko pero sabi ko na lang antayin nya ko sa floor nya.
May oras pa ko para mag asikaso.
Kung iisipin nga dapat wala akong pake sa sitwasyon na to eh.
Kung kaibigan ko lang yung nag aya ay baka kahit anong madampot kong damit ay ayos na, pero dre! Iba to!
At natataranta talaga ako.
Anonymous:
Bat ba parang natataranta ka? Just wear any comfortable clothes. Para namang date ang pupuntahan mo.Agad kong naramdaman ang pag init ng pisngi ko dahil sa nabasa kong reply nya.
A-Aba! Siraulo to ha!
Anong gusto nya? Mag pajama ako don? Eh sa yon ang pinaka komportableng damit para sakin ih.
Zela:
Pajama?
Inis na sambit ko.Wala talaga tong kwenta kausap.
Sa linggong pag uusap namin mas unti-unti na kong nasasanay sa kanya.
Sa pagiging tipid nyang mga sagot at sa pagiging prangka nya.
Minsan akala mo nagbibiro lang sya pero seryoso pala sya sa mga sinasabi nya.
Ikaw na lang ang iintindi.
Kasi ginusto ko rin naman--- Oy hindi ah! Sadyang no choice lang.
Lalo akong napasimangot sa sagot nya.
Anonymous:
Yeah. Why not?Seryoso ba sya?!
Nanggigigil akong nagtipa ng mensahe sa kanya.
Zela:
Alam mo? Salamat na lang sa time. Wala akong mapapala sayo.
YOU ARE READING
EUPHORIA
Romance"You know what girl? Sa panahon natin ngayon, dating app is normal. Dapat tanggapin natin at maki-ayon na lang tayo sa ganap ng mundo. Eto ang tinatawag nilang 'New Normal'. Walang masama kung makikisabay tayo. Baka kasi ang ending, dahil hindi ka m...