His POV
"Why?" Walang ganang sagot ko sa kabilang linya.Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.
Agad kong ibinaba ang hawak kong libro habang inaantay ang sagot netong kausap ko.
I'm wasting my time.
"Nak... Ano kasi ih... Ano---"
"Wala akong pera kung yun ang gusto mong sabihin." Pagputol ko sa kanya.
Inis kong hinilot ang sintido ko.
Kapag sya ang kausap ko grabeng stress talaga ang napupunta sakin.
"Hindi nak... Hindi... Hayaan mo muna akong matapos."
Huminga ako ng malalim bago tumayo at lumabas papunta sa kusina.
I need a f*cking water.
Agad kong tinungga ang tubig na nakuha ko.
Ang pagdaloy ng malamig na tubig sa lalamunan ko ay kahit papano nagpabawas sa inis na nararamdaman ko.
"Fine. Spill it." May halong pagtitimping sambit ko. "Anong kaylangan mo at napatawag ka sakin?"
"Nak... Gusto ko sana makausap ang Mommy mo---"
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo?! Mahiya ka naman! You. You have no rights to talk to my Mom. Do you understand?" Madiing sabi ko.
San ba sya nakahanap ng kakapalan ng mukha at sinabi nya yon?
No.
"Nak hindi mo naiintindihan---"
"I don't care."
Agad kong ibinaba ang tawag.
That man.
Tsk.
Agad akong tumayo at bumalik sa kwarto ko.
Nang makapasok ay agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama.
Nilingon ko ang librong katabi ko.
Nang makuha ko ito ay agad nalang kong napangiti.
Ranajin.
I'm sorry.
***
Zela Jin Rencio
"Hoy! Ano ba naman yan Zela?! Ngiti ka ng ngiti jan. Nakakatakot kana ha!" Suway sakin ni Tams.
Imbis na mainis ay napangiti nalang ako lalo.
Isang linggo na rin kasi ang lumipas nung nakausap ko yung lalake sa rooftop at naging last na yon kaya labis ang tuwa ko pero hindi lang yon. Etong si Anonymous guy kasi napapadalas na ang pag uusap namin.
Parang naging routine ko na nga na bago matulog ay makakausap ko sya, pagkakain maguusap ulit. Umaga sya rin ang una kong kausap. Aba ewan! Ganon ang ganap.
Wala akong reklamo dahil pabor naman sakin yon.
Nawawala yung mga ibang iniisip ko dahil sa mga walang kabuluhang pag uusap namin.
"Hoy umamin ka nga! May jowa ka na ba?!" Sigaw ni Steffi na nagpataas ng kilay ko.
"Wala..."
Tsaka ko ibinalik ang atensyon ko sa tinitipa ko.
YOU ARE READING
EUPHORIA
Romance"You know what girl? Sa panahon natin ngayon, dating app is normal. Dapat tanggapin natin at maki-ayon na lang tayo sa ganap ng mundo. Eto ang tinatawag nilang 'New Normal'. Walang masama kung makikisabay tayo. Baka kasi ang ending, dahil hindi ka m...