EUPHORIA 15

17 4 0
                                    

Zela Jin Rencio

"Hoy, ano ba kasing nginingiti mo jan?" Nawala ako sa iniisip ko nang bigla kong marinig ang boses ni Tamy.

"Wala, magtrabaho ka na nga lang jan." Wala sa sariling sambit ko tsaka muling itinuon ang sarili sa tina-type.

Wala pang tatlong segundo nang muli akong humarap kay Tamy.

Iniusog ko ang upuan ko at iniharap sa kanya. Seryoso ko syang tinignan.

"A-Ano? Nakakatakot naman to." Natatakot na sambit nya tsaka sya dahan-dahang lumayo sakin na agad ko namang pinigilan.

"Tams..."

"Ano ba kasi yon?! Ikaw nga umamin ka nga sakin..."

Eto na ba yon? Sasabihin nya na ba sakin yung mga bagay na nahahalata ko rin sa sarili ko? Nahahalata nya na rin ba ko?

Agad akong tinubuan ng kung anong emosyon sa katawan.

"A-Ano..."

"Zela nag da-drugs ka ba?!" Singhal nya sakin na ikinalaki ng mata ko.

Walang pagdadalawang isip ko syang binatukan.

"Alam mo, ang epal mo." Inis na sambit ko sa kanya.

Aalis na sana ako nang bigla nyang hawakan ang upuan ko para pigilan ako.

Kunot noo ko syang tinignan.

Ano na naman bang nakaka buset na sasabihin ng babaeng to?

"Ano na yon? Ikaw eh, para kang nanakot. Pero seryoso na, ano ba kasing sasabihin mo?"

"Seryoso na yan?" Paninigurado ko sa kanya.

I know her very well. 

Kung tinuan ang pag uusapan, pwes wala sya non.

"Ano ba kasi yon? Sasama ka samin mamayang gabi?" See?

Walang katino-tino sa katawan yan. 

"Bahala ka nga jan." Muli ko na sanang iuusog palayo ang upuan ko nang bigla nya na naman akong pigilan.

"To' naman, di mabiro. Seryoso na, ano ba kasi yon?"

Nang masiguro kong seryoso na sya ay tsaka ko sinimulang magtanong.

"A-Ano kasi... May kaibigan ako."

Napatango tango naman sya.

"Uh-huh."

"Ahm... Umamin sa kanya yung lalakeng di nya ine-expect na magkakagusto sa kanya." Sambit ko ulit.

Muli ko syang nilingon...

Mamaya makahalata ih.

"Oh tapos?"

"Tapos ano... Yun nga... Nagtatanong sya sakin kung ano... Kung pano daw ba malalaman pag seryoso yung lalake sayo. Like pano mo masasabing nagsasabi sya ng totoo?"

Naningkit ang mga mata nya habang nakatingin sakin.

Napakagat ako sa daliri ko.

"Really?" Mapanuring tanong nya.

Agad akong napatayo mula sa kinauupuan ko.

"Hoy sinasabi ko sayo! Nagtatanong lang sya!"

Agad syang nagulat sa naging reaction ko dahilan para mapalunok ako at mapakurap-kurap ng ilang beses.

"Oo nga... Wala naman akong sinasabi ih. Bat ba bigla bigla kang nag re-react jan?" Napanguso naman ako sa sinambit nya.

"W-Wala... H-Hindi ko naman kasi alam ang isasagot ko sa kaibigan kong yon. I'm innocent Tams..." Nakangusong sambit ko.

EUPHORIAWhere stories live. Discover now