Zela Jin Rencio
"Zela! Antagal naman nito, ano sama ka ba mamaya?" Inirapan ko ng ilang beses si Tams dahil sa sinambit nya.
Punong puno na ng sama ng loob ang binibigay sakin ni Tams tas dadagdagan nya pa? Tss.
"Wag mo kong bwisiten, pauwi nalang tayo't lahat." Nakasimangot na sambit ko sa kanya.
Agad kong dinampot ang shoulder bag ko na nasa upuan ko bago ko muling inirapan si Tams.
"Eto naman, di mabiro. Teka, pasabay!" Nagmamadaling sambit nya nang makita nyang paalis na ko.
"Asan na ba si Steffi? Di ba yon sasabay satin?"
Sakto namang nakangising dumating si Steffi.
"Agad ko naman syang tinaasan ng kilay nang pasadahan nya ko ng tingin.
"What?" Asik ko.
Hindi ko alam sa dalawang to at laging ako yung puntirya sa pambubwiset.
"Ang gwapo ha." Nakangising sambit nya.
Agad akong napakunot noo. Agad nag init ang ulo ko sa sinambit nya.
"Sa ganda kong to sasabihan mo ko ng gwapo?! Asan ang hustisya don ha?!"
"Oh come on Zela, anong name nya. Tanong mo kung may tropa."
Dali-dali ko syang nilapitan sabay kurot ko sa tagiliran nya.
"Ano ba kasi yon?"
"Gaga! May nag aantay sayo sa labas." Natatawang sambit nya.
Agad akong napaatras mula sa kanya.
Agad akong tinubuan ng pagtataka sa katawan.
"Ha? Sino? Si mama ba?" Hindi naman sya sumagot sa sinambit ko kaya walang pag aalinlangan akong naglakad palabas.
Lakad takbo pa ang ginawa ko makalabas lang.
Hindi ko alam kung bat ako dinadapuan ngayon ng kaba at excitement sa katawan. Siguro dahil matagal na rin nang puntahan ako ni mama dito? Hindi ko alam.
Nakangiti akong lumabas ng glass door namin. Binati ko pa si kuyang guard dahil sa labis na tuwa.
Nang makalabas ay nag palinga linga ako sa paligid.
Agad akong napanguso nang hindi ko makita ni anino ni mama.
Pinagtitripan ba ko ni Steffi?
Tatalikod na sana ako para muling balikan si Steffi para sumbatan sya kung di ko lang narinig ang tatlong beses na sunod sunod na busina.
Agad akong napatingin sa kaliwa ko ang there, isang napaka pamilyar na sasakyan.
'Anong ginagawa nya dito?'
Agad akong napakunot noo.
Napalunok ako nang lumabas sya sa sasakyan nya.
Hindi ko alam kung sinong kaluluwa ang biglang sumapi sa katawan ko dahil parang tila na engkanto ako.
Nawiwindang ako ng literal.
Isa ako sa nakasaksi na totoo ang slowmo.
Geez! Literal na nag slowmo sya sa paningin ko habang bumababa sya sa sasakyan nya.
Hindi ko mapigilang hindi sya titigan.
Hindi naman sya ganito ka gwapo sa paningin ko noon ha?
YOU ARE READING
EUPHORIA
Romansa"You know what girl? Sa panahon natin ngayon, dating app is normal. Dapat tanggapin natin at maki-ayon na lang tayo sa ganap ng mundo. Eto ang tinatawag nilang 'New Normal'. Walang masama kung makikisabay tayo. Baka kasi ang ending, dahil hindi ka m...