EUPHORIA 2

30 6 0
                                    


Zela Jin Rencio

Argh!

Sunday Morning.

Walang bago.

I woke up early. As always.

Pagkabangon ay agad akong nag tiklop ng kumot tsaka ako tumayo at dumiretso sa cr. Nag asikaso ng sarili bago napagdesisyunan na magtimpla ng kape.

Walang pasok sa office so yeah, okay lang na di maligo.

Please don't judge me. I know ganito din kayo, minsan.

Well then, agad akong nabuhayan ng maamoy ko ang bango na nagmumula sa kape ko.

Shocks! Coffee! My life!

Nang matapos magtimpla ay agad akong nagtungo sa sofa at binuksan ang laptop ko na nakalagay sa mesa na kaharap ko ngayon.

Mag a-update ako!

My third story.

Nang mabuksan ko na yung laptop ay agad kong binuksan yung wattpad app ko. Kaylangan kong makapag published ngayong weekend dahil work na naman sa weekdays.

Aishh! Napakabilis nga naman talaga ng araw.

Magsisimula na sana akong magtipa sa story ko pero agad akong napahinto.

Gosh! What's next?

Nablanko ako!

Anong isusunod ko sa scene na to'?

Ah! Hindi gumagana ang imagination ko ngayon! Kainis!

Huminga ako ng malalim bago lumagok ng kape. After that ay agad kong ibinaba yung kape tsaka ako napasandal sa sandalan nitong sofa.

Wala talaga akong maisip na scene.

Seryoso.

"Accept this new normal."

"Yeah. And dating app is part of this new normal."

Agad akong napaayos ng upo nang bigla kong maalala yung sinabi nila Steffi.

God! No Zela!

But yeah, may point din naman sila di ba? Wala naman sigurong masama kung susubukan ko di ba? Habang wala pa kong naiisip na scene?

Hmmm...

Let's give it a try.

Umayos ako ng upo bago nagtali ng buhok. Huminga ako ng malalim bago ko idinampi ang kamay ko sa keyboard.

'Susubukan ko lang.'

I clicked the 'x' button para mag exit muna yung wattpad app then I put my arrow sa chrome.

Kinakabahan ako.

I don't know why.

Hinanap ko yung bumble pero app pala sya. Ang hirap pag nag download ako sa laptop. Kilala ko si Steffi at Tamy. Mga pakialamera yung dalawang yon at baka makita pa nilang nag download ako ng bumble edi inasar ako ng mga yon?

Wag na!

Huminga ako ng malalim bago ako napatingin sa phone ko sa gilid ng mesa.

Oh no! Mukha ba kong desperada?

Argh!

Tss!

Bahala na!

Agad kong kinuha yung phone ko tsaka ko mabilisang idinownload yung bumble. Pagka download ay may lumabas na kung ano-ano. Basta. It's like I need to give my basic info tsaka yung some pics ko.

EUPHORIAWhere stories live. Discover now