EUPHORIA 6

37 6 0
                                    


Zela Jin Rencio

Napangiti ako ng hindi ko namamalayan bago ko binuksan ang huli nyang voice record na sinend.

"Hi. Tinuloy ko lang yung kinakanta mo kanina. By the way, you're a great singer."

This man...

Umiling ako bago ibinaba ang phone ko.

I don't know him pero para bang kilala nya ko.

Napailing muli ako at inisip ang pamilya ko.

Andami ko na ngang iniisip sasabay pa yung lalakeng yon. Tsk.

Pinunasan ko ang basa kong pisngi dahil sa pag iyak ko nang medyo kumalma na ko staka ako tumayo at agad na ibinagsak ang katawan sa kama.

Napatitig ako sa kisame.

I'm tired.

I'm stressed.

My family didn't even notice how stressed and how tired I am.

Nahinto ang pag-iisip ko nang maramdaman ko ang pagdaloy muli ng luha ko. Nakangiti ako habang patuloy na nagsisibagsakan ang luha ko. Ang weird.

Eto ang hirap sakin ih, mahirap akong patahanin once na magsimula na kong umiyak.

Huminga ako ng malalim at wala sa sariling kinuha ang phone ko. Pagbukas ay agad akong pumunta sa bumble app.

Zela: 

Hey


Napaupo ako nang wala pang segundo at agad syang nakapag reply.

Inayos ko ang pagkakaupo ko bago binasa ang kanyang reply.


Anonymous:

Hey. Nakita kita kanina, nagmamadali.


Magre-reply na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Napa-irap ako ng wala sa oras.

Hindi talaga uso katok sa mga to no? Tsk. Di ba uso privacy dito?

Tamad kong ibinagsak ang phone ko kasabay ng pabagsak ulit ng katawan ko sa kama.

"Ano na naman?" Tamad kong sambit.

Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa tabi ko.

"Tara inom."

Napataas kilay ako nang marinig ko ang boses ni Tamy.

"Seryoso ba?" Wala sa sariling tanong ko.

"Ayaw mo?" 

Agad akong umupo bago pa magbago ang desisyon nila.  Pinanliitan ko sila ng tingin.

"Sino maglilinis?" Nakangiting tanong ko.

Geez! Ayokong maglinis. Kung tamad ako pag matino, jusko mas tamad akong kumilos pag nakainom.

"Kami na, wag ka lang kj." Sambit naman ni Steffi.

"Aba dapat lang, sagot ko na nga pang inom ih." Nakangiti kong sambit sabay tayo ko.


***

"So, anong nangyare?" Namumulang sambit ni Steffi.

EUPHORIAWhere stories live. Discover now