EUPHORIA 4

28 6 0
                                    


Zela Jin Rencio

Agad akong lumabas ng 7-Eleven pagkatas kong magbayad.

Bumili lang ako ng tatlong malalaking chichirya tas coffee. Bibili din sana ako ng ice cream kaso di na kaysa yung barya ko. Magpapadala pa ko kila mama.

Uuwi na sana ako nang bigla akong mapahinto sa paglalakad. Napatingin ako sa kanang bahagi ko kung saan nakapwesto ang isang bookstore. Sa loob ng bookstore may mga pwede kang upuan syempre, may mga coffee ka ring pwedeng mabili.

Dati na akong tumambay dito nung time na unang labas ng book ko para sana abangan kung may bibili o hahawak manlang sa libro ko, but as expected, wala.

Alam ko naman na hindi kagandahan at kaakit-akit yung cover book ko pero ibang iba naman sa storya yon. Tsk.

Laking pasasalamat ko na lang talaga at hindi pa rin nila inaalis yung libro ko dito.

'Di ba sila nalulugi ne'to?'

Nagkibit balikat na lang ako at sa huli ay napag desisyunan kong pumasok.

"Zela, napadaan ka?" Agad akong napatingin kay Sir Aldwin.

Si Sir Aldwin yung nag mamay ari netong store. Nakilala ko lang sya nung dumating dito yung libro ko. Mabait sya pero matagal tagal na rin nung huli ko syang nakamusta ulit.

Nasa age sya ng kuya ko ngayon.

25?

Ang bata nya pa lang pero naka pag patayo na sya ng ganito ka successful na store? Edi sana all.

"Na miss ko lang po yung kape nyo." Pagdadahilan ko sabay tawa ko.

Agad kong ibinaba yung bag ko sa bakanteng upuan malapit sa counter staka ako tumulong sa pag se-serve ni Sir Aldwin ng kape.

"Ako na Zela, maupo kana don." Natatawang sambit nya.

Yan! Ganyang ganyan sya dati pa. Napakababaw na tao at mablis matawa kahit sa maliliit na bagay. Napakadali nyang pasayahin.

"Naku Sir Aldwin, ako na dito. Di ba dapat ay may online class ka ngayon? Oo nga at weekend pero wala bang pasok ng saturday ang katulad mong college student?" Nagtatakang tanong ko.

Agad din naman syang nagparaya at iniabot na lang sakin ang tray.

"Ikaw talaga, wala akong pasok ng weekend. Tsaka face to face na kami. Every weekend na lang ako nag o-open ng store." Napakunot noo ako sa sinambit nya.

"Weh? Talaga?"

Ngumiti naman agad sya sakin.

"Pano mo ba naman malalaman kung antagal mo ng di bumibisita dito." May halong tampong sambit nya.

"Nagpaalam naman po ako kay tita Sam." Pagtutukoy ko sa mama nya.

"Eto naman ang daya mo. Sir Aldwin ang tawag mo sakin tas kay mama tita ang tawag mo. Sabi na kasing tawagin mo na lang akong Aldwin."

Natatawa akong napailing.

"Oo na po, kuya Aldwin. Oh sya, kanino to?" Pang aasar ko staka ko tinanong agad yung about sa tray na hawak ko.

Mahirap ng asarin ang may ari ng store na tinutungtungan ko ngayon, baka masampulan ako at hindi lang ako ang tumalsik palabas at baka pati ang mga minamahal kong libro.

"Tsk. Dun sa dulo. Dun sa lalake."

Umirap sya bago umalis sa tabi ko.

Psh.

EUPHORIAWhere stories live. Discover now