EUPHORIA 13

18 4 1
                                    

Zela Jin Rencio

"San ka na naman pupunta? Kakauwi lang naten hoy!" Steffi said nang maabutan nya kong nagsusuot ng rubber shoes.

"Wala, jan lang." Dahilan ko naman.

"San ka ba kasi nagpupupunta?" Sambit naman ni Tamy. Agad ko silang inirapan.

Masyado naman kasi kung makielam tong mga to'. Akala ata nila hindi ko alam na umaalis din sila pag gabi para mag saya sa bar. Hindi naman mga nang aaya, hmp!

"Jan nga lang, wag ka magulo."

Inismiran ko sila at hindi na pinansin tsaka ako naglakad palabas.

"Tignan mo yon, parang pupunta ng date." Rinig ko pang sambit ni Steffi na hindi ko na lang pinansin.

Agad akong napangiti sa likod ng itim kong face mask nang makita kong walang katao-tao sa hallway.

Ang malakas kong trip ay umiral na naman kaya agad akong rumampa na parang model habang dinaramdam ang porma ko ngayon.

Natutuwa ako sa porma ko ngayon na tingin ko naman ay bumagay sakin, na search ko lang sa internet.

Cropped white top, paired with my favorite light blue jeans and a V Neck soft knit cardigan sweater.

Agad kong inilakad ang paa ko na parang model at isinabay pa ang pagkembot ng hips ko at nang malapit na ko sa elevator ay agad akong umikot.

Well... Mukha akong timamang.

Wala namang nakakita, na dapat lang.

Napangiti ako nang hindi naman ako nag antay ng matagal sa pag bukas ng elevator kaya dali-dali rin naman akong pumasok.

Naghintay lang ako ng ilang segundo at bumukas na rin ang elevator tanda na nasa ground floor na ko.

Ang paglabas ko sa elevator ay sya ding paglabas ng ilang tao sa kabilang elevator, kasama na don ang dalawang taong hindi ko inaasahan na makakasabay ko.

Agad akong yumuko.

Si Jayfer at ang mama nya!

Hala! Ganito ang porma ko at gabi na, baka kung ano pang isipin nila sakin. Jusko.

Magmamadali na sana akong maglakad at lalagpasan na sana sila kung di lang ako tinawag ng mama ni Jayfer.

Geez!

"Zela? Zela ikaw ba yan?" Napalunok ako tsaka dahan-dahang napalingon sa kanila.

Ang talas naman ng mata ni tita, naka face mask at nakatalikod na ko't lahat eh nakilala pa rin ako.

Iba talaga pag boto sayo yung magulang, ayy chosss.

"Hi po tita. Andito po pala kayo?" Inayos ko ang pagkakatayo ko at ginawang pormal ang sarili.

"Ikaw nga. Oo binisita ko tong si Jay, mag di-dinner sana kami sa labas at pagtapos non ay ihahatid nya na ko pauwi."

Agad akong napalingon sa matangkad na lalaking katabi nya.

Napalunok ako sa seryosong mga matang binibigay nya.

Lah, inaano ko na naman to?

"Ah ganun po ba?" Nahihiyang sambit ko.

Geez, baka nag aantay na yung isa sakin.

"Ikaw ba? Saan naman ang tungo mo?" Habang sinasabi yon ni tita ay tumutuloy na kami sa paglalakad palabas ng building.

"Ah, kakain lang din po." Sambit ko sabay nahihiyang tumawa.

"Kakain ka lang pero grabe ang porma mo. You're so beautiful iha." Natunaw naman ang puso ko sa sinserong sinambit ni tita.

EUPHORIAWhere stories live. Discover now