EUPHORIA 8

24 4 0
                                    

Zela Jin Rencio

Zela:

So...

Anonymous:

So?

Napalunok ako.

Matapos ng nangyare kanina sa rooftop ay hindi na talaga ako nakatulog.

Hindi ako makatulog at hindi ko alam kung anong rason nito.

Dahil ba sa mga sinabi ng lalakeng yon na nagpababa ng tingin ko sa sarili ko bilang isang author o dahil sa malaki ang impact sakin nang malaman ko na wala syang naramdaman sa pagbabasa ng libro ko?

Walang impact sa kanya ganon.

Zela

... Mahilig ka bang mag imagine?


Walang ka dire-direksyong tanong ko.

Pagkatapos nang pangyayareng yon ay agad akong bumalik sa condo namin at nagkulong sa kwarto ko.

Ang pagtulog ko sana ay hindi na rin matuloy tuloy.

Kaya ang ending, nireplayan ko na lang si Anonymous sa last chat nya.

Hindi ko na maintindihan ang takbo ng usapan namin at wala na rin akong kaalam-alam kung pano napunta jan ang topic namin.

Anonymous:

Imagine? Like what?

Nagtataka nyang reply sakin.

Napaka weird kong tao kaya bilib talaga ako sa mga taong pinipilit akong intindihin ih.

Agad akong nagtipa ng mensahe sa kanya.

Zela:

Hmmm... Mga stories? Scene? Ganon.


Umikot ako ng pagkakahiga sa kabila kung san naging katapat ko na ang wall.

Inayos ko ang pagkaka ayos ng kumot sa binti ko bago muling ibinalik ang buong atensyon ko sa phone ko.

Anonymous:

... Sometimes.

Napakunot noo ako sa reply nya.

Antagal nyang mag reply tas ganyan lang pala kaikli ang sasabihin nya?

Pero dahil hindi pa ko inaantok ay pinilit kong maglabas ng topic para saming dalawa.

Zela:

So? Mahilig ka sa stories? Mahilig kang magbasa ng mga books?

Anonymous:

Hindi. 

Napabusangot ako sa napaka prangka at napaka ikli nyang reply.

Wala ba to sa mood makipag usap?

Parang hindi sya yung nanggugulo nung una ha?

Zela:

Okay.


Sagot ko na lang tsaka ko ibinaba ang phone ko pero agad ko rin itong kinuha nang bigla itong mag vibrate tanda na nag reply agad sya.

EUPHORIAWhere stories live. Discover now