EUPHORIA 12

22 4 0
                                    


Zela Jin Rencio


"Wag ka ngang epal!" Inis na sambit ko sabay hampas sa braso ng lalakeng katabi ko.

Badtrip kasi.

Nagkukwentuhan kami ni tita tas kanina pa sya nanggugulo.

"Hey, kainis naman. Dinner na kasi." Inis rin na sambit nya.

Dun ko lang napansin na inabot na pala kami ng gabi sa pagkukwentuhan ni tita.

Wow, tita.

Bat ba? Tsk!

Simula nung pumunta ako dito hanggang sa matapos kaming kumain at hanggang ngayon ay puro kwentuhan lang kami.

Kung pano si Jayfer nung bata sya. About din sa mga books dahil nalaman kong mahilig din palang magbasa ng libro si tita. Inasar ko pa nga sya kung hilig din ba nyang magbasa ng CC, tas ang lola nyo namula bigla. Pfft.

Tas eto naman si Jayfer kung di magpapapansin sa pamamagitan ng pagsinghal nya sa gilid ay bigla na lang syang makikisabat sa usapan. Pag di naman sya pinansin ay kusa nalang aalis na parang nawala sa mood. Tas babalik.

Para syang yung tipo ng tao na gustong magpasuyo kaso walang gustong sumuyo. Wawa naman. 

Pake ba namin sa kanya?

"Dito kana mag dinner Zela." Sambit ni tita.

Agad akong napangiti pero kasabay non ang pagsasalita ng katabi ko.

Epal talaga.

"Zela?"

"Yap! First name ko."

"Eh bakit Jin yung sinabi---"

"Yun ang gusto kong itawag mo sakin ih. Bat ba?"

Agad akong napangiwi ng kurutin ni tita yung tagiliran ko.

"Si tita piling close." Natatawang sambit ko. "Joke lang po." Dagdag ko pa.

"Anu ba yan. Ang cute nyo kasi ih." Kinikilig na sambit ni tita. "Ay teka, sigurado bang walang something sa inyo---"

"Naku tita, hindi papatol ang isang magandang kagaya ko sa napaka gwapo--- este napaka sungit nyong anak."

"Tss." Rinig kong singhal ng katabi ko.

"Sure na po kayong wala tong kapatid na lalake? Sure na yan tita?" Pagbibiro ko.

"Eh bat ka pa maghahanap ng iba. Yan na nga nasa tabi mo. Sunggaban mo na---"

"Ma!" Suway ni Jayfer sa mama nya.

Agad akong pinamulahan sa pisngi.

Ano ba to si tita, masyadong aggressive.

Paki ulit nga tita--- chos!

"Eto naman, ang kj." Naiinis na sambit ni Tita bago sya muling humarap sakin. "Halika, sabayan mo na rin kami sa dinner." Tsaka nya ipinalibot ang braso nya sa braso ko.

Agad akong napalingon kay Jayfer nang hatakin ako ni tita.

Seryoso lang syang nakatingin sakin kaya ginamit ko yon na pagkakataon para dumila sa kanya sabay taray ko.


***


EUPHORIAWhere stories live. Discover now