EUPHORIA 14

22 4 1
                                    

I want to dedicate this chapter sa napaka kulit at napaka active kong reader... Thank you Kazzummi.

________________

Zela Jin Rencio

"Stop..." Agad akong napahinto sa paglalakad nang marinig ko ang napaka seryosong boses nya.

Pinilit ko munang ngumiti bago muling lumingon sa kanya.

"Hm?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Seryoso lamang ang binibigay nya saking tingin kaya ni minsan hindi ko talaga mabasa basa yung nararamdaman nya.

"I'm not your friend, Jin." Seryosong sambit nya tsaka sya agad na pumasok sa sasakyan nya.

Naiwan naman akong nakatanga sa kinatatayuan ko.

Obviously, dapat nasaktan na ko sa sinabi nya dahil walang kasing kapal ang mukha nya para ipamukha sakin na assuming ako pagdating sa pagkakaibigan na inaakala ko.

P-Pero...

Anong ka demonyohan ang sumapi sa pagkatao ko at tila parang ikinatuwa pa ng puso ko?

Nababaliw na ba ko?

Ako lang yung na reject as a friend tas natuwa pa.

Agad akong napahawak sa dibdib ko.

Geez! May solusyon pa ba to?

"Zela..." Agad akong nabalik sa ulirat nang marinig ko ang boses ni sir Aldwin.

"Ow... Ah yah. Sorry." Dali dali naman akong kumilos at sumunod sa kanya.

I will fix this asap!

***

"So gano na kayo katagal magkakilala ni Aldwin iha?" Muli akong napangiwi sa tanong ni tita.

Kaninang kanina pa yan si tita. Tanang buhay na ata ni sir Aldwin ang nai topic sa desk na to ih.

Ako na yung nahihiya. Jusko.

Agad akong napatingin sa seryosong lalake na kaharap ko ngayon.

Piling ko talaga hindi gatas yung pinainom dito nung baby to ih. Piling ko ampalaya juice agad.

O kaya naman nung nagke-crave si tita hindi ata napagbigyan ng asawa nya kaya yan ang kinalabasan. Anak na puno ng hinanakit at sama ng loob.

Wait up. Speaking of asawa ni tita.

Never ko pang naririnig ang name nya o kahit makita manlang ang mukha nya. Hindi rin sya nababangit sakin nila tita at Jayfer.

Wait, ano bang karapatan ko? Hindi maman siguro nila responsibilidad na ipaalam pa sakin no?

Hindi nga pala ako kaibigan ni Jayfer. Hmp.

"Si tita nag aala boy abunda na naman." Natatawang sambit ko. "Matagal tagal na rin po." Nakangiting sambit ko.

"Abay syempre, dapat hindi lang ikaw yung kilalanin ko... Maganda na pati yung magiging karibal ng anak ko kilala ko---"

"Ma." Puno ng kaseryosohang saway ni Jayfer.

Namutawi naman ang tawa ng lalakeng katabi ko.

"Masaya rin po akong makilala ang magiging kaagaw ko kay Zela." Tumatawang sambit ni sir Aldwin dahilan para magulat ako.

Wala sa sariling naihampas ko ang kamao ko sa balikat nya.

Alam ko naman na nagbibiro lang sya, sa tagal na naming magkakilala.

EUPHORIAWhere stories live. Discover now