EUPHORIA 7

22 4 0
                                    

Zela Jin Rencio

"So... Ahmmm." Pagputol ko sa katahimikang namumuo samin.

"So... Why?" Napalunok ako bago napatingin sa kanya dahil sa sinambit nya.

Ngunit agad din akong napaiwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin.

Jusko, bat ba ko kinakabahan?

"H-Ha?" Naiilang na sambit ko.

Nahinto lang ang usapan namin nang biglang huminto ang elevator at unti-unting bumukas ito. Nang tignan ko ang floor ay nasa 30th floor kami.

Dito ba naka floor ang unit nya?

"Sa taas?" Seryosong tanong nya na ikinakunot ng noo ko.

Napakurap-kurap ako.

Napansin ko ang pagngiti nya dahil sa pag singkit ng mata nya bago nya pinindot ang P.

Aakyat kami sa rooftop?

Hindi ko na lang sya pinansin at agad na umayos ng tayo na sakto namang bumukas ang elevator.

Hindi ko na sya inantay at agad na lumabas na ako.

***

Ang paghampas ng hangin, nakakabinging katahimikan at mga bituin sa madilim na kalangitan ang bumabalot sa tuktok nitong building.

Nakaka-relax pagmasdan ang mga ilaw na nagmumula sa ibat-ibang bahay.

Naramdaman ko ang pagtabi sakin ng lalakeng nag aya na pumunta dito. Hindi ko alam ang iniisip nya at hindi ko rin alam kung gugustuhin kong alamin.

"Hindi ka ba nilalamig?" Rinig kong sambit nya sa seryosong boses.

Saglit akong napatingin sa kanya ngunit agad ko ring ibinalik ang tingin ko sa ibaba.

"Kaya nga ako nag hoodie eh." Natatawang sambit ko. "Ikaw dapat ang tinatanong ko nyan." Balik na sambit ko sa kanya.

Narinig ko ang mahinang pag buntong hininga nya.

"Lalake ako---" Pinutol ko agad ang sasabihin nya.

"Pag lalake wala nang karapatang lamigin?"  Pagputol ko agad sa sasabihin nya.

Tsaka ako lumingon sa kanya. Pansin ko ang pagtawa nya ng bahagya.

"You're right." Nakangiting sambit nya.

Tumango ako bago lumingon naman sa taas.

Mangyare kaya na mapasakin kahit isa sa mga bituin na yan? Ang ganda nila tignan ih.

"Ako pa ba?" Nasambit ko na lang.

"So... Para san ang pag 'thank you' mo kanina?" Sa tanong nya na yon ay wala sa sariling napatingin muli ako sa kanya.

"Eh para san ang pag 'nice to see you' mo kanina?" Direktang tanong ko rin sa kanya.

"Wala lang, trip ko lang." Sambit nya.

Napataas kilay ako bago tumango.

"Ay same, trip ko lang den." Sambit ko bago muling humarap sa baba.

Namuo muli ang katahimikan saming dalawa. Wala ni isang nagsalita.

"Kamusta?" Natanong ko habang nakatingin sa ibaba.

"Hmmm?" 

"Yung binabasa mo kanina. Kamusta? Maganda ba? Anong comment mo dun?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya ngunit nanatili ang mga tingin ko sa ibaba.

EUPHORIAWhere stories live. Discover now