Zela Jin Rencio"Water?" Napatingin ako sa katabi ko ngayon.
Nasa upuan kami sa labas.
Bawal pumasok. Masyadong mahigpit ang mga hospital ngayon dahil na rin sa pandemic.
"Salamat..." Sabay abot ko sa water bottle na hawak nya.
"Kamusta na daw?" Tanong nya sakin.
"Lalabas na rin mamaya yung kapatid ko." Maikling sambit ko tsaka ako muling napatingin sa kanya. "Ikaw, pwede ka ng makauwi. Laking abala na neto sayo. Salamat."
"No. I'm fine. Ako naman ang nag alok ng tulong."
Nginitian ko lang sya bilang tugon.
Kahit ang laki ng naiambag nya sa buhay ko ngayong araw ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mainis.
Hindi nya naman ako responsibilidad pero ginagawa nya to.
Ayokong mag karoon ng utang na loob lalo na sa kanya na pinaka kinaiinisan ko sa lahat.
Sa nangyayareng to, parang wala na kong karapatang magalit sa kanya.
"Wala ka bang work? Or klase?"
Umiling naman sya bilang tugon.
"Mamaya pa yung work ko. Ikaw? Nasan yung mga kapatid mo? Ikaw lang ba? Yung... Yung magulang mo?"
Sunod sunod na tanong nya na naging dahilan para mapalunok ako.
"W-Wala." Maikling sambit ko.
Hindi ako sanay na nag oopen ng topic or kwento ng buhay ko sa ibang tao. Or kahit kanino man.
"Ow. Okay." Hindi ako sigurado pero piling ko naman naiintindihan nya na na wala ako sa wisyong magkwento.
"Ate..." Agad akong napatingin sa kakalabas lang ng pinto.
Yung kapatid ko.
"Kamusta?"
"Okay naman. Yun nga lang malaki yung bayarin." Bakas ang stress sa itsura ng kapatid ko.
"Nasan yung boyfriend mo?"
"Papunta na rin." Sagot nya bago napatingin sa lalakeng katabi ko. "A-Ahm... Nagkita na ba tayo? Para kasing nakita na kita."
Napakunot noo ako.
Ano bang sinasabi netong kapatid ko?
Nakakahiya.
Mata lang nakikita nya sa lalakeng katabi ko tas piling nya nakita nya na?
Geez, ako yung nahihiya ih.
Pansin ko ang pananahimik ng katabi ko na lagi nya namang ginagawa kaya ako na ang sumagot para sa kanya.
"Ano ka ba, nakakahiya." Sambit ko.
Napahinto ang pag uusap namin ng may magsalita sa likod namin.
"Nak." Boses ni mama.
Napangiti ako ng mapait nang dumire-diretso sya kay bunso at parang hindi ako nakita.
May hindi nga pala kami pagkakaintindihan.
Nakangiti naman syang sinalubong ng kapatid ko pero agad din yong nawala ng makita nya kung sinong kasama ni mama.
Yung boyfriend nya.
Malaki nga pala ang galit ng mga kapatid ko sa boyfriend ni mama.
"Mauna na ko sa baba. Antayin kita sa sasakyan ko." Agad akong napalunok ng marinig ko ang pagbulong ng katabi ko sakin.
YOU ARE READING
EUPHORIA
Romance"You know what girl? Sa panahon natin ngayon, dating app is normal. Dapat tanggapin natin at maki-ayon na lang tayo sa ganap ng mundo. Eto ang tinatawag nilang 'New Normal'. Walang masama kung makikisabay tayo. Baka kasi ang ending, dahil hindi ka m...