Epilogue

6.5K 207 10
                                        

After five months. Masayang niyakap ni Anya si Ryan. Ikalawang araw na ng kanilang honeymoon sa Singapore.



“Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito tayo for our honeymoon.” Inaantok pa si Ryan, pero nakangiti ito. Magsasalita sana si Anya pero bigla itong may narinig na tumutunog. “Nagpa-international roaming ka?” di-makapaniwalang tanong nito sa asawa nang ma-realize na cellphone pala ang nagri-ring.

“Baka kasi may importanteng tawag mula sa opisina,” anito, saka nito sinagot ang tawag.



Napasimangot si Anya. Ngayon niya lang naisip na talagang mahirap makapag-asawa ng isang agent. Kahit sa honeymoon ay on-call pa yata ito! Matapos ang may limang minuto ring pakikipag- usap sa phone ay binalingan ni Ryan ang nakangusong asawa at saka niyakap.



“May bago akong assignment,” anito.



“Huwag mong sasabihing ika-cut natin ang honeymoon?” sarcastic na asik ni Anya. “Hihiwalayan kita, Ryan!”



Sayang yata ang isang linggong booking nila sa Holiday Inn, Singapore—courtesy of Lola Maggie.



Natawa ito and gave her lips an audible smack.



“Hindi. Next month pa naman magsisimula.”



“What is it this time?” kinakabahang tanong ng babae sa asawa. Baka naman sa Timbuktu pa ipadala si Ryan, ikamamatay na niya.



“Sa opisina. Paperworks na lang daw muna ako,” nakangising sabi ng kanyang asawa. “Para daw makapag-review na ako sa bar.”



Tuluyan nang napangiti si Anya.



“Hay, salamat. May oras na tayo para makagawa ng baby!”



Napahalakhak nang malakas si Ryan.



“Tara, simulan na natin,” bulong nito bago siya hinagkan.



Wakas

AGENT OF MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon