CHAPTER 15

3.8K 51 0
                                    

Chapter- 15
Magulong-magulo ang isipan ni Cassy, ayaw muna niyang umuwi sa mansion wala naman doon ang kaniyang mga anak. Nag lakad-lakad nalang siya hanggang marating ang gilid ng highway nakisabay siya sa mga taong naglalakad. Hanggang dumalang na ang tao napasilip siya sa kanyang relo at past ten pm na pala.
Sumakay ng taxi at nag pasya nang umuwi, sa gate ay agad naman siyang pinapasok ng makilala siya ng mga guard.
Pagal ang katawan na umakyat nalang ng kwarto kahit tinatanong siya ng mga maid kung nag dinner na ba. Urniling nalang siya wala naman siyang ganang kumain.
Sa kwarto ay ibinagsak ang katawan sa malapad na kama, nag uunahang namalisbis ang luha. Naalala niya noong bata pa siya, mas gugustuhin nalang niyang burnalik sa dating buhay kahit namamalimos lang siya kumpara ngayon na mayaman nga siya nag iisa naman at anak lang ang naka pag papasaya sa kanya pero inalisan pa siya ng ama nito ng karapatan.
Subrang sakit, pangungulila sa anak at sa nangyayari sa buhay niya. Hindi na siya masaya sa buhay na ganito, Pumasok sa banyo at naligo nag babad siya ng halos isang oras baka sakaling gagaan ang pakiramamdam.
Pero ng nasa kama na siya ay mas lalong bumigat ilang beses na sinubukang matulog pero masakit na ang ulo niya ay hindi man lang siya makaradam ng antok.
Hinila ang drawer ng mamataan ang sleeping pills na iniinom niya pag sinusumpong siya ng insomia. Uminom siya ng dalawa para agad na antokin, pumikit at hinintay na agawin siya ng antok.
Sa new mansion ay hindi dalawin ng antok si Delta, kaninang hinatid ni Dark si DL na hindi kasama si Cassy ay nakaramdam nanaman siya ng galit sa babae.
Tumagilid at sinikap na iwaglit ang babae sa isipan saka pinilit na makatulog dahil almost one am na. Biling baliktad siya sa higaan kahit anong gawin niya ay gising na gising siya. Burnangon at nag suot ng t-shirt saka sumilip sa kwarto ng mga anak, hinahaplos niya ang buhok ng dalawa. Saka tumungo at ginawaran ng halik sa ulo.
Lumabas siya ng veranda para magpahangin hanggang dalhin siya ng mga paa sa labas ng mansion. Palakad lakad siya sa gilid ng pool, bigla ang pag sulpot ng mukha ni Cassy naipilig niya ang ulo at pagdilat ay wala naman. Nagha hallucinate na yata siya at nayayamot na naglakad papasok.
Umakyat sa taas at plano na nang mahiga ng matitigan ang car key na nasa ibabaw ng side table. Dinampot iyon at ipapasok sana sa drawer nang maisipang bumaba uli at sumakay ng kotse.
Maalinsangan ang pakiramdam niya sa hindi malamang dahilan.
Natagpuan nalang niya ang sariling nasa lumang
mansion.
Agad namang pinagbuksan siya mg mga guard ng makilala ang kotse niya. Sumaludo pa ang mga ito, mabagal siyang pumasok sa at tumigil sa intrance. Naka upo lang siya ng mapatingala sa kwartong occupied ni Cassy.
Wala sa sariling lumabas ng kotse at nag scan ng kamay sa main door, agad na bumukas iyon matapos tanguan ang mga guard na nag ra round sa paligid ay pumasok na siya. Umakyat sa ikalawang palapag at naisipang silipin si Cassy. Maingat na binuksan ang pinto at tumambad sa kanya ang liwanag ng dalawang lampshade sa magkabilang side ng bed.
Nilapitan ito ay inayos ang pagkakakumot, nanatiling nakatayo lang siya. Habang naka titig sa babae ay naalala niya kung bakit galit na galit ito sa anak ni Galvez. Muntik na nga na ito ang babaril sana mabuti at naunahan ng mga tauhan nila.
Lumabas ng kwarto at naisipang tawagan ang isang bodyguard na naka assign sa dalaga.
"Bran naroon ka sa malapit sa ma'am Cassy mo bago nagkabarilan. Anong dahilan bakit gustong patayin ni Cassy ang anak ni Galvez?"
"Sir pasinsya na hindi ko na nabanggit pa sa'yo ang akala ko alam muna."
"May alam ako pero malabo kaya gusto kong malaman ng malinaw."
Natatawa si Bran kung nagbibiro ba ang boss niya pero minabuti niyang sabihin nalang ang mga nalalaman. "Sir ang anak ni Galvez ang dahilan kung bakit nagkahiwalay ang mag ina, kinausap at tinakot si ma'am na papatayin ang anak ninyo kung hindi ka niya iiwan. Binigyan lang siya ng tatlong araw para iwan niya'kayo otherwise mamatay si Dx. Saka sinabi pa na ikakasal na kayong dalawa ng anak ni senator kaya dapat maglaho na si ma'am.
Napasandal si Delta sa wall ngayon na alam na niya ang lahat ay gusto niyang sakalin ang sarili.
Napakasama nga niya pati anak nilang si ay tinuruan niyang kamuhian ang ina.
Maingat na nilingon ang tulog na babae at saka tuluyang umalis.
Kailangang maibalik niya ang pagmamahal ni sa ina nito, Makabawi man lang siya kahit kaunti sa mga kasalanan niya sa babaeng 'yon.
Kakausapin niya si Cassy at siya ang gagawa ng paraan para magkalapit uli si at ito. "Si Dx nga lang ba o baka naman hinahangad din niyang makasama ito, ni hindi na nga niya magawang makipag date sa ibang babae. Kaya siguro mainitin na ang kanyang ulo dahil hindi na nagagawa ang mga gusto.
Kinabukasan maagang nagising si Cassy agad na naligo at nag bihis aasikasuhin niya ang ibang ari arian ng kanyang Iola bago siya bumalik ng paris. Hindi na siya nag abalang kumain agad na nagpaalam, manang aalis po muna ako. "Sige iha pero kumain ka muna"
"hindi na ho manang."
"Sige mag iingat ka."
Agad na sumakay ng taxi at nagpahatid sa domestic airport patungong baguio, gusto niyang makita ang malawak na lupain doon kung ano ang dapat niyang gawin. Hindi naman napapakinabangan kaya baka ibenta nalang niya ang malawak na lupaing iyon.
Kausap ang lawyer na namamahala ng mga lupain, "Yes attorney magkita nalang ho tayo doon."
Dahil hindi pick season agad na nakakuha ng flight si Cassy at habang naghihintay ng oras ay pumasok siya sa star bucks. Nag online sandali at nag check ng mga emails, may mga proposal na ipinadala ang kanyang secretary. Nang dumating ang order niya ay isinara ang kanyang tab, nagmamadaling kumain at ininom ang coffee.
"Hi! ms. ganda, pwede po bang maupo diyan sa tabi mo?"
"Yeah sure, how old are you kiddo?"
"Six years old PO, ang ganda mo po may asawa kana ba?"
Ha Ha "bakit crush mo ako?" "Not me po but my daddy is single PO."
"And where is your mom?"
Biglang nalungkot ang batang lalaki at nangilid ang luha nito.
"She's gone po namatay siya sa car accident when i was three, mula noon palaging malungkot si daddy at ako."
Nayakap ni Cassy ang bata ng nag uunahang pumatak ang luha nito.
"Shhh it's okay baby shhh don't cry."
"Justin son."nagtaas ng tingin si Cassy at isang matangkad na lalaki ang nasa gilid niya, sigurado siya ito ang ama ng bata dahil kamukha nito.
Dahan dahang inilayo ni Cassy ang bata at pinahiran ng luha. 'I l think your dad is here."
"Ah ms. pasinsya na and thanks."
Ang ganda ng boses ng lalaki, bagay sa itsura nito, gwapo at matipuno ang pangangatawan.
Nginitian lang niya ito at bumaling uli sa bata saka hinaplos ang buhok nito,.
"Ms. ganda pwede ba kitang maging mommy?ang ganda mo at ang bait mo pa."
Hindi nakaligtas kay Cassy ang panglalaki ng mata ng ama nito, l 'Anak anong sinasabi mo nakakahiya."
"Okay lang yon mister ganon siguro talaga ang mga bata pag nangungulila sa ina."
"Sorry ha, napapakamot sa batok na nahihiyang paumanhin nito sa kanya, "Jake Montenegro" sabay lahad ng kamay nito.
"Cassandra George" at tinanggap ang palad ng lalaki.
"Nag announce na ng boarding Sila."
"Let's go son,ms. sabay kana sa amin, saan ka pala sa baguio? 'l
"Wala akong kakilala doon pupuntahan ko lang ang lupaing iniwan sa akin ni Iola.Sa hotel ako tutuloy dahil siguradong hindi agad ako makakabalik ng manila." "If you trust me doon kana sa bahay tumuloy kami
lang naman ng anak ko doon at ang mga kasambahay.'l
Nginitian nalang niya ito.
"Manang si Cassy gising naba?"
"Sir maaga pong umalis hindi na nga ho ng breakfast may importante daw siyang aasikasuhin at kailangan matapos before she go back to paris."
"Nabanggit ho ba kong saan siya pupunta?"
"Sa probinsya yata sir at hindi sigurado kong kailan daw siya makakabalik."
Nakaramdam ng disappointed si Delta, saan naman kayang probinsya iyon.
KALALAPAG lang ng sinasakyan ni Cassy, isang maliit na handcarry lang ang dala niya at ang kanyang bag na nasa katawan.
Pababa na sila ng plane may humawak sa palad ni Cassy, nilingon niya iyon at ang batang lalaki.
"Ms. ganda come with us po"hindi agad nakasagot at nag iisip kung pagbibigyan niya ang inbitasyon ng bata.
"Join us for lunch then ihahatid nalang kita kong saan kang hotel mag i-stay."
"Sige na po ms ganda please."
Naalala ni Cassy ang mga anak, parang nakikita niya si DL sa katauhan ng batang lalaki.
"S-sige,"saka nginitian si Justin.
"Yehey."biglang yumakap sa kanya at kitang kita ang kasiyahan sa mukha nito.
"Pasinsya kana sa anak ko, mula ng mamatay ang mommy niya ngayon lang uli siya naging masaya ng
ganyan.l'
Tango lang isinagot niya sa lalaki.
Isang AUDI ang naghihintay sa mag ama, dalawang lalaki ang lumapit sa kanila at kinuha ang luggage nila.
Inalalayan pa siyang makasakay ni Jake nang may mag kislapang na camera, sininyasan ni Jake ang mga lalaki. Napansin ni Cassy na nawala agad ang mga taong gustong makalapit sa kanila. Hindi basta basta ang mag amang ito dahil bakit may media agad. Yumuko ng bahagya si Jake then inayos nito ang seatbelt ng anak sa kabilang side saka sumakay na sa bandang unahan katabi ng driver.
Habang nasa daan sila ay panay ang kwento ng bata sa kanya bibong-bibo kaya nahahawa siya sa mga tawa nito.
Pansamantalang nawala sa isipan ni Cassy ang pangungulila sa mga anak.
Pumasok sila sa napaka laking gate, sumaludo ang mga guard bago bumukas iyon. Napakalaki ng bahay hindi ordinary ang mag ama sa klase ng karangyaan,  mayaman din ang mga ito.
llang maids ang naghihintay sa kanila, agad na nagbigay galang ang lahat ng bumaba na sila. Ang karamihan ay nakatingin sa kanya.
Inalalayan pa siya ni Jake ng bumaba ng kotse, nginitian nalang niya ang mga taong naroroon.
Si Justin ay hila-hila siya papasok ng kabahayan.
"Nanay Rosa mano PO, si Cassandra po kaibigan ko" saka bumaling sa kanya ' Isiya ang dati kong yaya." "Welcome iha and enjoy stayin here."
"Salamat ho."
"Do you want rest may isang oras pa bago mag lunch."nahihiya man ay napatango nalang si Cassy.
"Son ihahatid ko muna si ms. Cassandra sa guest room para magpahinga mamaya muna siya uli kulitin." "Yes po dad, ms.ganda rest well"saka kumaway sa kanya.
May kataasan din ang malaking hagdanan, naka alalay pa din sa likuran niya si Jake.
Napansin niya ang naglalakihang painting.
"Mga 1010 at Iola ko sila iyon namang nasa kabilang side my parents and may all sibling then mga pamangkin ko pero wala silang lahat dito sa pilipinas. After my parents died hindi nila gustong mag stay clito pero ako mas gusto ko ang buhay sa dito."
"Ang bata pa ng parents mo para.."
"Plane crash iyon ang ikonamatay nila, patungo silang france para puntahan ang isa sa mga company namin doon ng mag crash sila."
I'm sorry."
"Okay na yon matagal na ding panahon, here dito ka muna and feel at home saka gusto kong ihingi ng paumanhin ang attitude ng anak 1<0."
"Don't mind okay lang bata yon baka namimiss ni Justin ang mommy niya."
Yeah, may pagkahawig kasi kayo ng mommy niya, nong makita kita sa star bucks na nakayakap sa anak ko akala ko namamalikmata ako na buhay ang asawa ko." Napatitig nalang si Cassy kay Jake kitang kita ang lungkot at pangungulila sa mga mata nito.
"By the way maiwan na muna kita clito buksan mo ang pintong yon nasa 100b ang luggage mo."
"Thanks."
Nang sumara ang pinto iginala niya ang paningin sa malaking kwarto, napaka ganda at kagaya din sa mansion Montemayor ang mga garnit ay hindi basta-basta.
Nakaramdam ng antok dahil ilang oras lang ang tulog niya.
Humilig sa malapad na kama at tuluyang nakatulog.

DONT FORGET TO
COMMENT AND VOTE!
THANKS!



DELTA MONTEMAYOR QUADRUPLETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon