PROLOGUE

8.3K 30 1
                                    

~

"Alonzo! Stop running. Baka madapa ka. We'll get there soon," sigaw ko sa anak ko na nagtatatakbo papunta sa ice cream store.

Nasa mall kasi kami ngayon at gumagala ng anak ko. Every weekend na naming ginagawa 'to since sobrang busy ako sa work sa kakakayod para mabigay ko sa anak ko ang ang deserve niya. Hindi naman sa nagkukulang ako sa kanya dahil araw-araw naman akong umuuwi at naantabayanan ko pa rin naman ang paglaki niya pero napa-paranoid lang ako na baka hindi siya makuntento sa atensyon na binibigay ko at baka isang araw ay magtanong na lang siya kung bakit at saan ako nagkulang. Ayokong dumating ang araw na sumbatan niya ako sa mga bagay na hindi ko naibigay sa kanya. That is why I must make him feel contented and give everything he deserves.

"Alonzo, I said stop running!" pagsigaw ko muli sa kanya.

"Pabayaan mo na 'yung bata. Every weekend na nga lang makakatikim ng ice cream, pipigilan mo pa. Excited lang," pagsuway naman sa'kin ng kasama namin nang nangingiti-ngiti pa.

Inirapan ko lang siya kahit na medyo may point naman ang sinabi niya. Bakit ba, I just don't want my son to get hurt. Mamaya madapa pa siya kakatakbo eh.

Nginitian niya lang ako at inakbayan sabay akay sa akin at sumunod sa anak kong kanina pa naglalaway sa ice cream. Hindi ko inalis ang pagkaakbay niya sa akin kahit na medyo naasar ako sa kanya sa pangingialam niya sa pagiging nanay ko kay Alonzo. Well, may karapatan naman kasi talaga siyang mangialam. At alam kong sobrang mahal niya lang rin si Alonzo gaya ng pagmamahal ko rito.

"Miss, can I have ube ice cream with all the kinds of toppings you have and a chocolate syrup on top of it?" nangingiting tanong naman ng anak ko sa tindera ng ice cream store.

Ngumiti ito sa kay Alonzo sabay lipat ng tingin sa amin ng kasama ko. Napadalawang tingin siya sa katabi ko at para siyang nahiya na ewan at nagblush na lang. At halata mo sa kanya na nagpapa-cute siya sa katabi kong walang kaalam-alam na kinakikikiligan na siya ng dalagitang tindera na ito.

"Kayo po, Sir?" tanong ng tindera habang papalit-palit ng tingin sa aming dalawa pero halata namang mas gusto niyang titigan itong kasama ko.

"Ikaw gusto mo?" tanong niya sa'kin.

Umiling ako.

"Uhmmm.. ako Miss, double dutch. Plain lang. Belgian cone pareho," sabi nito sa tindera.

"Right away, Sir," sagot niya sabay ngiti at nagsimula nang mag-scoop ng mga orders ng kasama ko.

Hindi naman ako selosa pero ewan ko ba at naiirita ako sa babaeng ito dahil 'di mawala ang mga ngiti sa labi niya. Alam ko naman na lahat ng babae e dumadaan sa stage na kinikilig sa tuwing nakakakita ng mga gwapong lalaki, pero ang isang 'to, sinalo yata lahat ng kaharutan sa katawan at sobrang trying hard magpapansin sa kasama ko.

Una niyang ibinigay ang ube ice cream ng anak ko at agad naman siyang naglagay ng tissue dito. Medyo lumambot naman ang loob ko sa kanya ng gawin niya iyon pero maya-maya pa'y napataas ang kilay ko ng iabot niya ang order ng kasama ko at talagang hinuli niya pa ang pagbibigay ng tissue para lang mahawakan niya ang kamay nito. Ay teh, pumaparaan?

Hindi ko na lang siya pinansin at deadma na lang dahil ayokong sirain ang bonding namin ngayon ng anak ko at ang enjoyment ng dalawa kong kasama sa pagdila at paghigop ng mga ice creams nila. Nag-abot na lang ako ng eksaktong bayad at saka tumalikod sa kanya.

"Let's go, na baby. Happy? Don't get dirty, ha. You don't have extra shirt. Tsaka 'diba you said you're a big boy now kaya dapat you need to eat as big boy does, okay?" sabi ko kay Alonzo na busy sa pagkain ng ice cream niya.

EXTRA JOBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon