"Stell is tired and bored so he decided to annoy Paulo (because he missed him) to ease his boredom."
* * *
Umuwi ako sa condo kong pagod na pagod at sobrang antok dahil sa amount ng workload namin ngayong araw. May upcoming TV guesting kasi kami this Friday kaya panay ang polishing na ginagawa namin sa para sa performance na inihanda namin sa madla. Of course, TV guesting iyon, kailangang bongga ang ihahain namin.
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago ko isinalampak ang sarili sa couch. Papikit na sana ako nang bigla ko na lang naimulat ulit ang aking mga mata kasi naman itong mukha ni Paulo, parang ewan. Pati ba naman sa pagpikit ko, mga ngiti niya ang nakikita ko? Nakakainis na, sobra.
"Okay, kalma ka lang muna, self." Napasabunot na lamang ako sa sarili. Si Pau na naman? Lagi na lang ba? Wala na bang bago? Hay naku, what do I do with you ba kasi, Paulo?
Muli akong pumikit pero as usual, mukha na naman niya ang nakikita ko. Hindi ba kapag pipikit ka, wala kang nakikita maliban sa dilim? May sira na yata ang mga mata ko. Need ko na ba ng eye care? Eh kasi instead of dilim, mukha na ni Pau ang nandito.
Kulang na lang sumipa ako sa tindi ng frustrations kasi bakit ba ito nangyayari sa akin? Ano ba kasing mayroon sa lalaking iyon? Pati ba naman dito, sinusundan ako? Aba naman, hindi ako papayag do'n! Sumusobra na talaga itong si Jampawlo. Hindi talaga pinapatahimik ang kaluluwa ko!
Char lang—gusto ko rin naman.
Napatanga ako ng ilang segundo matapos ay napangisi nang may bigla akong naisip na kapilyuhan. Pero before that, kailangan ko munang gawin ang aking ritwal bago sumampa sa kama. Makalimutan ko na ang lahat, huwag lang ang skincare routine ko at si Pau—matic naman na siguro iyon. Magsisinungaling pa ba ako eh pati nga sa panaginip ko, ilusyon ko na rin siya.
Hindi naman ako gano'n katagal sa banyo. Excited pa nga akong nag-dive sa kama pero bago ang lahat, need ko ng stretching. Pagod man, at least fresh at mabango pa rin. Sa totoo lang, masakit din ang katawan ko sa tindi ng practice namin but I got this. Ako pa ba? Mas matigas pa kaya ako sa bakal. Para sa'n pa't Stell ang pangalan ko, 'di ba?
Sakit ng katawan who? Aba, pinatatag na ito ng panahon.
Kasalukuyan na akong nag-s-settle sa kama pero ang utak ko, ayon at naglalakbay pa. Tamang titigan lang with my ceiling. As usual, kausap ko na naman ang sarili ko. Tamang kurap-kurap with feelings bago ko napagdesisyonan na kunin ang phone ko na nasa bedside table.
Binuksan ko saglit ang aking social media account. Isa ito sa mga routine ko before bed time; scrolling through my feeds, nakiki-chismis sa mga tea o kaya naman ay nakikitawa sa mga memes na nakikita ko online. Kalaunan ay na-bored din naman ako. Buti na lang at may naalala ako.
Oo na, si Pau na naman, bakit ba? Oo na, wala na akong ibang naiisip maliban sa kaniya. Eh kasi naman, he looks so good kanina with his orange tee tapos may paghawi pa ng bangs niya at sa mismong harapan ko pa talaga. Do you think I'm okay? No! I am screaming in the back of my head. Muntikan na ngang magkaroon ng sound but I still held my sanity pa naman that time.
Ang gwapo talaga. Sa gwapo niya, hindi pa nakuntento at naging maganda pa.
Ewan ko rin sa sarili ko kung bakit ako nag-c-crush sa utak na mayroon siya. Idagdag pa na sobrang pro niya i-handle ang bawat members niya even though alam naming lahat na nahihirapan siya but kinakaya niya pa rin.
Iyon nga lang, sometimes, naiisip ko rin kung paano niya kaya ako i-h-handle, not as his member but—ugh, tama na! Parang sumusobra na yata? Pero kasi bukod sa kagandahan at kagwapohan niya, wala na akong masasabi. Yes, I'm simping... sino ba'ng hindi? He almost got everything.
BINABASA MO ANG
My PauStell Munchkins | StellJun
Fanfiction[SB19 Pablo & SB19 Stell] A StellJun dump au's dahil bored ako.