May-ari Ng Mundo

63 10 0
                                    

"Pauuuuu!" tawag ni Stell sa sobrang busy na si Pablo. Kasalukuyan itong nagsusulat sa kaniyang notes.

"Yes?" tugon nito na abala pa rin sa ginagawa.

"May tanong ako." Lumapit pa si Stell ng kaunti rito. "Pau, payag ka ba na ikaw na lang ang may-ari ng mundo?"

Napatingin tuloy ito sa kaniya habang salubong ang mga kilay. "Eh? That's so random."

"Oo nga. Pero payag ka ba? Tapos ang mundo..." Saglit itong tumigil habang nakangisi.

"Tapos? Tapos ang mundo hindi payag?" dagdag nito sa tinuran ni Stell.

Umiling naman ang huli. "Hindi. Ako. Ako ang mundo. Payag ka?"

No'ng una ay hindi pa makuha ni Pablo ang ibig nitong sabihin. Saka lang ito natawa nang bumunghalit na rin ng tawa si Stell. Pinitik niya tuloy ang ulo nito.

"Sira ka! Kung ano-ano na lang ang sinasabi mo," irap pa nga nito.

"Sus, nagtatanong lang naman eh. Bakit? Ayaw mo? Kasi ako gusto ko," kindat pa nito.

"Oo, gusto ko. Gustong-gusto kitang tirisin. Nanggigigil ako sa'yo." Kunwari ay sinasakal pa nga niya ito kaya sa huli, niyakap tuloy siya ng nakababata.

"Bango mo, lods," bulong niya rito.

"Pareho lang naman tayo ng amoy," reklamo naman ni Pablo.

"Iyon naman pala eh. What if... pareho na rin tayo ng feelings?" ngisi pa ng nakababata.

Napairap namang muli si Pablo bago ito itinulak ng marahan. "Ewan ko sa'yo!"

"Yieeee, namumula. Tinamaan. Tinamaan ka na. Dali na, sasaluhin kita with a muah-muah." Kumapit pa ito sa braso ng nakayukong lalaki.

Isang 'tsk' lang ang narinig niya mula rito ngunit sapat na ang pamumula ng tainga nito upang mas pag-igihan pa ang panunuyo niya rito ng patago.

"Someday..." bulong pa niya bago isinandal sa balikat ni Paulo ang kaniyang ulo.

My PauStell Munchkins | StellJunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon