Notes: This just a flash fiction about the previous entry The Joke(r). It's just Pau's POV while looking at Stell in the distance.
___________
"Jah, pahingi pa nga ng isang sticker. Ilalagay ko lang dito."
"Ken, huwag kang malikot. Malalaglag ang mga gamit ko. Kung gusto mong maging kiti-kiti, doon ka sa malayo sa'kin."
"Josh, pasuyo naman ng gunting. Salamat."
Ang pogi. Sayang, nag-iisa ka lang. Kung may dalawa sanang Stell...
What if? Kung dalawa ang Stell dito sa mundo, is it possible for that other Stell to see me? To look at me more than a friend? More than a punching bag of his painful I love you jokes?
"Pau, pahiram ako ng pen mo. Tapos ka na yata eh."
"H-Ha? Ah, eh. Sige. Ito." Agad ko namang inabot ang akin.
We're making a journal entry following the release of Nyebe and we volunteered to do just a small journal entries pero ang utak ko, lumalabas while looking at Stell.
Si Stell...
Si Stell...
Si Stell...
Gago! Lagi na lang siya at siya at siya. Wala na bang bago? Dapat gising na ako eh. Kahit kailan, hindi niya ako titingnan ng higit pa sa pagiging kaibigan. Kahit kailan, hindi niya mararamdaman na nasasaktan na ako sa mga pinaggagawa niya. Kahit kailan, hindi niya malalaman dahil wala naman akong planong sabihin.
I sighed after kong lumayo. Doon ako sumiksik sa may pinakadulo habang sinusubukang ituno ang gitara ko. Sa hindi malamang kadahilanan ay parang may sariling utak ang mga kamay ko. I started playing Hanggang Sa Huli.
Awit. Sa dinami-dami ba naman. Pero wala eh, itinuloy ko na lang. Wala rin namang masama. Kanta naman namin ito. Isinulat ko 'to. Pinagpuyatan. Pinagpaguran at iniyakan. Walang maghihinala... siguro?
"... 'di man ako para sa'yo, puso'y 'di magbabago. Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa. Pag-ibig ko'y sa'yo... sa'yo hanggang sa huli."
Hindi ko na namalayang nasa harapan ko na pala si Josh at laking pasasalamat ko na agad niyang pinunasan ang mga luha ko. Tinakpan niya ako just to hide me and my fucking traitor tears. Buti nga at hindi nag-crack ang boses ko eh.
"It's okay." Buti pa 'tong si Josh. Siya itong laging nandito. Siya itong laging pinapagaan ang loob ko sa tuwing nandito ako sa studio at nasasaktan kapag naririnig ko ang mga biro ni Stell sa akin.
Bakit hindi na lang siya?
Oo nga 'no? Ang lupit din. Kung puwede lang i-undo ang pag-ibig o kung puwede lang mag-unsubscribe sa pag-ibig ko kay Stell, ginawa ko na. Kung gano'n lang talaga kadali ang lahat.
"Salamat." Bulong ko.
Ngumiti lang siya bago ako tinabihan saka sinabayan sa pagkanta para raw hindi ako lonely at namumukhang mamang kumakanta sa sidewalk. Wala pa naman daw siyang pera para ibigay sa akin. Natawa na lang ako habang nagpatuloy sa paggigitara habang siya naman ang kumakanta.
THANK YOU FOR READING
_________________
End Notes: see you next update. Bitter pa rin ako kaya kung gusto niyo ng fluff na may kaunting kalat, punta kayo sa Crumbs kasi ang Munchkin as of now ay maasim at hindi matamis dahil wala pa rin ako sa mood :'>
BINABASA MO ANG
My PauStell Munchkins | StellJun
Fanfiction[SB19 Pablo & SB19 Stell] A StellJun dump au's dahil bored ako.