"Just StellJun, gold moments. Mga usapang pang-matalino according to Justin."
Mga quarter to eleven na ng gabi at nandito pa rin ako, mulat na mulat habang yapos-yapos ang aking pinakamamahal na hotdog pillow. Siguro ma-g-gets niyo kaagad kung bakit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok—oo, kaka-selpon ko kasi.
Anyway, okay naman ako at kalmado pa rin. Siguro dahil lang ito sa strawberry-scented na diffuser na inilagay ko sa room ko. Hindi naman siya iyong scent na masakit sa ilong, not too sweet din (dahil mas sweet ako) pero just enough to sooth your raging seas. Bigay ito ng isang fan and I am so grateful kasi talagang nakaka-relax siya lalo na kapag inaatake ako ng selos—erase, erase...
Anyway, kahit gaano pa ka-relaxing ang nasabing diffuser, wala nang mas i-r-relax pa sa isang John Paulo na nasa kabilang linya. Actually, wala naman kaming topic talaga, basta may ma-i-chika lang tapos mga tawanan na akala mo wala nang bukas na may halong kaharutan.
Dapat kasi, kanina pa ako nakabulagta at nakahilik pero may biglang tumawag na unggoy. Hindi raw makatulog tas ang ginawang pampaantok, ako. Though I am happy na sa lahat, ako lagi ang tinatawagan niya just to do some chika kahit na halos araw-araw ay lagi naman kami nag-uusap sa studio.
You know what I love about him? Hindi nauubusan ng sasabihin tapos kahit walang sense na usapan, nahahanapan niya pa rin ng kabuluhan. You know what I mean? Basta, he's really something. Siya iyong madaldal na hindi nakakainis kasi kung ako lang ang tatanungin, I would love to hear him talk every single day.
"Pau, how about kantahan mo na lang ako?" Kung makapag-request, akala mo naman kausap ang DJ sa radio.
Natawa siya kaya himlay na naman si marupok. "Ano ba'ng gusto mo?"
Ikaw. Obs ba? "Kahit ano na lang," saad ko bago dumapa sa kama.
Natatawang nagsalita siya ulit. "Sige. Sino ba ang kumanta ng kahit ano na lang?"
Napairap ako pero hindi rin mapigilang mapangiti. "Si ano... si kahit sino na lang?"
"Awit... ang cute-cute mo talaga." Sus, alam ko naman iyon.
"Ay, maliit na bagay!" kindat ko sa kawalan. "Dali na. Haranahin mo na ako."
"Gusto mo acapella na lang? Tamad na akong tumayo," suhestiyon niya.
"Kahit ano'ng gusto mo, go. Ikaw na 'yan, John Paulo. Wala akong karapatang mag-inarte," tugon ko.
"Ready?"
"Laging ready po for you, Sir." Pagpapabebe ko sa kaniya.
Rinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga. "Okay... ah one, ah two, ah three—one little two, little three, little hotdog. Four little five, little six, little hotdog. Seven little eight, little nine, little hotdog... ten little hotdog man."
Tapos tawa siya nang tawa after. Sus, ang saya-saya naman ng babie na iyan. "Ang galing-galing naman ng John Paulo ko. Isang masigabong durian clap naman diyan."
"Any reaction po? Nagustuhan mo ba?" tanong niya at alam kong nakangisi ito ngayon kahit na hindi ko siya nakikita.
Gusto naman talaga kita. "Grabe, ang sweet mong mang-harana. Masyado ka nang nakaka-in love."
"Of course, ako pa ba? Sweet na nga, tender at juicy pa." Proud na proud pa nga siya kaya napangiwi ako.
"Ang cute... sarap kurutin." Pasalamat talaga ito at mahal ko itong bandoy na ito.
Muli na naman siyang tumawa. Kainis, pati tawa niya, ang mesmerizing. "Ito na, seryoso na talaga."
"Go lang."
BINABASA MO ANG
My PauStell Munchkins | StellJun
Fanfiction[SB19 Pablo & SB19 Stell] A StellJun dump au's dahil bored ako.