Raining Cats and Dogs

106 12 3
                                    

Description: It's just Stell and Pablo, the so-called aso't pusa na hindi nagkakasundo at laging nag-sasagutan dahil nga sa kakulitin nitong si Stell hanggang sa dumating sa point na napagod na si Paulo sa kaniya.

_____________________

Sumisigaw ngayon si Stell dahil sa takot nang makakita ito ng clown stuff toy sa kama niya at hindi ko kasalanan iyon. Kung tutuusin, kulang pa iyon sa lahat ng pam-b-buwisit niya sa akin. Next time, hindi na stuff toy ang bubulaga sa kaniya kung hindi, totoong clown na. Actually, nasa closet ko ang costume.

Hindi ko nga iyan maintindihan. Malakas yata talaga ang tupak niyan. Buong stay ko sa pamamahay na ito ay puro stress lang ang inabot ko sa kaniya. Iiyak ang araw na hindi niya ako inaasar at dahil likas na bugnutin ako, madali rin akong na-b-buwisit pero may mga panahon talagang sinasapian iyan ng masamang damo. Minsan kasi ay nakatatakot na ang mga pranks niya. Not funny anymore.

Siya iyong tipo ng taong mahilig mang-asar pero kapag binalikan mo naman, pikon. Ayon pa nga ni Josh, kasama rin naman sa boarding house na ito na walang araw na hindi kami nagsasagutan ni Stell. Nakaaasar din naman kasi ang bibig niya. Parang machine gun, ayaw matahimik. Bilib na nga ako sa best friend niyang si Ken na natatagalan siya.

Dapat naman kasi talaga, hindi ako rito titira kaso dahil naghahanap sila ng isa pang board mate para apat daw kaming maghahati-hati, I'm sold. Grabe ba naman mang-sales talk itong si Josh. So ayon, dito ko nakilala ang isang asungot na si Stellvester. Isang-isa na lang at puputulan ko na ito ng dila. Kung hindi pa rin tumalab, may karayom at sinulid naman. Goods na rin iyon.

"PABLOOOOOO!" Anak ng tipaklong na blue! Kailangan talagang sumigaw? Bahala nga siya riyan. Kunwari ay bingi ako. "PABLO, NASAAN KA?"

"Dito, pikon na pikon na sa'yo!" Gusto ko sanang isigaw pabalik kaso nga lang, bingi pala ako ngayon.

Dahil nga kunwari ay bingi ako, nagpatuloy lang ako sa pag-m-mop ng sahig habang hinihintay na maluto ang aking homemade pizza. Pasipol-sipol pa nga ako cause why not? Sa loob ng mahabang panahon, nakaganti na rin ako sa wakas. Dati kasi, puro lang ako banta rito, banta roon. Ngayon siya magdusang kinanti niya ako.

"Pablo!" malakas na sigaw niya sa akin kaya halos mapatalon pa ako sa gulat. Aba, malay ko bang nariyan na pala siya?

Walang gana ko siyang tiningnan. "O?"

"O? O lang ang sasabihin mo?" Nangangalaiting itinaas nito ang clown stuff toy. "Ano ito? Ikaw ang may pakana nito, ano?"

Napataas-kilay ako. "Bakit ako?"

Pahapyaw siyang natawa. "At bakit hindi?"

"Really, Stell? Ako lang ba ang nakatira sa bahay na ito? Isa pa, bakit ba palagi na lang ako ang nakikita mo, ha? Nandiyan naman sina Ken at Josh. May Justin pang labas-masok lang dito na parang dito na rin nakatira. Bakit hindi sila ang pagbintangan mo imbis na ako?" Gago pala ito eh.

"They would never do that to me! Never!" Kulang na lang ay ibato nito sa akin ang couch sa sobrang inis. Thankful naman akong hindi niya kayang buhatin iyon... pero what if?

"Tabi ka nga. Kitang naglilinis ang tao tapos haharang-harang pa sa daan!" Asik ko sa kaniya pero hindi naman ito natibag. Ang tigas ng bungo. "Ano ba! Sabing alis diyan eh!"

"Huwag mo akong sinisigawan, Pablo! May kasalanan ka pa sa aking unggoy ka!" Duro niya pa sa mukha ko.

Sinimangutan ko siya bago kumindat para mas inisin pa ito lalo. "Wala akong ginawa pero—aha! Baka naman binabalikan ka lang dahil sa mga naging kasalanan mo sa akin. You know what I mean?"

My PauStell Munchkins | StellJunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon