Confusing Pau

190 13 11
                                    

"Stell always finds Paulo amusing yet adorable whenever the latter is confused..."

Lunch break na, finally kasi kanina pa nag-a-alburoto ang dragon ko sa tiyan. As usual, nandito kami ngayon sa aming paboritong kainan, ang Bahay Pagsibol. Kasama ko ang mga tropa kong kalahati-sira, kalahati-ulo—sira ulo, hinati ko lang.

Nandito si Josh, ang pinakamatanda sa amin at syempre ang pinaka-cute rin. I've known him since High School pa lang kami and believe it or not, I think he found the fountain of youth. Siya ang bampira ng tropa, hindi tumatangkad—este, tumatanda.

Katabi naman ni Josh si Ken, ang pekeng bunso ng tropa. Siya ang pinaka-nonchalant but mind you, lumalabas ang tunay niyang kulay kapag nagsasama-sama kaming lahat. Kung may best observer ng taon, ako mismo ang magsusuot ng korona sa ulo niya. Trust worthy din itong isang ito at laging maaasahan at makakapitan sa panahon ng kagipitan.

Iyong bunso naman ng tropa na si Justin, ayon at kaibigan na naman ang banyo. Minsan nga ay binibiro ito ni Ken na baka raw isang dekada na itong buntis, hindi lang lumalaki kasi manipis daw ang katawan. Paano ba naman, ihi nang ihi. Kapag may biyahe kaming lima, parang nakakailang hinto muna kami just for a urinary break bago kami makarating sa patutunguhan namin. Hanep.

Syempre, save the best for last—itong tahimik kong katabi na sobrang ingay kung kumain... naku, kailangan pa bang tanungin? Baka kasi mabuking ako na secret admirer ako ng kologong ito. Pero seryoso, itong si Paulo, may something talaga sa kaniya. Para siyang kidlat at ako ang isa sa mga best conductors kaya ayon, natamaan—boom, sapol!

Ewan ko kung bakit iba ang tama niya sa akin. Hindi ko ma-gets kasi dati, it's all platonic and even the touches, the smiles, the conversation, and everything are just all but normal pero one day, nagising na lang ako na, uy teka lang... bakit feeling ko iba na ito?

Hindi ako delusional pero heck, nabibigyan ko talaga ng meaning lahat ng mga pinaggagawa niya sa akin. His body language and his act of service is not the same anymore in my eyes. Feeling ko, he's doing it on purpose at ako naman itong greatest assume-ero ng taon, panay pantasya tapos gustong-gusto ring laging nakakulong sa mga braso ng isang John Paulo.

Ang galing talaga! Napakagaling, Stellvester.

"Stell, kain na. Huwag mo nang hintayin si Jah." Boses iyon ni Josh na pumukaw sa akin.

"Yeah, right." Ngumiti ako bago tumango. Baka mayamaya, tapos na rin si Justin umihi kaya makakahabol pa iyon. Sadyang gutom na rin ako kanina pa.

Masaya kong nilantakan ang paborito kong beef stew at kare-kare. Isa talaga ito sa binabalik-balikan ko rito. Hindi man gaano kalaki ang Bahay Pagsibol pero isa ito sa mga kainan na sobrang nagustuhan namin kasi ang sasarap ng mga pagkain. The first time we ate here, hindi kami nagsisi sa ibinayad namin kasi sulit na sulit din ang bawat servings.

Masarap na naman dapat ang pagkain ko kasi with feelings pa ang bawat subo kaso itong katabi ko, as I said earlier, ang ingay-ingay talaga. Parang wala itong pakialam sa paligid basta ba na-enjoy nito ang bulalo nito. I don't want to think that this man beside me is doing this on purpose.

"Hoy, puwede bang dahan-dahan sa ano mo..." Fuck, bakit ba hindi ko masabi? Puwede naman kasing kumain na lang o kaya ay humigop pero bakit ungol na itong naririnig ko. Tangina, help me!

"Hmmm?" Confused siyang napabaling sa akin. He's cute but nah. My mind is now tainted.

"Pau, ang ibig niyang sabihin, dahan-dahan daw sa pagsipsip," singit ni Josh habang may malaking ngisi sa mga labi. "Kung maka-ungol naman ito, akala mo inaano e!"

"Luh siya?"

Umismid si Josh. "Oh, huwag mo akong tingnan ng ganyan. Nakaka-distract ka kaya. Abot hanggang dito 'yong tunog ng bibig mo. Loko-loko ka talaga."

My PauStell Munchkins | StellJunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon