"When other people's hate were blocked by the people who loved every inch of you and adores your perfectly imperfect shape..."
* * *
Notes: So upon binge-watching SB19-related videos, I stumbled upon a clip interview wherein ST admitted he's kind of affected by these braindeads making fun of his visual. Tbh, I feel for him since I've been there too during my high school days that's why fuck these face-shamers and body-shamers. May their hairy tongues rot in the hottest pits of hell. Though visual is kind of subjective, you don't have to be mean kung sakali mang hindi pumasa sa taste mo ang looks ng ibang tao. As they say, if you don't have anything nice to say, SHUT THE FUCK UP. :) Actually, pati nga si JPN mina-mock, like WTF is wrong with you, people?
* * *
Buntonghininga. Ilang buntonghininga pa ba ang kailangan para maging okay lang itong pakiramdam ko ngayon? Bukod sa sumasakit na itong sintido ko, pati puso ko parang kinukurot ng ilang libong beses. Ginawa ko naman ang lahat, hindi pa ba iyon sapat?
"Ito talagang mga tao, hindi na natuto. Wala na bang bago? Parang mga sirang plaka." Mahigit sampung beses ko na sigurong paulit-ulit na binasa ang text message na iyon. Ewan ko, wala pa rin akong maintindihan. Siguro dahil lutang ako?
Ah basta ang alam ko, nasasaktan ako. God knows how much I tried na intindihin ang mga sinasabi ni Pablo sa akin. Kanina pa siya text nang text. Ilang comfort messages na ba ang ipinadala niya sa akin? Kaso wala akong maramdaman bukod sa hapdi at kirot kaya napangiti na lamang ako ng mapait.
What's new? Para namang hindi ako aware na nasa mundo nga pala ako ng mga mapanghusgang tao. Not to mention na rookie pa lang kami but I'm confident na kayang-kaya naming makipagsabayan sa mga halimaw na sa karagatan. I understand that people out there eyeing us are doubting our capabilities as performers. Wala akong problema ro'n but making fun of my face every damn time?
Hindi naman yata ako nag-audition para maging model or maging perfect ang facial structure ko. Pumasok ako sa entertainment industry to show the world my gift. Well, alam kong dapat total package kapag nasa ganitong larangan kasi isa rin naman sa puhunan ang itsura pero ayon na nga, baguhan pa lang naman kami. Instead na mag-focus sana itsura ko, bakit hindi nila i-judge and vocals ko? Ang dancing skills ko?
Okay lang sa akin kapag isa o dalawang beses lang iyon kung punahin nila but every time na lang na magkaroon sila ng pagkakataon, talagang kulang ang isang lingo for them to mock me and publish their mockery sa social media as if diring-diri sila sa mukhang mayroon ako.
God knows din what it takes me para lang maging confident sa pagiging ako and all of a sudden, ganito pa ang maririnig at makikita ko sa iba. I am trying my best to ignore but it is never that easy to do so. Kahit sabihin kong wala akong pakialam, nagkakamali kayo because I fucking care and it hurts! Hindi ko nga alam kung paano ko pa nagagawang tumawa sa harapan ng camera after everything that happened.
"Vester?" Napukaw ang atensiyon ko sa phone ko after mag-text ulit si Pablo.
"Bakit, Pau?" I replied.
"How are you doing? Iyong totoo. Hindi ko man kayang burahin ang sakit, baka may magagawa ako para maibsan iyang dinadamdam mo. You want me to sing for you? What about mag-twerk ako sa harapan mo? Sexy dance kaya, gusto mo?"
Natawa tuloy ako habang pinapahiran ko ang mga luha ko. "Sira ulo ka talaga. Sige nga, gawin mo nga."
"Lol! Gagawin ko talaga, wait ka lang. Mag-p-practice ako. I will give my all."
BINABASA MO ANG
My PauStell Munchkins | StellJun
Fanfiction[SB19 Pablo & SB19 Stell] A StellJun dump au's dahil bored ako.