"Stell wrote a morning message to Paulo and later asked him random silly thoughts he have in mind. He's there to torment the other guy until Paulo drops a shovel on his lawn to shut him up."
* * *
Umagang-umaga, cellphone na naman ang iniintindi ko. Masaya pa nga akong nag-t-type kasi may balak na naman akong asarin ang kakilala ko ritong halos araw-araw, may toyo. Suka at kalamansi na lang talaga ang kulang sa kaniya at perfect na siyang sawsawan. Hindi na niya need ng sili kasi hot na naman siya.
Ugh, he's so perfect talaga sa mga mata ko.
"Cuddling with you would be perfect right now. Good morning!" Walang pag-aalinlangang sinend ko ito kahit na alam kong may possibility na si Chona ang sasagot sa akin kasi naman ang aga-aga, bakit ang landi-landi ko?
At ayon na nga, nag-reply siya kaso isang question mark lang. Wala sa oras na natawa ako pero napasimangot din sa huli. Wala talagang sweet bones sa umaga, Paulo? Gusto ko ring magtaray pero huwag muna.
"Ay, wrong send. Sorry."
Napairap na lang ako kasi nag-reply ba naman ng K. Ang aga-aga, ang sungit. Kapag ako nainis na ng tuluyan, papakainin ko ito ng isang kutsarang sampalok. Sasabihin ko na sanang potassium din siya kaso binura ko na lang. Baka kutungan pa ako no'n.
"Ulam mo ba sinigang?" usisa ko. Wala lang, makikihingi lang sana, bakit ba?
"Bakit?" tanong niya pabalik.
"Wala naman. Ang asim ng timpla mo ngayon, bebe boy." Wala na, nakangisi na ako. Ang sarap talaga nitong asarin.
"Ewan sa'yo, Vester. Umagang-umaga, nambubulabog ka na naman," tugon nito.
Napakagat-labi ako. "So bad trip ka? Gusto mo bang matuwa, bebe?"
"Yuck, bebe." Sus, kunwari pa itong si Pau eh kinikilig din naman sa akin.
Of course, hindi ako makukuntento. Kailangan kong marinig ang boses niya kaya hindi ako nag-atubiling tumawag kasi why not? Ang tagal pa ngang sinagot ng kologo. Pakipot masyado eh sasagutin din naman pala ako este—ang tawag ko.
"Hello, Stell?"
"Tagal naman sagutin. Nakatatampo, hmp!" Kunwari ay nagrereklamo ako kahit na labas naman sa ilong.
"Parang iyon lang, tampo agad? Babaw mo." Tapos narinig ko siyang tumawa.
"Mamaw mo," balik ko sa kaniya.
"What?" Sure ako, salubong na ang mga kilay nito.
"Sa kantahan. Ito naman, hindi na mabiro. Ang seryos mo naman kasi, bebe boy," hirit ko pa.
Muli itong natawa. "Parang hindi naman ito sanay si Vester."
"Yeah, I forgot na lagi ka palang seryoso... sa akin," kindat ko kahit na hindi naman niya ako nakikita.
"Ewan sa'yo! Bakit ka ba kasi tumawag, ha?" Ayon, irritated na naman si Chona. Natawa na lamang ako sa mood swing nito.
"Grabe, galit agad?" nguso ko. "May itatanong lang eh..."
Narinig ko siyang napabuntong-hininga. "Ano na naman iyan?"
"Huwag na. Galit ka na eh." I tried my best na magtunog naaasar.
"Ano nga kasi iyan?" muli niyang tanong pero malumanay na ang boses nito.
"Actually, tungkol lang talaga ito sa shampoo. Kapag ba ang shampoo, binawasan ko ng isa, magiging sham na lang ba?" tanong ko habang nagpipigil ng tawa. Rinig ko rin ang mahina niyang mga tawa kaya napangisi ako. At last, napatawa ko rin siya.
"Ba't tumatawa ang shampau na iyan, ha?" hirit ko pa nga.
"Alam mo, i-ligo mo na lang iyan. Ang laki yata ng problema mo. Isa pa, iwasan mo na nga ang kasasama mo riyan kay Jah. Nahahawa ka na sa kaniya." Kunwari ay na-n-nermon pa nga ito. Gusto ko na sanang maniwala pero halata namang nagpipigil lang ng tawa.
"Gusto mo ba sa iyo na lang ako laging sasama?" muli kong hirit sa pabebe na boses. "Gusto mo ba, ha?"
"Ewan ko na sa iyo. Ang sakit mo sa ulo," reklamo nito.
Napabungisngis ako. "Mas masakit kaya kapag walang ulo."
"Ano'ng wala? Dalawa nga eh." Bakit iba ang tono ng boses nito?
"Ha?" Mga ilang segundo rin akong nag-space out bago ko siya minura. Tawa lang nang tawa ang bano. Nakakainis. Wholesome lang naman ang pakay ko, bakit gano'n siya? "Ikaw, Pau ah..."
"What? Bye na nga lang. May ginagawa ako, istorbo mo," saad nito na natatawa pa rin.
Ayokong tapusin muna ang tawag. Gusto ko pa siyang makausap. "Ano'ng ginagawa mo, bebe?"
"Jusko, Vester. Tigil-tigilan mo nga iyang kaka-bebe mo sa akin." Parang walang ibang ginawa si Pau ngayong umaga maliban sa pag-r-reklamo. Iningusan ko na lang siya. Kunwari pa ang isang iyan eh if I know, in denial lang naman ang bebe.
"Ayoko nga. Kung gusto mo, forever na lang kitang tatawaging bebe ko. Cute kaya no'n. Huwag ka ngang choosy, Pau. Ako na 'to, o." Hindi ko alam kung bakit ako kumukindat dito eh mag-isa lang naman ako. Mukha tuloy akong temang.
"Nothing lasts forever, Vester." May halong pang-aasar pa nga ang boses nito.
"Gano'n? If nothing lasts forever, I can be your nothing instead. I think it will work." Bakit ba trip na trip kong landiin si Pau? Enebe!
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo." Oh, poor bebe. Mukhang stress na stress na siya sa akin. Gets ko naman siya kasi kung magkakapalit lang kami ng posisyon, sasakit din malamang ang bunbunan ko kung nagkataon.
"Batukan mo na lang ako ng buong pagmamahal, ayos lang sa akin. I swear, ako pa ang mag-s-sorry sa'yo," suhestiyon ko.
"Harot nito," komento niya bago natawa pero may halong cringe.
"Aminado naman po ako pero at least, sa'yo lang." With confidence ko pa nga iyong sinabi kasi why not? Eh sa totoo naman.
"Oh... kaya pala na-wrong sent ka? Halata nga," buntonghininga nito.
"Kunwari pa 'to. Alam na alam naman niyang para sa kaniya talaga iyon. Hmp!" Kung hindi lang ito cute, niyakap ko na 'to sa leeg.
"Ang kulit mo talaga. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo." Parang sukong-suko na ang bebe boy ko. Syempre, ako naman, pinipigilan ko lang na matawa.
"Napapagod ka na ba sa kakulitan ko?" usisa ko sa seryosong boses.
"No, not that. I know na makulit ka o siguro na-immune na lang ako kaya tinotolerate ko na lang kasi wala naman akong ibang choice," tugon niya.
"Sus, na-immune ka lang talaga sa pag-aalaga at pagmamahal ko sa'yo, bebe..." ngisi ko and I swear, nakikita ko siyang nag-b-blush sa utak ko.
"Awit sa'yo, Vester. Isang-isa na lang talaga..." Napahawak ako sa aking mukha kasi bakit parang ako yata ang namumula?
"B-Bakit? Ano'ng gagawin mo? Dadalhin mo ba ako sa Baguio as a friend? Kahit ano, papatusin ko basta ikaw. Okay din sa akin ang more than friends. Just tell me, bebe boy." Charot na may kasamang harot.
Napaubo ito. "Ang harot mo nga."
"Yieeee... do you feel butterflies na ba in your stomach, bebe?" pang-aasar ko sa kaniya sa pabebe ulit na boses.
"Forget those butterflies, Vester. The whole zoo is here with me right now."
Tapos iyon na ang last na sinabi niya dahil bago pa ako makasagot, pinutol na niya ang tawag pero putahamnida? Naiiyak ako na pinagpapawisan na naiihi na ewan. Mukha na akong tanga rito.
Wala sa sariling nag-dive ako sa kama bago ko isinubsob ang aking mukha sa unan saka sumigaw at nagkikikisay na parang shunga. Eh kasi naman Paulo, bakit gano'n ka? Hindi po talaga ako kinikilig ako sobra. Mama, I think I'm getting married. Bye po.
BINABASA MO ANG
My PauStell Munchkins | StellJun
Fanfic[SB19 Pablo & SB19 Stell] A StellJun dump au's dahil bored ako.