"There's nothing safer but in the arms of the person you love..."
Busy na naman si Paulo sa desk niya. Nakailang kape na rin siya ngayong araw. Alam kong busy siya kakasulat ng kanta for us pero mukhang iba yata ang ginagawa niya ngayong araw na ito kasi after ko siyang sinilip, hindi yata kanta ang ginagawa niya; it's a scribbled poetry for me. I am fluttered kasi sobrang ganda ng pagkakasulat. Iyon lang, kasing lalim nga lang ng Mariana Trench.
Napahalukipkip ako sa bean bag na katabi lang ng swivel chair niya. "Pau, hindi ka pa ba tapos diyan?"
Tinapunan niya ako ng tingin. "Not yet. Why?"
Napanguso ako kasi alam ko namang tapos na siya. "Bilisan mo na riyan. Double time!"
Napataas-kilay niya. "Akala naman talaga nito ang dali lang ng ginagawa ko."
"Mamaya na kaya iyan? You promised me, Pau. Sabi mo, mag-t-tiktok tayo together. Look, what time is it?" Hindi ko naman siya pinilit, siya lang ang mismong nag-offer tapos ngayon biglang umuurong.
"Oras na para gumawa ng panibagong orasyon para kantahin ng mga Jeju." May nalalaman pa nga siyang stretching keneme habang nakatingin sa akin.
"John Pauloooooo! Hindi ikaw si Jah, okay?" Napapadyak na lamang ako. "Dali na kasi..."
Tumawa siya ng marahan. "Ayan ka na naman sa pagpapabebe mo. Kaasar!"
"Gumagana naman palagi sa'yo, hmp!" Wala siyang choice dahil hinila ko na talaga siya. "Alam kong tapos ka na. Ayaw mo lang talagang tumayo. Akala ko nga naka-glue na iyang puwetan mo sa upuan mo!"
"Ang sarap kaya umupo. Kapagod eh. Sakit din ng leeg ko," nguso niya.
"Dali na kasi, love..." pamimilit ko pa. Of course, mahaba pa naman ang pasensiya ko sa taong ito.
"Love ka riyan!" Pinitik niya pa nga ang noo ko.
"Ayaw mo? Sige, sweetheart na lang," ngisi ko sa kaniya ng makahulugan. Wala kang kawala sa aking balbon ka.
"Ang cringe, Vester." Iningusan pa nga ako ng loko.
"Sige, tiktok na lang tayo. Turuan kita ng steps." Hinila ko siya sa tabi ko. "Una, sabayan mo ako... sa mga trip ko sa buhay."
Binigyan niya ako ng bored na mga tingin. "Matagal ko nang ginagawa, manhid ka ba?"
Ngali-ngaling batukan ko na itong taong ito. "Hindi ako manhid. Ikaw ang manhid, ugh!"
"Pa'no naging ako?" usisa niya sa akin habang nakakunot-noo.
"Hindi mo ako love," tugon ko na parang bata.
Napakamot siya sa kaniyang makakapal na kilay. "I did. Bingi ka lang yata o talagang manhid ka. Ilang lakas ng loob ang hinakot ko para lang sabihin iyon sa National TV. Kulang na lang magpalamon ako sa buong stage dahil sa mga naghihiyawan."
Natatawang napatingin ako sa kaniya. "Grabe talaga iyon. Imagine, ipinagsigawan mo ba naman sa buong Pilipinas kung gaano mo ako kamahal? Paano nga 'yon?"
"Stop it!" banta ni Chona pero nginisihan ko lang siya.
Umubo pa nga ako bago nag-project na ako si Paulo. "Mahal na mahal kita, Stell."
Ayon, para tuloy akong kiti-kiti na nagwawala sa tabi niya. "Ang feeler mo. Napilitan lang ako, uy!"
"Hindi ka naman mukhang napilitan. Baka nga kung walang ibang tao, hinalikan mo pa ako, eh..." Pang-aasar ko pa sa kaniya.
"Yuck! Kinilig ka naman do'n?" natatawang usal niya.
Mali bang kiligin? "Uhm... slight lang naman."
"Awit! Ilang beses mo na ba akong inaasar diyan? Dapat pala hindi ko na lang sinabi 'yon. Ang tagal na kaya no'n." Para itong bata na ang haba-haba ng mga nguso kasi hindi binilhan ng Nanay niya ng laruan na gusto niya.
BINABASA MO ANG
My PauStell Munchkins | StellJun
Fanfiction[SB19 Pablo & SB19 Stell] A StellJun dump au's dahil bored ako.