Roses for the Dead

86 9 2
                                    

Description: Thereis this certain man who often visited a particular flower shop to buy someroses...

__________________

"Good morning, Sir! Kumusta po kayo?" bati Diana sa bagong dating. Pinagmasdan niya ito at talagang pormang-porma ang datingan nito. Mukhang may pupuntahan na naman ang naturang costumer. Lingo-lingo kasi ay naririto ito sa kaniyang flower shop para bumili ng bulaklak. Lagi nitong pinipili ang pulang rosas. Siguro ay paborito ito ng asawa nito o kaya ay girlfriend. Puwede rin namang nanay nito.

"Good morning din. I'm fine, thank you." Napukaw siya nang magsalita ang lalaki. Magaan talaga ang vibes nito tapos mukha ring kuwela. If ever, magkakasundo silang dalawa dahil pareho silang madaldal. "Ano, the usual, please..."

Malapad ang ngiting tumango siya habang tinungo na ang bouquet na talagang sinadya niyang gawin para lang sa kaniyang consistent costumer. Sa dami ng flower shop na naglipana sa lugar nila ay thankful siyang dito ito laging pumupunta sa tindihan niya. Marami rin kasi siyang kompetinsya at mga kilala pa ang mga ito pero itong lalaking ito, lagi at laging dito ito pumapasok.

"There you go po, Sir." Abot niya sa bouquet.

Bahagya pa itong natawa habang nag-aabot ng eksaktong amount ng pera. "Wow! Ang bilis naman. May magic ka ba?"

"Syempre, kayo pa ba? Oo nga pala, if it's not too much to ask, para kanino ba talaga ang flowers na iyan? Uhm, ayos lang kahit na hindi mo na sagutin." Nakaramdam tuloy siya ng hiya dahil sa naging asta niya. Baka kasi ay sumusobra na siya.

Saglit na napabuntong-hininga naman ito. "Ito ba? Para ito sa namatay naming pangako."

Gustong matawa ni Diana. Gusto niyang tawanan ang akala niya'y biro ngunit nang makitang seryoso ito, muli na naman siyang nakaramdam ng guilt. "Po?"

Ngumiti ito ng pilit. "Ang ganda talaga ng flower shop mo, parang ikaw. Amoy lavender pa. It kind of reminds me of someone."

Napangiti na rin siya. "Magaling kasi ang co-owner ko. Napaka-creative niya rin. Siya ang nakaisip sa interior nito."

Nakita niyang tumango ang lalaki. "I see. Siya rin ba ang gumawa ng mga saying na naka-frame sa dingding?"

"Yes po, Sir. For the inspiration nga raw kasi ang ferzown." Hagikhik niya.

Natawa naman ang lalaki. "Wala pa namang ibang costumers. Gusto mong kuwentohan kita kung para kanino talaga ito?"

Napatanga siya ng mga ilang segundo bago napatango-tango. "Sure po. Dito po tayo sa couch."

Nang makaupo na sila ay tumikhim muna ang lalaki matapos na ilibot ang paningin sa paligid. "This roses are for the dead. I mean, not literally. Gan'to kasi iyan, I have a special someone dati. Siya ang lahat-lahat sa akin. Wala akong ibang nakikita maliban sa kaniya. Siya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko."

"Ano pong nangyari pagkatapos?" tanong ni Diana rito.

"Mahal na mahal din niya ako. Iyon nga lang, natatakot na ako sa pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. Dumating na kasi sa punto na naubos na siya. Wala nang natira pa sa kaniya. Ibinigay niya lahat sa akin... pati buhay niya itinaya niya para lang sa akin." Saglit na tumigil ito, marahil ay para huminga.

"Pero ang masakit lang doon, hindi ko siya pinakinggan dahil nga sa ambisyon ko. If I could only turn back time, sana nag-stay ako. Sana hindi ako umalis. Sana kami pa rin hanggang ngayon. Sana hindi siya napagod sa akin pero wala eh. Dahil ambisyoso ako at laging may gustong mapatunayan, iniwan ko siyang wasak at ang tanga-tanga ko sa part na iyon." Dagdag pa nito.

"Bakit hindi ka niya nagawang hintayin?" tanong muli ni Diana.

Napangiti ito ng mapait. "Matagal akong nawala. Matagal akong hindi nagparamdam dahil kampante akong akin lang siya. Dahil akala ko, akin lang siya—isang kahangalan nga talaga. Bakit hindi ko naisip agad na mapapagod din siya sa kahihintay sa wala?"

Ngayon ay naiintindihan na ni Diana. "Sir, hindi naman sa panghihimasok pero may mali rin kayo. Bakit hindi kayo nagparamdam agad? Sana man lang nagsabi kayo."

"Alam ko. Alam kong may mali ako kaya nga agad akong umuwi para sa kaniya pero huli na pala ako. Masyado nga yata akong nalibang sa ibang bansa at nakalimutan siya. Nakalimutan ko ring alalahanin na nagbabago nga pala ang pagtingin ng isang tao." Napatungo ito habang bagsak ang mga balikat.

"Pag-uwi ko, wala na. Kasal na pala siya at masaya na siya. Pero at least, nangyari ang dream niyang magpakasal. Sabi pa nga niya, gusto niyang maging bride pero hindi ko iyon tinupad. Mabuti na lang at may taong tumupad sa hiling niya kaso naging groom naman siya." May pait sa mga himig ng boses na iyon, alam ni Diana.

"Masaya ka ba para sa kaniya?" usisa niya rito.

Tumingin ang lalaki sa kaniyang mga mata. "Wala naman akong ibang choice. 1 year na siyang kasal pero nasasaktan pa rin ako. Masaya? Oo naman. I'm so happy for him dahil sa wakas, magkakapamilya na siya. Mahal na mahal siya ng asawa niya at alagang-alaga siya tapos magkaka-baby na siya which is hindi ko naman kayang ibigay sa kaniya."

Tila may bikig na nakabara ngayon sa lalamunan ni Diana. Bigla tuloy siyang napahawak sa kaniyang four months old baby bump. "T-Teka—"

"Alagaan mo si Pau. Alagaan mo ang lalaking mahal natin. Huwag kang gumaya sa akin. Bugnutin siya pero matindi iyon magmahal." Natatawa pa nga ito pero halatang naiiyak na. "Sige, iyon lang. Mauna na ako."

"S-Sir?"

Madamdamin itong ngumiti. "Yes?"

"I-I'm sorry..." Siguro dahil buntis, mababaw lang ang emosyon niya kaya siya umiiyak ngayon.

Umiling naman ang lalaki. "Wala kang kasalanan. Sa next life na ako babawi. Sulitin mo na lang muna siya sa ngayon. Hindi, biro lang. Basta, magmahalan kayong dalawa. Congrats din pala sa baby ninyo."

Gusto niyang magsalita pero walang lumalabas sa bibig niya. Ang alam lang niya ay sumasakit ang lalamunan niya. "May hiling nga pala ako, Miss. Sana huwag mong sabihing nag-usap tayo. Kahit ito na lang ang ibigay mo sa akin. Hayaan mo lang akong tingnan siya sa malayo. Promise, hindi ako manggugulo. Hayaan mo lang ako hanggang sa kaya ko nang tanggapin ang lahat."

Hindi na siya nakapagsalita pa talaga lalo pa at umalis na rin ang naturang costumer. Nanghihinang napaupo na lamang si Diana sa couch habang nag-f-flashback sa utak niya ang mga sinasabi ng kaniyang costumer kani-kanina lang. Tumutugma rin ito sa mga kuwento ng kaniyang asawa.

"S-Stell... ikaw pala si Stell," mahinang saad niya habang haplos-haplos ang kaniyang baby bump. "I'm sorry pero mahal na mahal ko rin siya."

Dito na-realized ni Diana na seryoso nga talaga ito sa sinabi nito kanina; roses for the dead promises and roses for the dead relationship – it's just roses for the dead because it's not compatible enough for the stem nor the buds to fit.

________________________

End Notes: paumanhin, guys... wala ka man sa alaala ko'y habambuhay kitang mamahalin.

My PauStell Munchkins | StellJunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon