It's just Pauwie in his delulu era...
__________________________
Nanghahaba ang mga ngusong napairap si Paulo habang papalapit naman dito si Stell na may malalapad na ngiti. "Pauwie!"
"Oh?" pagsusungit niya pa rito.
Nawala tuloy ang magandang ngiti nito. "Bakit? Anong nangyari?"
"Do'n ka na sa kayakap mo!" Tumalikod siya agad dito.
Natatawang pinigilan naman siya nito. "Mahal naman, she's asking for a selfie kasi."
"Iyon na nga kaso bakit may yakap pa?" baling niya rito habang salubong ang mga kilay.
Napayakap tuloy si Stell sa kaniya. "Huwag ka nang magselos. Mas better ka naman."
Kumalma naman siya dahil sa init ng yakap nito ngunit nakanguso pa rin. "Sorry."
Isang halik naman ang iginawad nito sa kaniyang pisngi. "Cute mong magselos. Mukha kang pato."
"At least, hindi kita pinapakausap sa wire. Hindi gaya ng iba riyan na kung magselos, kala mo naman kung ano na'ng ginawa ko." Hindi naman siya nagpaparinig pero parang gano'n na rin iyon.
Umingos naman ito. "Ganiyan naman talaga kapag love mo. Mas cute kaya kapag nagseselos in a moderate way. Parang ikaw lang kani-kanina. Iyong expression mo, hindi ko na mabasa."
"At natutuwa ka pa talaga, eh 'no?" bulalas niya habang sumandal naman sa matipunong dibdib ng kaniyang nobyo.
"Kasi nga ang cute mo. Para kang baby... baby ko," paglalambing pa nito sa kaniya.
"Selos na selos ako kanina, Stell kaso naalala ko na maganda pala ako kaya binabawi ko na," pagmamayabang niya pa sabay tawa ng malakas.
Natatawa rin itong hinapit ang kaniyang bewang. "Syempre naman. Ikaw pa ba? Prinsesa kita eh. Pogi-pogi mo tapos ang ganda-ganda mo pa. Tanga lang ang ipagpapalit ka sa iba."
Wala sa sariling napapangiti na lang siya pero agad ding humiyaw ng bahagya nang bigla siyang pihitin nito paharap. Magrereklamo na sana siya kasabay ng panibago na namang litanya nang siilin siya nito ng halik.
Sino ba siya para magreklamo? Aba'y agad pa nga siyang kumapit sa balikat nito at tinugunan ang mga halik na iyon.
"Love you," bulong niya rito nang nakangiti.
Sumimangot pa nga ito ng kaunti. "I love you dapat."
"Pareho lang naman iyon," pagdadahilan niya naman.
Ngumiti naman ito ng malapad bago hinaplos ang mukha niya. "Pau..."
"Stell..."
"Pau! Paulo!"
"Stell?"
"Hoy! Gising! Paulo, please naman dumilat ka!" Ramdam niya ang marahang tapik sa pisngi niya. "Ang init mo. Nilalagnat ka. Bakit hindi ka nagsasabi?"
"Ha?" Naguguluhang napatingin siya rito.
"Teka, kukuha lang ako ng gamot." Nagmamadali naman itong lumabas. Aligagang-aligaga ito ngayon.
Napanguso siya. Kulang pa ang salitang disappointment sa nararamdaman niya ngayon. Para kasing totoo ang panaginip niya. Napabuntong-hiningang napasubsob na lang siya sa unan.
"Bad trip!" bulalas niya na may halong panghihinayang.
Mukhang panahon na sigurong tigilan na niya ang pagpapantasya niya kay Stell dahil kahit naman anong gawin niya, manhid naman kasi ito. Ginawa niya na ang lahat ng motibong alam niya pero wala pa rin.
Suko na siya.
Mag-m-move on na siya kahit wala naman talagang sila.
***
BINABASA MO ANG
My PauStell Munchkins | StellJun
Fanfiction[SB19 Pablo & SB19 Stell] A StellJun dump au's dahil bored ako.